45

38 11 0
                                    

" Levence!"

Niyakap ko siya kaagad ng makalabas siya mula sa airport. Sinalubong niya naman ako.

" Alison, I missed you! Isang taon at ilang buwan din tayong hindi nagkita." Sambit niya. Ngumiti nalang ako sa sinabi niya. Kumalas siya sa yakap naming dalawa. Tinignan ko ang dala niyang gamit. Kakaunti lang, pero marami siyang dalang mga kahon at paper bags, tinulungan ko na siya na buhatin ang mga iyon at saka iniayos sa likod ng kotse na dala ko. 

Sumakay na din siya sa katabi kong upuan bago ko pinaandar ang kotse.

" Grabe, nakakamiss ang Pilipinas, lalo na kapag may bibisitahin." Malungkot na sambit niya. Nilingon ko naman siya sa sinabi niyang iyon, ngumiti ako at tumawa ng kaunti para pagaanin ang loob niya.

Nilingon naman niya ako.

" Narito naman ako, Levence. Papasyal tayo sa kung saan mo gusto, kaya magiging masaya ang pagbabalik mo dito." Ngumiti siya sa sinabi ko, at hinawakan niya ang aking braso, hinayaan ko naman siya na gawin iyon.

" Salamat, Alison. Ikaw na talaga ang tunay na tunay kong kaibigan, sana lagi kang ganito saakin. Nakakahiya, sinundo mo ako, ipagluluto mo ako, at doon mo pa ako patitirahin sa bahay ninyo."

" Dalawa lang kami ni Mama doon. At saka minsan, hindi nakakauwi si Mama, kaya mag isa ko doon." Paliwanag ko. Tumango naman siya.

Nang makababa na kami sa sasakyan ay nagtulong kami para itaas ang mga gamit niya sa guest room, nalagyan ko na din ito ng mga kumot at unan at naayos ko na ang banyo, kaya makakatulog na siya dito, pinalamig ko na din ang kwarto para malamig na doon mamaya kapag papasok siya.

" Malaki pala ang bahay ninyo, tapos dalawa lang kayo, nasaan ang Papa mo?" Sambit niya habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay namin. Tumingin ako sa kaniya bago ko ibaba ang panghuling box na dala niya sa loob ng kwarto niya. Bumaba na ako ng hagdan.

" Nasa abroad. May Bussiness din kami doon, siya naman ang namamahala." Tumango siya. Nakaupo na siya sa sofa namin, kumuha ako ng juice at cake na nasa ref namin at saka ko ibinigay kay Levence. Tinignan niya naman ito at saka kinain na.

Nakapag grocery pa ako kanina bago ako dumiretso sa kaniya, kaya magluluto na din ako maya maya.

" Galing ka pala ng Amerika? Dahil sa paglalaro ninyo? Anong balita doon?" Takang tanong niya. Huminga ako ng malalim bago ako nagkwento.

" Mahirap nga. Pero maganda naman ang experience. Nakauwi parin naman kami ng award kahit na papaano." Ngumiti siya.

" Nag uusap pa ba kayo ni Genesis? Hindi ba magkaibigan kayo niyon?" Napalunok ako sa sinabi niya. Tumayo na ako para magluto, mabuti nalang at hindi pa tumatawag si Dion.

Sumunod naman siya saakin, at saka siya umupo sa upuan kaharap ng kusina namin. Naghanda na ako ng gagamitin at saka na ako nagsimulang magluto.

" Hindi na din. Noong nagsama sama kami para magsalo salo, doon lang ulit kami nag usap ng maayos." Sambit ko. Nakatingin lang siya saakin habang nagluluto ako.

Maayos naman at makakapag pahinga na siya.

" Bakit naman? Napaka close kayo noon no. Kaya bakit naman?"

" Nako, mahabang kwento, as in. Magpahinga ka na muna. O kaya maligo, alam mo naman kung nasaan ang kwarto mo." Tumango naman siya. Tumayo siya at saka ibinaba ang plato na may lamang cake kanina pero naubos na niya.

" Bababa nalang ako kapag tapos na ako, sabay tayong kumain."

" Sige."

Inaliw ko ang sarili kong magluto. Unang pagkakataon kong magluto, kaya hindi masyadong mahirap ang niluto ko, baka nga pumalpak pa ako sa pagluto nito e. Nakakahiya naman kay Levence. Tinuro ito saakin ni Mama, sana makuha ko ang lasa.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon