42

36 11 0
                                    

" Anak, bumangon ka na. May naghahanap sa iyo sa baba."

Katok ni Mama sa akin kinaumagahan. Agad akong napabalikwas dahil doon. Kahit na antok na antok pa ako ay nagayos na ako ng sarili at naligo na din bago ako bababa. Hindi na ako nag abala pang tanungin kung sino ang naghahanap, mamaya nalang kapag pababa na ako.

" Sige po, Ma. Pakisabi pababa na po ako."

Nang makapag bihis na ay agad akong bumaba, habang pababa palang ako sa hagdan ay namataan na ng mata ko kung sino ang babaeng bisita ko.

Si Tita Emelia.

Mama ni Dion.

" Tita? Bakit po ang aga ninyo? Hindi niyo po sinabi saaking bibisita kayo." Niyakap ako ni Tita. Mabuti nalang at naka ayos na pala ako. At mabuti wala din ang anak niya, si Dion.

Umupo ako sa sofa, ganoon din si Tita, si Mama naman ay nasa kusina at naghanda ng pagkain ni Tita Emelia.

" Pasensiya na, Alison. Alam kong galing ka sa salo salo ninyo kagabi, at sana ay nagpapahinga ka pa ngayon pero naistorbo ata kita." Ngumiti ako sa sinabi ni Tita.

" Ayos lang po Tita, ano po pala ang sadya ninyo dito?" Takang tanong ko. Bakit pa siya bibisita kung wala na kami ng anak niya?

Tumingin si Tita sa mga mata ko at saka siya ngumiti nang mapait.

Alam ko na ito.

" Anak, si Dion." Kinabahan agad ako sa binanggit ni Tita Emelia. Namawis ang mga kamay ko at saka napa ayos ako ng upo, kulang nalang ay tumayo ako dahil sa kaba.

" Ano pong nangyari kay Dion?"

" Tulungan mo ako." Nagtaas ako ng kilay.

" Anong klaseng tulong po, Tita?" Ibinaba ni Tita ang bag niya at saka siya tumingin nang mataman sa aking mga mata.

Kinakabahan ako.

" Anak, simula nang mawala ka kay Dion, parang nawalan na din ng direksiyon ang buhay niya. Alam kong isang taon na ang nakalipas pero nandito parin ako sa inyo. Hindi ako pumunta dito para pilitin at sabihin sa iyong makipag balikan ka kay Dion, kailangan ko lang ng tulong mo, Alison. Ilang buwan na simula ng malaman kong gumagamit ng droga si Dion, nagpa piercing na rin siya ng napakarami, sa tainga, sa dila, at sa kung saan pa. At saka, tuloy tuloy ang appointment niya para magpa tattoo, natututo na din siyang magsugal, Alison. Natatakot ako sa anak ko, hindi ko siya kayang pigilan, hindi ko alam pero hindi ko gusto ang lagay ng anak ko ngayon, kaya sana tulungan mo ako." Napahawak ako sa sentido ko. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at saka tinignan si Tita habang nag iisip ng malalim.

Anong gagawin ko? Tutulong ba ako? Tutulungan ko ba si Dion?

" Tita, akala ko po ay ayos lang po siya. Sinabi niya po saakin na siya na daw ang namamahala ng kompanya ninyo ngayon, kaya akala ko ay walang problema sa kaniya." Sambit ko.

Umiling siya.

" Anak, totoong siya na nga ang namamahala, pero minsan ay wala din siya sa kompanya kaya napapabayaan din lang iyon, kaya ako parin minsan ang namamahala niyon. Hindi siya ayos, Alison. Wasak parin ang puso niya." Napa buntong hininga ako sa sinabi ni Tita Emelia sa akin. Wala naman na akong gagawin, ano bang gagawin ko kay Dion?

Hinawakan ko ang kamay ni Tita.

" Ano po bang tulong ang gagawin ko, Tita? Tutulong po ako, basta makakaya ko."

" Iha, just talk to him, and be friends with him is enough para magbago siya. Nababahala ako, dahil kamakailan lang ay nalaman  kong gumagamit nga siya ng droga, ayaw ko namang maadik siya doon at malulong nalang sa bisyo."

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon