Jessi's POV
Nag pasya muna akong mag punta dito sa bench tree para mag palipas ng sama ng loob. Kahit na ayokong nakikita ang lugar na ito, eh sa no choice ako. Ito lang ang vacant eh. Isa pa, suspended ako ngayong araw.
Hindi ko alam kung bakit nanggigilid ang mga luha ko ngayon, parang nasasaktan ako pero hindi naman dapat. Dapat ba talaga ako ang umiiyak gayung hindi naman ako ang napagbusisihan ng masasakit na salita?
Gusto kong lumayo sa kanilang lahat dahil alam ko namang ipagduduldulan nilang ako ang mali at kakampihan nila si Cad. Wala naman akong kakampi sa kanila eh.
"Andiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahagilap kung saan saan." nakarinig ako ng isang malamig na boses mula sa likod ko. Bigla kong pinunasan ang mga luha kong kasisimula lang sa pag tulo. Hindi pwedeng makita ng kahit na sino na umiiyak ako. Nilingon ko ito. Si Yerdi.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad ko sa kanya.
"Ikaw, ano bang ginagawa mo dito?"pabalik niyang tanong. May balak rin atang makipag away to sakin.
"Tinatanong kita tapos tatanungin mo rin ako?"
Inirapan ko lang siya at iniwasan lang ng tingin dahil kumunot ang nuo niya sa sinabi ko."Nandito ka rin ba para sabihan ako? Umalis ka nalang. Wala kang mapapala Yerdi."
Tinignan niya ako ng parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Jessi, ano na bang nangyayari sayo?"
"Anong ano nanaman nangyayari sa akin? Ikaw ba, Bakit ka pa nag sayang ng oras para puntahan ako dito gayung alam mo naman na wala kang mapapala sa akin." Muli niyang binalik ang tingin niya sakin."Andito ako para sabihin sayo pagkakamali mo. Mag sorry ka kay Cad."
Tinignan ko lang siya ng masama.
"Nasabihan na rin ako ng ganyan kanina. Hindi si Yassi, hindi si Elaine, at lalong hindi ikaw ang makakapag-utos sakin mag sorry kay Cad. Wala kang karapatan utusan ako."
Tumingin nanaman siya sakin ng parang nahihirapan siyang intindihin ang sinabi ko.
"Jessi naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Ikaw pa ba yan? Jessi hindi na kita makilala. Yung kilala kong Jessi hindi kayang mag salita ng ganyan. Hindi ka naman ganyan dati ah. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo ngayon."magdradrama nanaman yata siya
"Yung mga hipon prens kanina, ugali mo bang patulan sila at naguidance kapa?"pagtataka niya."First time mo nga yun. Yung mga binitawan mong salita kay Cad, hindi mo ba iniisip kung anong mararamdaman niya dun?"
Napairap nalang ako sa kawalan. Sira na nanga mood ko mas lalo pa niyang sinira.
"Dinamay mo pa yung daddy niya? Alam mo bang nung prom na nagkagulo sa bahay nila kuya Gelo, nung gabing yun nagkabati na sila. Bukod sa naisip ni Cad patawarin ang daddy niya dahil ito ang tama, ginawa niya rin to para sayo dahil gusto niya daw matuwa ka sakanya pag nakita mong nag bago siya pero sadyang nag bubulag bulagan ka. Ginawa na lahat nung tao para sayo pero hindi mo makita. Hindi mo man lang maappreciate yung mga ginawa niya. Hindi ka ba nagugulat sa kung ano nangayyari sayo?"seryosong sabi niya at tsaka umiling iling pa. Nagulat ako sa sinabi niya at bigla kong inisip ang sinabi ko sa kanya tungkol sa daddy niya.
"Mag ingat ka, dahil baka sa sobrang kamuhian mo sa daddy mo, matulad kana sa kanya"
Napaisip ako, hindi ko inaalalang nasabi ko yun kanina dahil hindi ko rin inakalang masasabi ko. Dinamay ko pala yung daddy niya.
Hindi ko pinahalatang nag isip na muna ako ng matagal bago ko narealize ang sinabi niya."Tama ka, hindi na ako ang dating Jessi na kilala mo. Masisisi mo ba ako?"nag pakawala ako ng isang tawang mapakla."Nag tataka ka kung bakit ganito ako ngayon? Bakit di mo kaya tanungin sarili mo? Yerdi wag kang mag taka. Dahil alam na alam mo kung bakit ganito na ako ngayon kung ano ba sa tingin mong ako ngayon."seryosong sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.