" Alison, iyong narinig mo."
Tumingin ako kay Genesis at saka ko siya tinaasan ng kilay.
" Bakit?"
" Saating dalawa nalang muna sana--"
" Alis na, Genesis, bukas na ule, salamat pala doon mo kami dinala ha? Bye!" Hinila ni Julia ang kamay ko at saka niya ako hinila papasok ng kwarto naming dalawa. Naabot nga kami ng dilim doon kaya nakita namin ang mga ilaw. Napaka ganda nga ng mga iyon at mas marami ang tao kapag gabi, kaya naman nag enjoy kami ng sobra.
Binaba ko ang aking bag at saka nag alis ng sapatos, pinauna ko ng maligo si Julia dahil tatawag pa naman ako kay Dion, nag tanggal ako ng aking make up.
" Nakita ko na ang mga sinend mong pictures, maganda nga diyan." Napangiti ako sa sinabi niya, kahit ganitong oras ay naroon parin pala siya sa kompaniya nila at may meeting pa daw na huli mamayang 11pm.
" Maganda diba? Basta babalik tayo dito kapag natapos na to lahat, okay?" He chuckled.
" Sure thing, what are you doing by the way? Kumain ka na ba?" Tanong niya, kumuha ako ulit ng wet wipes at saka ipinahid sa aking mukha, hindi naman masyadong makapal ang make up ko kanina kaya kaunti lang ang mailalabas kong wipes.
" Yeah, bago kami umuwi, kumain na kami doon, ikaw ba?" Narinig kong patay na ang tubig sa banyo kaya baka tapos na si Julia maligo.
" Done already, i have my last meeting later, may sasabihin ka pa ba?" Napa kamot ako sa aking ulo, nang natapos na ako sa aking mukha ay umupo ako sa kama at saka kinakabahan kung sasabihin ba ang narinig kanina tungkol kay Genesis at sa kausap niya.
Wala namang masama kung sasabihin ko sa kaniya, kaibigan niya naman si Genesis at kaming dalawa lang naman ni Dion ang makaka alam non.
" Kasi, narinig ko kanina sa usapan nila Genesis." Sambit ko habang nagkakamot ng aking ulo.
" What is it?"
*
" Talaga? Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Julia dahil sa biglaan niyang pag sigaw. Tinignan kaming lahat ng mga nagpa practice, lalo na si Genesis na kanina pa ang mga mata saakin.
" Hindi mo din lang ba nakikita?" Tanong ni Samantha.
Agad na napahawak si Julia sa kaniyang sentido.
" Nahalata ko na siya kahapon pa, hindi ko lang sinasabi sa inyo." Tawang sambit ni Pia. Si Julia naman ay walang kaalam alam sa sinasabi namin.
Tinuro ko ang upuan ng lalaking kanina pa tinignan ni Julia at siya rin ang dahilan kung bakit mamula mula ang kaniyang pisngi ngayon.
" Si Adam? Bagong gupit kahapon, iyon ang napansin ko kahapon pa bago tayo umalis, nagpapa gwapo para kay Julia." Tili naman ang naisagot namin, kumakain palang kami para makapag handa na sa practice, sasalang kami ulit ngayon, at kapag nanalo ulit kami sa mga practice namin, sana payagan kaming mamasyal ulit, gusto kong libutin ang lugar na ito bago magsimula ang Regionals.
" Akala ko naman kung ano, ano ba kayo? Binigay niya ang number niya saakin noong isang araw." Nanlaki ang mata namin sa sinabi niya.
" Practice ang pinunta natin ha? Hindi landi, Julia."
" Noted, Pia."
Nagtaas ako ng kilay ng makita ko sila Genesis na papalapit sa pwesto namin, agad naman akong napalunok, baka mamaya ay kukulitin niya ako tungkol doon sa narinig ko kahapon?
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...