44

34 10 0
                                    

" Opo Ma. Saglit lang po ako doon, nandito po ako sa bahay para magpalit."

Pag papaalam ko kay Mama sa telepono, naroon parin siya sa opisina niya, kaya mag isa ko dito sa bahay. Hindi na din ako pinilit pa ni Dion, kusa niya na akong pinauwi, ayaw ko din namang ipagmaneho niya ako papunta dito, kaya ko naman ng mag isa.

" Sige, anak. Tatawag ka kapag pauwi ka na."

" Opo ma."

Dahil hapon na din at alas sais ng hapon ang usapan namin nila Tita ay naligo na muna ako at saka nagpalit ng aking damit. Simpleng dress lang at sandals ang pinili ko, doon lang naman kami sa bahay nila, at kami kami lang.

" Iha, Leonardo, nandito na si Alison!" Sigaw ni Tita sa pintuan nila nang makita niya ako. Siya ang sumalubong saakin, sumunod lang si Dion sa likod ng Mama niya.

Lumapit si Dion saakin at saka niya hinapit ang aking beywang para makipag beso.

" Good evening, Alison."

" Good evening, Dion." Bati ko pabalik.

Pinapasok nila ako sa bahay nila, at saka ko doon nakita si Tito na nagmamadaling bumaba ng hagdan nila at saka ako hinalikan sa aking pisngi, ngumiti naman ako doon, ganoon din si Tita. Inaya na nila ako sa lamesa nila.

" Kumain tayo ng marami, pagkatapos ay nagpahanda ako ng kaunting inumin doon sa garden sa likod." Sambit ni Tita. Ngumiti naman ako. Kinuha ng isang kasambahay nila ang bag ko, maingat ko naman itong iniabot at ngumiti sa kaniya. Nag sandok na din ako ng pagkain ko, at saka ako tahimik na kumain.

Magkatabi kami ni Dion.

" Alison, kamusta pala ang Bussiness ninyo? Ang Mama mo lang ang namamahala niyon, hindi ba?" Takang tanong ni Tita. Nagpunas ako ng aking bibig at saka ako tumango.

" Opo, wala naman po si Papa at hindi pa din nila alam kung kailan siya makakauwi." Ngumiti sila sa sinabi ko.

" Kamusta na pala ang Papa mo? Ang tagal na niya sa ibang bansa, lumago na din siguro ang trabaho niya doon." Singit naman ni Tito Leonardo.

" Opo, lumalago nga po, sa tulong na din ng mga kasamahan niya po doon, kaya paunti unti ay napapalakihan din po namin ang bahay." Sambit ko.

Uminom ng tubig si Tita, si Tito naman ay kumakain parin, ganoon din si Dion at Ako.

" Ayos yan, nakabili na din pala ng bagong kotse si Grazelle, hindi ba? Sa iyo ata ang isa doon."

" Opo, saakin nga po. Hindi din naman po ako nakakapunta sa malalayong lugar dahil antukin ako." Tumawa sila sa sinabi ko. Tinignan ni Tita si Dion, kaya naman kailangan kong magbukas ng topic tungkol sa kaniya, hindi kasi siya nagsasalita ay naiilang ako kapag ganoon.

Tumingin ako kay Dion, bago ko ngitian sila Tito at Tita.

" Tito, Tita. Napag usapan po pala namin ni Dion na ipapatanggal na po niya ang mga tattoo niya at saka hindi na po siya magsusuot ng maraming hikaw sa tainga." Nanlaki ang mata ni Tito sa sinabi ko, tinignan niya si Dion. Tumingin din naman si Dion sa Papa niya.

Napangiti ako, kasabay ni Tita.

" Talaga ba, Alison? Ikaw ba ang nagpasunod sa kaniya?" Tumango ako.

" Opo, mahirap po pilitin dahil may katigasan ang ulo, pero mabuti nalang po at napasunod ko parin kahit na papaano." Sabay sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Si Dion naman ay napangisi lang sa sinabi ko. Isa isa na din kaming natapos kumain, kaya naman ang mga kasambahay na nila Tita ang tumulong na magligpit ng kinainan naming lahat.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon