" Levence, tama na iyan."
Pagpapatahan ko kay Levence ng makabalik ako sa kwarto naming dalawa ni Julia, hindi naman nila maasikaso dahil ayaw talaga nila sa ugali ni Levence.
" Alison, titigil na ako this time, hindi na ako magpapakatanga pa kay Genesis, hindi na." Hikbi niyang sambit saakin, tumango tango ako, nakasilip naman sa pintuan ang mga kasamahan ko.
Tinignan ko lang siyang umiinom ng tubig at saka humihikbi parin, hinahagod ko ang kaniyang likod, para gumaan ang pakiramdam niya.
" Hindi mo naman kasi kailangang magpakatanga at maghabol kay Genesis, hindi naman siya kawalan, makakahanap ka din ng magmamahal sayo, iyong hindi ka sasaktan gaya ng ginawa sayo ni Genesis." Pagpapaliwanag ko.
" Alison, thank you, thank you for helping me, iyong sinabi ko sayong tulungan mo ako, hindi mo na kailangan pang gawin iyon, tapos na ako sa kaniya." Tumango ako, at saka ngumiti sa kaniya.
Binigyan ko siya ng jacket, dahil uuwi na daw siya.
" Uuwi na muna ako, babalik ako kapag may oras ako at hindi na ako busy, pero ikaw nalang ang bibisitahin ko." Nakangiti na siya ngayon, tumawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
Dalawa lang kaming naglalakad papunta sa parking lot dito.
" Hindi mo naman kailangang bumalik pa, magkita nalang tayo sa isang lugar, o kaya tawagan mo nalang ako, mas hindi ka magiging kumportable kapag babalik ka pa dito at magkikita kayo ni Genesis." Paliwanag ko sa kaniya. Nakita na siya ng kaniyang driver kaya naman nagsimula ng umandar ang kanilang sasakyan.
" Tatawagan kita kapag nakauwi na ako at bago ako matulog, ingat ka dito Alison, thank you for listening at sorry dahil nakita mo pa ang nangyar kanina." Sambit niya sakin, umiling lang ako.
" Wala iyon, basta magpalakas ka at gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo, ingat kayo sa daan, kita tayo ulit." Niyakap niya ako, sumakay na siya sa kotse niya, ako na mismo ang nagsara noon, at kumaway ng makaalis na sila.
" Bye, Alison!"
" Bye, Levence!"
*
" Hoy, babae! Gising! Dali!"
Nagising ako sa yugyog saakin ni Julia, pati na din ang mga lalaking nasa basketball team ay nasa loob na ng kwarto namin ni Julia.
" Ano ba iyon? Maaga pa, hindi ba?" Tinignan ko silang lahat habang nagpupunas pa ng aking mukha, hindi pa ako nakakapag ayos at toothbrush.
" Galit na galit si Coach Jeric, kanina pa kami sinisigawan, buti nalang kinausap siya ng Head." Sambit nila. Nagtaka naman ako sa kanilang sinabi, kaya naman tumayo na ako at mabilisang gumalaw. Ang iba naman ay lumabas muna, especially ang mga lalaki, at ang mga babae naman ay hinintay ako sa kwarto at hinanda na din ang gagamitin ko.
Nang matapos ako ay saka nila ako hinila palabas, nakasunod samin ang iba.
" Bakit ba kayo pinapagalitan, baka naman may ginawa kayong hindi nagustuhan ni Coach Jeric?" Sambit ko sa kanila, nag iwas silang lahat ng tingin saakin, sinilip ko ang mga lalaki at halatang wala din silang balak na sagutin ako.
" Basta, mamaya, doon mo na malalaman."
Nang makarating kami sa opisina ni Coach Jeric ay agad akong nagpakita, uminom naman si Coach ng tubig bago niya ako hinarap.
" Alison, nakita mo ba kung nasaan si Genesis?" Laglag ang panga kong tumingin kay Coach, nilakihan ko naman ng mga mata ang mga kasamahan ko.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...