" Genesis!"
Sigaw ko nang maabutan ko siya habang pasakay na sa kotse niya.
" Alison? Bakit ka pa sumunod dito? Malamig na, pumasok ka na." Nagaalala niyang sambit saakin. Sinarado niya ang pintuan ng kotse niya, sasakay na dapat siya kanina, mabuti nalang at naabutan ko siya.
Lumapit ako sa kaniya.
" Bakit bigla kang umalis? May emergency ka ba? May problema ka?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya, umiling siya at saka tinignan ang bahay namin, kahit ako ay napalingon. Hinawakan niya ang kaniyang batok at saka kinagat ang kaniyang labi, napaiwas ako nang tingin sa kaniya.
" Hindi ko lang kayang makita kayong ganoon kalapit sa isa't- isa, Alison." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sumandal siya sa kotse niya, ako naman ay nakatayo lang at tinitignan ang bawat galaw niya. Hindi na ako makalapit pa sa kaniya.
Magkahawak ang dalawa kong kamay.
" Hindi ko din naman alam na lalapit si Dion. Umiiwas ako. Pasensiya na kung hindi mo nagustuhan ang kilos ni Dion sa loob-"
" Hindi ko talaga magugustuhan, Alison. Kasi hanggang ngayon, mahal parin kita. Mahal na mahal. At selos na selos akong makita kayong ganoon sa harapan ko, hindi ko kaya, Alison." Napakagat ako sa aking labi sa sinabi niya. Mahal niya pa ako? Hanggang ngayon? Kahit na ganoon ang ginawa ko sa kanilang dalawa?
Ganoon na ba ako naging malapit kay Genesis para hindi niya ako makalimutan?
" Genesis, talaga bang hanggang ngayon nasa puso mo parin ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko, umalis siya sa pagkakasandal niya sa kotse niya at saka siya lumapit saakin, hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinignan niya ako nang diretso sa aking mga mata.
" Alison, hindi kita kailanman nakalimutan, at wala akong balak na kalimutan ka." Sambit niya. Mas nilapit niya pa ang sarili niya saakin, nanigas na din ang katawan ko ng sinimulan niyang ilapit ang kaniyang mukha saakin habang nakatingin sa aking mga labi.
" Alison!" Tinulak ni Dion si Genesis at saka niya hinapit ang aking beywang para ilayo ako kay Genesis. Nanlaki ang mata ko ng mahawakan ko ang braso ni Dion dahil sa gulat ko.
Napahawak naman si Genesis sa pintuan ng kotse niya dahil sa lakas ng tulak ni Dion sa kaniya.
" Muntik mo na siyang mahalikan, are you an asshole?" Nasa mga balikat ni Dion ang aking mga kamay, si Levence naman ay agad na pumagitna sa pagitan ni Dion at Genesis.
At talagang dito sila mag aaway sa gilid ng kalsada?
" That's my move, bro, just shut the fuck-"
" Move? Gagalaw at poporma ka na nga lang sa gilid pa ng kalsada? Wala ka bang respeto?" Nag igting ang panga ni Genesis sa sinabi niya. Umayos ako kaagad ng aking tayo at saka pasimpleng hinihila ang laylayan ng damit ni Dion sa aking gilid. Tumingin naman si Dion doon.
" You are so possessive when it comes to her, ni wala na nga kayong relasyon, don't start a fight, Dion." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi ni Genesis. Hinila ni Levence si Genesis paloob ng kotse, kinausap niya ito at ilang minuto lang ay bumusina siya para magpaalam na.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay nagpaalam na si Levence na papasok na sa loob ng bahay.
" Are you okay?" Tanong saakin ni Dion, agad kong binaling ang tingin ko sa kaniya, tumango naman ako nang dahan dahan.
Hinubad niya ang suot niyang jacket at saka ito inilagay sa akin.
" Dion, hindi mo dapat ginawa iyon, ayos naman ako. Paano kapag nagkagulo kayo ni Genesis?" Nagaalalang tanong ko dito, ngumisi naman siya sa sinabi ko at saka niya inayos ang kaniyang buhok.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomantizmAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...