" Alison, anak! Congratulations!"
Niyakap ako kaagad ni mama pagdating ko sa bahay. Maaga namang nagising si Dion, kahit na medyo nalasing siya kagabi.
" Salamat ma, bakit po pala hindi kayo nakarating noong araw na yon?" Medyo nilungkutan ko ang aking boses, para maawa saakin si mama. Ngumiti lamang siya at saka niya ako niyakap muli. Kukuha na din ako ng damit ko, dahil nga magpa practice kami sa ibang lugar for regional, kailangan ko ng maraming damit.
Pumasok kami sa loob ng bahay.
" Masyado akong busy sa business anak, at saka alam mo namang proud na proud ako sayo, alam kong kaya mo, kaya kahit hindi na ako manuod, alam kong mananalo kayo." Napangiti ako sa sinabi ni mama. Niyakap din ni mama si Dion ng makita niya ito kanina.
Sumunod ako sa kusina, kasama si mama, si Dion naman, naiwan sa sofa dahil nilalaro niya ang pinsan ko doon.
Wala akong kapatid.
" Kumain na ba kayo ng almusal? Ito, nagluto ako ng pancake, ilagay mo na doon sa lamesa sa sala, baka kakain din si Isaiah." Sambit ni mama. Tumango ako. Kinuha ko ang honey sa ref namin, dalawang plato at saka tinidor. Si mama naman sa mga baso at nagtimpla siya ng juice.
" Dion, akala ko ba sumama ka din sa basketball?" Tanong ni mama kay Dion habang naglalakad papunta saamin dito sa sofa.
Naglagay naman ako ng pancake at honey sa tig isang plato namin ni Dion.
" Hindi po muna, ma, pinagsabihan din ako ni Alison na huwag muna, dahil sa injury ko last basketball league." Paliwanag niya. Umupo si mama at saka nagsalin ng inumin namin.
Lumapit naman ang pinsan ko kay Dion at nagpasubo ng pancake dito.
" Buti naman, dapat talaga hindi muna. Nako, mahirap na, bata ka pa, malulumpo ka na."
" Ma naman." Tawa ko sa sinabi ni mama.
Ilang minuto kaming natahimik bago ako muling magsalita, magpapaalam pala ako tungkol sa regionals.
" Ma, kasama po pala kami sa regionals, at gusto ng coach namin na kasama ako, kukuha na din po ako ng mga extra kong damit para sa training." Napatingin si mama sa dala kong bag at maleta na wala pang laman, kukuha palang naman kasi ako ngayon. Ngumiti si mama at saka siya tumango tango.
" Ano ka ba anak? Syempre papayag ako, nabalitaan ko na yan sa pinsan mo, may naihanda na din akong extra mong pera para diyan." Napangiti ako sa sinabi ni mama. Tumingin si mama kay Dion na busy sa pagpapakain ng pinsan ko, kinuha na ni mama si Nathan kay Dion.
Madungis na rin ito at ngumunguya nguya pa.
" Bakit pala ngayon lang kayo napadalaw dito? Kahapon pa ako nagpahanda ng pagkain, hindi din lang pala naluto." Tanong ni mama. Tumingin saakin si Dion, baka siya na ang sasagot.
Lumunok muna ito bago siya nagsalita.
" Inaya po kami ng kaibigan ko sa bahay nila, nag celebrate po sila doon, nagabihan na din po kaya hindi na po kami nakapunta pa dito." Mahinahong paliwanag ni Dion, ngumiti naman si mama.
Close si mama at si Dion, minsan nga ay naguusap ang mga iyan ng dalawa lang, kahit naman ang mama ni Dion, close kaming dalawa.
" Ayos lang, basta kasama mo siya at hindi pinapabayaan, Dion."
" Hinding hindi ko po papabayaan ang anak niyo, Mama. Pinangako ko po iyan sa inyo, noong una palang." Napabuntong hininga si mama. Tumayo naman ako ng maubos na ang pancake at saka ko kinuha ang mga bag na dala ko.
Tinulungan naman ni Dion si mama sa pagligpit ng kinainan namin.
" Ma, akyat lang po muna kami ni Dion sa taas, kukuha lang po ako ng damit ko."
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...