" Alam mo din?"
Tanong ko kay Dion, nagkita na kami matapos ang ilang araw, kaunti nalang naman daw ang gagawin niya kaya naman nakapunta siya dito kahit saglitan lang.
" Yeah, hindi ko naman alam ang buong istorya, pero alam kong nagpapanggap sila." Tumango ako habang umiinom ng aking milktea.
Natapos na kaming kumain, nasa isang restaurant kami, sinubukan namin ang kanilang specialty and turns good. Masarap nga ang mga pagkain dito.
" So, he really told you that he will take you away from me?" Ngumuso ako bago ako tumangong muli sa kaniya. Hinawakan niya ang aking balikat at saka tinapik tapik ang aking uluhan.
Hinawakan niya ang aking kamay pagkatapos.
" Oo, hindi naman ako natatakot, at hindi ko din naman sasabihin kahit kanino e, at saka magkaibigan kami ni Levence." Ngumiti siya.
Ipinunta niya ako sa isang mall, at saka kami nag grocery at binilhan niya ako ng mga damit ko, pandagdag lang sa mga gamit ko doon sa tinutulugan namin.
" Hindi ka parin tapos sa meetings mo? Kailan ba uuwi sila tita?" Tanong ko dito, busy naman siyang nagtitingin ng mga damit na kakasya saakin, ako naman ay nasa gilid niya lang at tinitignan ang bawat kilos niya.
Ibinigay niya sa babaeng nakasunod saamin ang dalawang pares ng puting damit.
" Matagal tagal pa, malaking problema ang nagawa sa ibang branch ng kompanya, bumaba din ang sales doon kumpara sa kompanya na narito sa Pilipinas, kaya matatagalan sila bago makauwi."
" Okay, paano ka? I mean, your health, i know may alam ka sa mga ganiyan, but, i'm just worried." Ngumisi siya. At saka humarap saakin.
" I'm really fine, nagkikita pa naman tayo hindi ba? Ako ang nag aalala sayo." Nagtaas ako ng kilay sa kaniya habang naghihintay kami sa damit na ibinabalot na ngayon ng saleslady.
Nakapamulsa lang si Dion habang nakaharap saakin at nakasukbit sa kaniyang katawan ang bag ko.
" Bakit naman?"
" Hindi maganda ang kutob ko kay Genesis." Diretsong sambit niya.
Nag aalala din ako Dion.
" Wag kang mag alala, hindi naman ako masyadong lumalapit sa kaniya, at saka lagi akong kasama nila Julia." Ngumiti siya at saka kinuha ang aking kamay, sumakay ako sa kotse niya.
Babalik na kami sa lugar kung saan ako nagpa practice, ihahatid na niya ako at saka uuwi na din siya at babalik sa opisina niya.
" Tawagan mo ako kapag may problema, okay?"
" I love you, Dion."
" I love you more, Alison."
*
" Hoy, pwede daw lumabas, sabi ng Head, pati yung ibang mga players, naghahanda na!" Sigaw ni Julia habang nasa kainan kami, natapos na din ang aming practice, at talaga namang nakakapagod, halos hindi ako makaalis sa upuan ko kanina dahil sa pagod ko.
Umupo si Julia sa lamesa at saka siya nakangiting tumingin saamin.
" Ano? Saan naman tayo pupunta? Alam ba ng mga lalaki to?" Tanong naman ni Pia, agad namang tinuro ni Julia ang pintuan ng aming kainan at saka nakita namin ang mga lalaki na naka ayos na.
Agad akong umiwas ng tingin ng magtama ang mata namin ni Genesis. Hindi pa ako nakakapag ayos, halos naman ang mga kasama ko, baka mamaya pa.
" May alam si Genesis na bar, pwede naman daw uminom sabi nung Head, hindi naman na daw tayo minors e." Nagkislapan ang mga mata ng aking mga kasamahan.
BINABASA MO ANG
It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)
RomanceAstraea Alison Montalvo and Isaiah Dion Chavez are both an Athlete. Wala silang inatupag kung hindi ang maging student-athlete sa kanilang paaralan. They are both pro with their sports, well infact, they are both MVP's in Volleyball and Basketball L...