" Love, hindi ako makakasama."
Malungkot na sambit saakin ni Dion kinagabihan bago kami aalis patungo sa aming pratice. Bukas na kasi iyon, nakapag pahinga naman ako nang maayos, kaya excited na din akong umalis bukas.
" Saan?"
" Papunta sa practice niyo." Tumango ako, lumapit siya saakin, kaya naman ngumiti ako dito.
Naglalambing.
" Bakit? Kailangan ka sa Business niyo? Tinawagan ka ni Tita?" Tanong ko. Tumango siya at saka niya ako niyakap. Nakaupo lang ako dito sa sofa dahil hinihintay namin ang inorder naming pagkain, nakakatamad daw kasing magluto sabi ni Dion, kaya hindi na siya nagluto pa.
" Yeah, they need me tomorrow morning, kaya hindi kita maihahatid bukas, is that okay?" Namumungay ang mga mata niyang sambit saakin, agad naman akong tumango at saka siya niyakap pabalik, hinalikan niya ang aking leeg dahil doon.
" Ayos lang naman, may bus naman kaming sasakyan bukas, doon nalang ako sasakay." Paliwanag ako, tumango siya bago siya tumayo at saka nakapamulsang tinignan ako.
" Susunduin naman kita bukas ng hapon, kaya magkikita parin tayo."
" Ayos na ba ang mga gamit mo?" Tanong ni Dion habang nag aayos ako ng aking backpack, doon mag ii stay ang mga kasamahan ko, ako naman ay susunduin nalang ni Dion tuwing hapon, ayaw din naman kasi niyang mawalay saakin, kaya naman pumayag na din ako.
Hinawakan niya ang water bottle na binili ko noong isang araw kasama sila Genesis.
" Ayos na, punta na tayo."
Sumakay kami sa kotse niya. Inilagay niya sa likod ng sasakyan ang gamit ko, pati narin ang water bottle na may lamang malamig na tubig.
" Be careful in there, Alison. Wala ako doon." Babala niya saakin habang naka focus ang mga mata sa daanan. Agad naman akong tumango na animo'y isang bata na nakikinig sa utos ng magulang.
" I will, Dion, you don't have to remind me." Sambit ko.
*
" Sabi na nga ba e, matagal nanaman ang babaeng-"
Napahawak si Julia sa kaniyang bibig, kaya naman agad akong lumapit dito. Ngayon ang araw ng pag alis namin, kaya naman narito na kami sa harapan ng sasakyan na sasakyan namin papunta sa kung saan.
" Bakit hindi mo siya maihahatid, Dion?" Tanong ng mga kasamahan ko, agad naman nila akong tinignan ng matapos. Ngumiti si Dion at saka niya hinapit ang aking beywang.
" May kailangan akong tapusin, kaya hindi ako makakasama." Sambit niya. Dahan dahan namang tumango sila Julia at Pia, nakita naming palapit na din at unti unti ng nagdadatingan ang mga basketball players, kasama na si Genesis at sa kanan niya naman ay si Levence na naglalambing din habang naglalakad sila ni Genesis.
" Hoy, ikaw na talaga! Bakit kasama mong maglakad si Coach Jeric?" Walang ano anong tanong ni Julia kay Sam na ngayon ay narito na sa harapan namin pagtapos naming makitang naglalakad kanina kasama si Coach Jeric.
Hmm.
" Wala, nagkasalubong kami kanina doon sa labas, kaya sinamahan na niya ako."
" Anong sinamahan? Madalas, pinapasok ni Coach Jeric yung kotse niya dito sa may tabi ng bench para hindi na siya mahirapang lumabas pa sa parking lot." Paliwanag ni Julia. Tumango din naman ang iba ko pang kasama kaya baka nakakaramdam din sila na baka may kakaiba sa dalawang iyon.
Hinawakan ni Dion ang kamay ko, kahit naman mamaya lang ako mawawalay dito, parang hindi niya parin tanggap. Nakakatuwa.
" Bakit ba kasi andami mong nalalaman, Julia? Ha?" Pilosopong tanong na ni Samantha dito, agad namang tumawa si Julia dahil namumula na ang pisngi ni Sam.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
عاطفيةAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...