54

37 8 0
                                    

" This place is so nice!"

Puri ko. Napaganda ng tanawin na sumalubong saamin. Ito na iyong araw kung saan kami pinabook ni Levence para magbakasyon. At isang araw lang naamn kami dito, bukas ng hapon ay aalis din lang kami.


" Magaling pumili ng lugar si Levence, marami din naman siyang alam na magagandang lugar dito sa Pilipinas kahit na ilang taon lang siya dito." Tumango ako sa sinabing iyon ni Dion. Kumuha ako ng litrato ng dagat, nakakasilaw sa mata ang buhangin, dahil napaka puti nito. Ang dagat naman ay kulay asul. Kita din ang mga bundok sa pinakamalayo.


" Dion, saan nga pala tayo kakain dito? Pakiramdam ko nagugutom na ako e." Hawak ko pa ang tiyan ko, ang ibang gamit namin ay kinuha na ng mga lalaki kanina, sila siguro ang mga tour guides, o kaya naman sila ang nagaassist para sa mga kwarto ng bisita.

" Ipapahanda ko nalang ang pagkain natin sa kwarto, mas maganda ang view sa veranda ng kwarto kaysa sa kainan nila dito." Tumango naman ako nang dahan dahan at saka sumabay na sa kaniyang maglakad paalis at papunta na sa magiging kwarto namin. Mabuti nalang at maaga kaming nakaalis, kaya naman maaga din kaming nakapunta dito, bukas kasi ay aalis na kami. Baka hindi masulit kapag nagtagal kami sa byahe kanina.

" Dion, may magandang babae o!" Turo ko doon sa babaeng naka bikini na kulay puti, maputi din naman siya at mahaba ang buhok, mabuti nalang hindi niya nakita ang pagtuturo ko sa kaniya.

Tinignan ako ng masama ni Dion at saka niya hinawakan ang kamay ko.


" Seriously? Isa ka na ngayong shipper? Bakit hindi mo iship ang sarili mo saakin? Mas maganda iyon." Hinampas ko ang kaniyang dibdib sa sinabi niya. Tumawa naman siya.

Binuksan niya ang pintuan ng mapunta na kami sa aming magiging kwarto, hindi naman gaanong kalayo sa pinaglagyan ng sasakyan, kaya ayos lang siguro ito. Malaki nga ang kwarto namin, at kita ko din ang Veranda ng bahay na ito. Doon siguro kami kakain mamaya.


" Doon na tayo magpalipas ng gabi sa Veranda mamaya, maganda sa taas kapag palubog na ang araw, may balak ka bang maligo?" Tanong nito saakin pagpasok namin sa loob, ibinaba ko ang isang bag na bitbit ko, ang iba naman ay narito na sa loob.

" Siguro, kapag hindi na masiyadong mainit, o kaya mamayang gabi nalang, ikaw ba?"

" Kung maliligo ka na, doon na rin ako maliligo, mahirap na." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya.

Umupo ako sa sofa na nandito.

" Anong mahirap na?"

" Don't you dare wear some bikinis, Alison. I'll punish you." Laglag ang panga ko siyang tinignan nang diretso sa mga mata niya. Iyon ang pino problema niya?

Ang pagsusuot ng bikini? Seryoso? 

" Dion, malamang ay dagat ito, kaya ganoon ang sinusuot dito, hibang ka na ba?" Natatawang sambit ko.

Umiling siya at saka umupo din sa sofa para magpahinga.

" Alam mong ayaw na ayaw kong nagsusuot ka ng ganoon, noon pa lang, Alison. At alam mo din ang parusa kapag nagalit ako." Umiling ako sa sinabi niya. Tumayo ako para tignan ang taas na sinasabi niya. Well, baka mamaya hindi naman pala maganda doon, sayang ang effort kong umakyat.

Ramdam kong sinundan niya naman ako, dahil nakakaramdam ako ng yapak sa aking likuran. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa aming view.

Maganda nga naman talaga. Kitang kita ang kabuuan ng dagat, malakas at sariwa ang hangin, at ang mga tao ay mukhang mga langgam mula sa ibaba. At tingin ko, mas maganda ito mamaya kapag palubog na nga ang araw, hindi na ako makapaghintay.

It's Never Been Us (Published under Wordsmith's Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon