" Dion, ayos ka lang?"
Sambit ko kay Dion habang nasa byahe kami pauwi. Kanina pa kasi ito nakasimangot at parang walang gana kung tumingin saakin. Hinahawakan ko kanina pa ang kaniyang kamay kaya lang, iniiwas niya ito.
Sumimangot ako.
" Dion."
" Bakit naroon nanaman si Genesis kanina?" Malamig na sambit niya saakin, agad akong napalunok. Nakita niya ba kami kanina? Todo iwas ako kay Genesis dahil baka makita kami, pero hindi parin gumana.
Nilingon ko siya at saka hinawakan ang braso niya. Iniiwas niya ito.
" Kanina pa siya lumalapit, humihingi ng tulong. Hindi naman ako masyadong lumalapit sa kaniya e." Paliwanag ko. Nagtaas siya ng kilay at saka unang umalis sa kotse ng makarating kami sa aming bahay. Ni hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan na lagi niyang ginagawa kapag bababa kami ng sasakyang ito.
Selos.
" Dion, nagseselos ka ba?" Diretsahang sambit ko. Hinigit niya ang aking beywang at saka niya ako pinaulanan ng halik sa aking mga labi.
" Kahapon pa." Maikling tugon niya at saka niya ako niyakap.
" Lumalayo ako, Dion. Hindi ako nakikihalubilo sa kaniya, ikaw lang."
*
" Oo, gusto ko nga ring maghanda na para sa pag alis, nako, malapit na no, isang linggo nalang tayo dito." Paliwanag ni Sam ng magkita kita kami sa isang restaurant. Hindi na muna sumama pa si Dion, dahil baka naman magmukha ko siyang bodyguard, umuwi muna siya sa kanila.
" Sa isang hotel ba nila tayo ilalagay? Kasama yung mga basketball player?" Tanong nila sa akin. Ako din naman kasi ang leader dito, kaya saakin nagbibigay madalas ng update yung coach namin.
Tinignan ko sila isa isa at saka uminom ng aking inumin.
" Hindi ko alam. May chance na doon din sila. Hindi naman tayo pwedeng maghiwa hiwalay ano."
" Edi araw araw kang susunduin ni Dion? Iyang boyfriend mo, kulang na lang ikulong ka e, lagi mo pang kasama." Kumusilap ako sa sinabi niya.
" Wala lang kayong jowa, huwag na kayong umangal ha?" Mag isa kong sinuportahan ang aking sarili sa pagtawa. Agad naman silang sumimangot lahat at saka kumain na lamang.
Kung kasama din ngayong league si Dion sa basketball, edi sana kasama din siya sa practice namin, kaya lang, hindi ko pinasama dahil sa nakuha niyang injury noong last league. Nabalian kasi siya ng buto sa kanang hita niya, buti na lamang at napapayag kong huwag na munang sumama.
" Lapit lapit sa kaniya kahapon si Genesis, hula ko, selos na selos nanaman yang si baby Dion mo." Napa thumbs up ako sa sinabi ni Hannah. Isa ko pang kasama sa team.
Umiling naman siya habang umiinom ng kaniyang shake.
" Oo,hindi niya nga ako kinakausap sa kotse kahapon, kung hindi pa ako nagsalita." Paliwanag ko.
" Bakit ba naman kasi lumalapit sayo yon? May tinanong ata sayo? Ano ba yon?" Nagtataka nilang tanong. Kumumpol sila saakin at saka sila naghintay sa sasabihin ko.
Inayos ko ang upo ko saka ako uminom ng shake bago ako nagsalita.
" Nagtatanong kung saan daw pwedeng lugar na i date yung girlfriend niya, lalaki siya, dapat alam niya." Masungit na sambit ko. Nagtaas naman sila ng kilay lahat saakin. Hindi alam kung bakit iyon ang sinabi ko. Baka iba ang ineexpect nila?
" Yun lang? Wala na? As in? E bakit sinundan ka pa niya hanggang pauwi na?" Nangunot ang noo ko. Nakita din nila kami?
Lumabas kami ng restaurant at saka kami naglakad kung saan kami dadalhin ng aming mga paa.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...