16

44 22 0
                                    

" Alison, I missed you!"

Nanlaki ang mga mata ng mga kasama ko ng makita nila si Levence na patakbong pumunta sa akin.

" Levence, anong oras ka nakapunta dito?" Takang tanong ko. Yakap yakap niya lang ako at nakangiti ito. Yumakap naman ako pabalik, kita ko si Genesis na nakatingin saamin ni Levence.

Or maybe kay Levence lang.

" Kani kanina lang, hinihintay kitang makalabas, breaktime niyo naman ata diba? Kain tayo!" Aya niya saakin. Sila Julia, Pia, Samantha, at Krisha naman ay nandidiring umiiling saakin. Nilakihan ko sila ng mata dahil baka makita ni Levence ang mga reaksiyon nila.

Ngumiti ako kay Levence at saka ako humarap sa mga kasama ko.

" Pwede bang isama ko ang mga ibang players? Nahihiya kasi talaga ako kapag tayo lang e." Agad naman siyang tumango, kaya naman humarap ako sa mga kasama ko at saka ko sila hinila isa isa papunta sa kainan namin.

Ang ibang basketball players din ay narito saamin, sabay sabay ata nilang sinalubong ang pagdating ni Levence.

" Sasama kami pero hindi kami makikipag usap ha?" Bulong na sambit ni Julia habang naglalakad na kami papunta sa maliit na kainan dito.

Agad ko namang kinurot ang tagiliran niya. Kita ko sila Genesis sa aming likuran, kaming mga babae naman ang nauunang maglakad. Nagtatawanan ang mga lalaki sa likod, ang mga kasamahan ko namang babae ay nanahimik na nagbubulungan sa aking tabi.

" Ngayon nalang ako nakabisita, sinasabi ko naman kay Genesis na busy ako, sabi niya din na ayos lang kung hindi muna kami magkikita." Napalunok ako sa sinabi niya.

Seryoso? Ayaw makita ni Genesis ang girlfriend niya? Sabagay, nagpapanggap lang naman sila. Pero infairness ha? Hindi naman halata na nagpapanggap silang dalawa, magaling umarte si Levence, sumasakay naman sa trip si Genesis.

" Oo nga, inaabangan ko din na makabisita ka dito, sabi nga niya na busy ka daw." Paliwanag ko naman. Agad niya akong hinarap at nilakihan ng mata.

May nasabi ba akong masama?

" Really? Hinihintay mo akong makabisita dito? So you misses me too?" Mahinhin niyang sambit saakin. Agad namang nangunot ang aking noo pero agad naman akong tumango para nalang wala siyang masabi.

Awkward kaming naglalakad, halos kaming dalawa lang ang naguusap dito.

" Love, ano ang sayo?" Hila naman ngayon ni Levence ang braso ni Genesis at nakapila silang sabay para kumuha ng makakain, libre naman ang pagkain dito, kahit makailan ka, kung anong oras mo gustong kumain, bukas sila dito, at wala kang babayaran.

Nasa likod lang nila akong dalawa, naghihintay na makakuha ng kakainin ko.

" That one, and also, that, ayaw ko ng masyadong meat ngayon e." Turo ni Levence sa mga pagkain ng kambing, este, madahon na pagkain.

Kumakain sila ng ganiyan? Sabagay, mayaman. Ni hindi ko kayang umubos ng isang subuan ng puro gulay, ang boring kainin.

" Alison, kumuha ka na ng makakain mo, hihintayin ka namin sa lamesa."

" Sige."

Tahimik akong kumuha ng puro karne at kanin. Kapag naman nakain ko na ang mga ito at natapos na akong magpractice, matutunaw sila kaagad, kaya hindi ako tataba.

Nang tapos na ako ay umupo ako ng dahan dahan paharap sa kanila, nasa kabilang lamesa naman ang ibang lalaki at babae na kasamahan namin. Kaming tatlo lang ang nandito sa lamesa na kinuha ni Levence.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon