58

37 3 0
                                    

" Basta dalian mo, Dion!"

Sigaw ko sa baba habang hinihintay si Dion na bumaba ng kwarto at matapos siyang magayos ng kaniyang sarili. Napakabagal gumalaw, naiinis ako, mamaya ay anong oras na kami makarating sa lugar na pinareserba ko para sa araw na ito.

" Chill, baby. Are we running out of time? Saan ba kasi tayo pupunta?" Takang tanong niya. Kanina pa ako naka ayos, at si Dion naman ay kakatapos lang, nang matapos na siya ay pinasara ko na ang bahay at saka kami sumakay sa kotse niya, siya parin dapat ang magda drive saakin kahit na ako ang nag ayang kumain sa labas.

" You look good, Dion. Gustong gusto ko talaga ang pabango mo." Puri ko sa kaniya, hinawakan niya ang aking kamay at saka isinama ito sa pagmamaneho, hindi ko naman siya sinaway sa ginawa niya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Gabi na din kasi at wala ng masiyadong maraming tao kaya naman mabilis ang byahe namin, kailangan lang na maaga dahil baka magsara na ang Venue na pinabook ko noong isang araw pa.

" Good evening, Ms. Montalvo and Mr. Chavez, this way please." Tumango ako sa waitress. Sumunod naman si Dion saakin. Madilim pa ang paligid dito.

" Thank you, Miss."

Nang makaalis na ang babae ay agad akong humarap kay Dion. Wala naman siyang kaalam alam kung ano ang mangyayari, madilim sa paligid at  halos hindi ko din makita si Dion.

" Wala bang kuryente dito? Baka lamukin ka-"

Kusang bumukas ang mga ilaw sa paligid. Kahit ako na nagrequest na iset up ito ay nagulat din sa ganda. Hindi naman ako nagkamali na dito ako nagpatulong. Laglag ang panga ko habang pinapanood ang mga ilaw na isa isang bumubukas, at nang natapos na lahat at may ilaw na kami ni Dion sa gitna ay saka na ako humarap kay Dion. Nakatingin lang siya sa akin at hindi inaalis ang mata niya sa mga mata ko.

" I think this is a surprise? I mean, hindi ko naman sinabi sa iyo ito kaya surprise parin naman." Sambit ko. Tumingin si Dion sa buong paligid.

Nandito naman na ang pagkain namin kaya naman umupo na ako doon. Ganoon din ang ginawa ni Dion.

" What is this all about? May okasiyon ba tayo?" Sambit niya. Nagkibit balikat ako sa kaniya at saka ako nagsimulang kumain. Mamaya ko nalang siguro sasabihin, bago kami umuwi.

" Naisip ko lang kasi na hindi na tayo nakakalabas, at saka kawawa ka namang nagluluto para saakin." Sambit ko. Tumango naman siya.

Uminom ako sa Wine na nasa gilid ng plato ko.

" Really? Bakit ikaw pa ang nag set up? Dapat hinintay mong ako na ang gumawa-"

" Paanong maghihintay ako? Nakita ko ang schedule mo at puno nanaman, sa tingin mo makakalabas tayo ng ganoon?" Sambit ko. Tumingin siya saakin at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.

Nagtaas ako ng kilay.

" Pwede namang ipakansela iyon lahat, Alison. Mas importante ka kaysa sa trabaho ko." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Uminom ako ng Wine.

May dessert kami dito kaya naman mas lalo akong naexcite.

" Iyong sinasabi pala ni Tita na tungkol sa birthday niya? May naisip na ako, kaya naman gusto kong sabihin iyon kay Tita bukas." Tumango naman siya. Ngumiti ako.

Nang matapos kaming kumain at nagpahinga muna kami, hinintay namin ang waiter na kunin ang mga pinagkainan namin, at ang wine nalang ang itinira nila.

" That's good. Matutuwa iyon kapag ikaw nanaman ang makakaisip ng pakulo sa birthday party ni Papa. Baka nga ikaw pa ang gawing party coordinator niyon." Umiiling na sambit ni Dion. Tumawa naman ako sa sinabi niya. Nakaupo lang kami, mamaya ay doon na siguro kami sa may mga halaman, mas maganda ang view doon kaysa dito.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon