09

58 26 0
                                    

" Genesis?"

Agad akong tumayo ng makita ko siyang may hawak na ice pack. Nasuntok nga pala siya ni Dion kanina, agad akong nakaramdam ng awa.

Nagmalasakit na nga siya, nasaktan pa.


" Can i sit beside you?" Dahan dahan akong tumango, inayos niya ang kaniyang damit at saka siya umupo sa tabi ko, kaharap ng bonfire. Nakatulala lang ako sa apoy, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko, kung mag sosorry ba ako, o kung maghahanap ako ng ibang pag uusapan.




" Ayos lang ba ang pasa mo?" Tanong ko. Nilingon ko siya. Hawak niya parin ang kaniyang ice pack at nakalagay parin iyon sa gilid ng labi niya. Hindi ko naman nakitang dumugo kanina, bakit may ice pack?



Ngumisi siya at saka binitawan, nakita kong may pasa nga ang gilid ng labi niya.




" Bakit narito ka?"


" Ako ang naunang nagtanong." Malamig na sambit ko. Nagtaas siya ng kilay at saka niya binasa ang labi niya.




" Well, not really fine. Kahit sayo nalang ako magkaroon ng respeto." Umiwas ako ng tingin.


Ano bang gagawin ko? Hihingi ba ako ng tawad? Mag thank you ba ako sa kaniya? Gamutin ko yung pasa niya? Ano?


Mag isip, Alison.



" Sorry." Yumuko ako ng sambitin iyon. Agad akong nakarinig ng mahinang tawa. Kahit na nagtataka ay nanatili akong nakayuko.



" Why sorry? Si Dion dapat ang nagsasabi niyan." Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya ang aking baba at saka itinaas ang mukha ko para magtama ang mata naming dalawa. Hindi ako kaagad nakatugon sa ginawa niya.



" Hindi din naman iyon agad hihingi ng tawad sayo, kaya ako muna."




" Alam kong umiiwas ka." Diretsahang sambit niya. Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Humarap na ako sa kaniya sa pagkakataong iyon.


Ngumiti ako.




" Nahihiya kasi ako sa girlfriend mo, ayaw ko lang kasi mawala ang tiwala niya saakin, magkaibigan kami." Tumango siya.

Ipinagsalikop ko ang aking mga binti, malamig na sa labas kaya naman kailangan kong mamaluktot.



" I know, hindi naman ganoong selosa si Levence katulad ni Dion."




" Kahit na hindi nga siya ganoon, paano kapag iba din ang naiisip niya kung minsan?" Umiwas siya ng tingin. Hinawi ko ang buhok na tumabing sa mukha ko dahil sa hangin. Nanatili siyang nakahawak sa ice pack at nasa labi niya parin ito.



" Ayos ka na ba? Sinong gumamot sayo?" Tinignan ko ang mga gasgas ko sa aking tuhod na ngayon ay may benda na. Ngumiwi ako at saka lumingon ulit sa kaniya.


" Sila Julia din lang. Salamat."




" Salamat saan?" Nagtatakang tanong niya. Agad akong lumapit para hawakan ang kaniyang pasa na ngayon ay nangingitim na.



Umiwas siya ng kaunti ngunit hinayaan din lang ako. Kinuha ko ang ice pack at saka ako na ang humawak niyon, tutal, kasalanan ko naman.



" Is this okay with you? Napakalapit natin sa isat isa." Tanong niya. Umiling lang ako habang nakatingin sa mga mata niya.


Well, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa lalaking to? Matangos na ilong, mahahabang pilik mata, makinis na balat, matangkad, maayos ang pananamit, magandang gupit ng buhok, mapupulang labi.



It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon