" Umiyak siya kagabi?"
Dinig kong sambit ng isang lalaki, nakahiga parin ako sa kama naming dalawa ni Julia, pero wala na ang katabi ko.
" Genesis, sa tingin ko kailangan mo muna siyang iwasan, iyong huwag mong kakausapin, ganoon din ang ipapagawa ko kay Dion, doon natin masusubok kung sino nga ba talaga ang gusto ni Alison, kapag matagal na kayong hindi nakakausap ni Alison, kung sino ang unang taong mamimiss niya, sa tingin ko, siya na ang nagpapatibok ng puso ni Alison ngayon." Sambit ni Julia. Nanatili akong nakapikit. Pinapakinggan ko ang mga pinaguusapan nila. Kahit ata sila Pia, at iba pa naming kasama ay narito.
" I can't do that, I'm sorry, kailangan ko siyang bantayan." Madiin na sambit ni Genesis at saka naramdamam kong hinagod niya ang buhok ko, nagpapanggap akong tulog hanggang ngayon, kailangan kong malaman ang plano ng mga kaibigan ko, baka kasi wala silang balak sabihin sa akin.
" Pero Genesis. Kapag hindi mo ginawa ang sinasabi namin, hindi ka naglalaro ng patas. Hindi nakakasama ni Alison si Dion, kaya hindi talaga na kay Dion ang buong atensiyon ni Alison, ikaw, kasama ka niya palagi, kaya naman, nasa iyo ang buong atensiyon niya." Pagpapaliwanag ni Pia. Narito nga silang lahat.
Nakakumot parin ako, narinig ko ang buntong hininga ni Genesis.
" Fine, just let me talk to her first, before I'll do it. Okay?"
" Aalis na kami, ikaw na ang magpaliwanag kay Alison."
"Okay."
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto, naghintay ako ng ilang minuto bago ako nagkunwaring nag inat at saka dahan dahan kong minulat ang mata ko, nakita ko si Genesis sa aking tabi na nakatingin saakin.
" Good morning, Alison." Malungkot na bati niya saakin, agad akong humarap sa kaniya at saka ako ngumiti ng mapait.
Hinawakan ko ang kaniyang mukha. Sana kapag umiwas ka nga saakin, hindi mo ako kakalimutan.
" Genesis, narinig ko lahat." Pag amin ko, ngumiti naman siya bago umiwas ng tingin saakin. Yumuko naman ako nang makita ang reaksiyon niya.
" Kailangan kong gawin, tama ang mga kaibigan mo, kailangan mo ding makapag isip ng wala ako, para mas klaro at malinis ang pagdedesisyon mo." Pagpapaliwanag niya.
" Iiwan mo ako?" Agad na tanong ko. Ngumisi naman siya saakin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka niya ako niyakap nang mahigpit.
" Hindi, Alison. Bibigyan lang kita ng space. Ilang araw lang, Alison. Para makapag isip ka nang malalim, mapagisipan mo nang mabuti, maghihintay ako sa iyo, babantayan parin kita." Pagpapagaan niya ng aking kalooban. Agad akong tumingin sa mga mata niya.
" Genesis, paano kapag sa pag iwas mo saakin, makahanap ka ng iba? Paano kapag makalimutan mo ako?" Kagat ko ang aking labi habang hinihintay ang sagot niya. Pinisil niya naman ang pisngi ko ay saka niya mas lalong nilapit ang sarili niy saakin.
Tumingin ako sa kaniya.
" Hindi ako hahanap ng iba, Alison. Ikaw lang, nandito lang ako, kapag kailangan mo ako, okay? Ilang araw lang, alam kong makakapag hintay tayo sa isat isa." Sambit niya.
Bakit parang mas natatakot akong umiwas sa akin si Genesis kaysa sa kaniya? Paano kapag nakahanap siya ng iba? Paano kapag hindi na niya ako pansinin sa loob ng ilang araw na pagbibigay niya saakin ng espasyo? Paano kapag lalayo nga siya saakin? Paano kapag palusot lang nila ang pag iwas sa akin? At sa huli ay hindi na niya talaga ako kakausapin pa?
Natatakot ako.
" Dito ka muna, dito ka lang, hindi ko kayang hindi mo ako papansinin, Genesis. Natatakot ako sa sarili kong desisyon, takot na takot na ako." Hindi ako makatingin sa mga mata niya ng diretso.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...