41

33 10 0
                                    

" Pupunta daw mga Basketball Players natin mamaya!"


Bumulabog sa utak ko ang sinabi ni Julia saakin sa telepono.

" You mean sina Joshua? Bakit daw? Reunion ba ito?" Natawa ko kahit na nakakaramdam na ako ng kaba. Magkikita kita kaming lahat mamaya, naroon kaya siya?


" Oo, lahat daw sila. Kaya mukhang tatagal tayo doon mamaya, excited na ako!" Tili niya sa aking tainga. Nakatutok ang telepono ko sa aking tainga, napakalakas pa naman ng boses at nakakabingi ang tili nitong babae na ito.

Napabuntong hininga ako.


" Sige, kita nalang tayo mamayang gabi."

" See you!"


Naghanap ako ng magandang damit para mamaya. Syempre, kahit na matagal na kaming magkakasama, dapat ay mag ayos parin ako, kahit na nakita na nila akong walang make up, at naka pajama lang, dapat ay mag ayos ako ngayon, isang taon na kasi kaming nagkikita ng mga Basketball Players namin.

" Anak, saan ka pupunta? May lakad kayo ng Team mo?" Napalingon ako sa pintuan ko, naroon si Mama at nakasandal siya sa pintuan, tinitignan niya lang ang kilos ko.

Ngumiti ako sa kaniya.

" Opo, Ma. Magpapa kain daw po si Coach dahil sa nakuha namin sa laro at naroon din po ang mga Basketball Players namin, kaya baka matagalan po ako doon at magabihan na din." Magpapaalam na din pala ako kay Mama, alam naman ni Mama na tuwing matatapos ang laro namin ay may salo salo talaga kami, nakagawian na iyon ni Coach Jeric sa mga players niya.


Tumango naman si Mama.

" Sige, anak. Alam mo namang mag maneho ng kotse, hindi ba? Ikaw na muna ang gumamit. At saka huwag kang magmamaneho kapag nakainom ka." Paalala ni Mama saakin.  Tumango ako sa kaniya. At saka lumapit dito para yakapin.

" Opo, ma. Alam ko na po iyan, magpahinga na po kayo dahil may meeting kayo mamaya."

Umalis si Mama pagkatapos ng yakapan namin. Itinuon ko ang atensiyon ko at oras sa paghahanap ng damit, hindi naman ganoon karami ang mga damit ko, kaya hindi mahirap maghanap ng masusuot dito, at saka nakapwesto naman sila kung saan sila nababagay.


Tumunog ang telepono ko.

" What the heck, Astraea Alison Montalvo!" Sigaw ni Sam sa telepono.

" What?"

" Isaiah Dion Chavez and Genesis Lagrada will come! Naroon sila mamaya! I can't believe this!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So, makakapunta nga silang dalawa? Baka naman may iba silang kasama, like girls? New girlfriends nila, ganoon? I don't know.

Bakit ko nga ba iniisip kung meron?

" Okay lang, hindi naman iyon hadlang para hindi ako pumunta, hinahatak ako ng alak ngayon, Samantha." Sambit ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

" Okay then. See you later."

Umirap ako ng maibaba ko na ang telepono ko. Sila ata ang hindi pa naka move on e. Alam ko namang kasama si Genesis at Dion mamaya, gusto ko lang kumpirmahin, at ayon nga, naroon daw mamaya.

" Ma, aalis na po ako." Paalam ko kay Mama ng maggagabi na. Simple lang ang suot ko, iyong tipong hindi kabastos bastos sa mata ng iba at hindi din ako mahipuan, hindi ako naglabas ng balat.

" Sige anak, ingat ka."

Nagmaneho nga ako ng kotse. Boring kapag mag isa. Kaya naisipan kong magpatugtog. Maingat akong nagmamaneho, dahan dahan at sinusunod ang lahat ng batas trapiko.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon