Burn's POV
Papunta ako ngayon ng flower shop, para bilhan si Yerdi ng flowers.
Gusto ko kasing mag sorry sa kanya uli sa nagawa namin kay Jessi. Hanggang ngayon kasi hindi niya parin ako kinakausap dahil 'dun e.
Hindi ko rin naman siya masisisi, e kasi talaga namang panggagago ang ginawa namin sa kabigan namin e. Nagiguilty tuliy ako dahil ako ang nag pasimuno nito.
Isa pa, Maling mali ang pustahan namin ni Cad in the first place. Kaya ako nalang ang sumusuyo sa kanya para hindi na lumaki ang gulo namin.
*BUZZ*
New message from: Mama ko <3
Dyan na tayo mag kita para hindi na masayang yung oras.
Nag reply naman ako kaagad.
Okay mama Yerdi ko. I love you. Ingat ka.
"Miss, pa-arrange ako ng 1 dozen of pink roses and 1 dozen of red roses. Gandahan mo yung bouquet ha."sabi ko sa babaeng nag aayos ng flowers tsaka flower pots.
"Yes sir."sagot niya ng nakangiti tapos nag paayos na siya sa kasama niya. Madali lang naman nila itong tinapos.
Nang matapos nila ito, inabot nila ito sa akin.
Inamoy ko ang mga rosas. Miss na miss ko na talaga si Yerdi. Kaamoy niya kasi ang mga roses. Sana lang magustuhan niya ang mga ito at kausapin niya na uli ako.
"Miss, magkano lahat?"tanong ko dun sa isang nag arrange ng bouquet.
"3,540 pesos po sir."sinulatan niya na ang dedication card ng pangalan ko at pangalan ni Yerdi.
Natigilan ako habang nilalabas ang wallet ko mula sa bulsa ko nang makarinig ako ng isang bulong na damang dama ko ang hininga sa leeg ko."Well, well, well, is that for me pretty boy?"
When I looked at her, she look so familiar. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita, but I know I met her before.
When I look closely, it's Bettina. Yung girl na humalik sakin nung nagkayayaan kami nila Johanne at Bricks dati sa isang bar dahil birthday nun ni Johanne.
"Bettina? Right?"I tried to give her a smile even though I feel a little bit awkward.
"Wow. I'm so flattered, you still remember my name. So, is it for me baby?"malanding tonong sinasabi niya. Her hands are wrapping my neck now, nilalapit niya rin ang mukha niya.
"Bettina, I'm sorry, this is for my girlfriend. So, please stop acting like that." I tried to say it calm and I remove her hands wrapped on my neck.
"Girlfriend? After that kiss? May girlfriend kana agad? Ang bilis mo naman."napatawa pa siya kaya mas lalo akong namawis. Ibinalik niya uli ang dalawang kamay niya sa leeg ko. Parang binabalak niya akong halikan ulit kaya kinakabahan ako.
"That kiss was an accident Bettina. You were the one who kissed me. You were drunk."
"So? That kiss still means something to me. Look Baby, I like you."
Nilapit niya agad yung mukha niya sakin tsaka pilit niya akong hinahalikan.
Tinulak ko na agad siya. Wala nakong paki kahit magmukha akong rude sa harap ng maraming tao.
"Bettina, what do you think you're doing?"lumayo ako sa kanyang mukha the moment I realize na ang lapit lapit na niya. I saw her smirked.
Inayos ko ang sarili ko tsaka tumingin ako sa paligid ko, walang masyadong tao dito na pwedeng makakita sa kahihiyan na ginagawa niya. Pero ang malas nga lang naman ng pagkakataon, dahil wala ngang masyadong tao dito para makita ang ginawa ni Bettina, nakita naman kami ni Yerdi.
Shit. Alam komg tatakbo na siya dahil nanggigilid na ang luha niya nung makita niya kaming dalawa ni Bettina.
So I runned after her. Nang mahawakan ko na siya, hinigpitan ko ang pag hawak sa braso niya. What she saw was a mistake.
"Ma, it's not what you think." hinigpitan ko pa yung hawak ko sa kanya dahil na pupumiglas siya at ayaw niyang tumigil. Hindi ko aiya pwedeng bitawan dahil kailangan namin pag usapan ito.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"tinutulak tulak niya na ako tsaka niya ako sinampal
"Ma please, hayaan mo'kong mag explain."I tried to say it calm para kumalma rin siya, umepekto naman ito.
"Ano pang sasabihin mo? Kitang kita ko naman! Kitang kita ko naman na pilit kang hinahalikan ng babaeng yun!"sigaw niya sa akin.
"Exactly ma. Nakita mo naman diba, siya yung humahalik sa akin. Hindi naman ako."paliwanag ko.
Bigla siya nanahimik tsaka pinunasan yung luha niya.
Hinawakan ko yung mukha niya at pilit kong pinapaharap ito sa akin.
"Ano ba!"tinabig niya na naman ang kamay ko.
"Ma, ma, look at me."tinaas ko ang mukha niya gamit ang baba niya.
"Sino ba kasi yung babaeng yun? At bakit ka niya hinahalikan?"
"Listen, okay? Ganito kasi yun, naalala mo, nung nagkayayaan kami nila Johanne at Bricks sa isang bar, matagal na yun ma diba, hindi pa tayo nun, dun ko siya nakilala sa bar. Kasi--"hindi ko tuloy matuloy ang sasabihin ko. Paano ko sasabihin sa kanya na hinalikan lang ako ni Bettina? Baka gawin niya kasing big deal 'yun.
"Kasi ano?"pamumutol niya sa pagkaka-utal ko.
"Kasi, bi-- bigla-- bigla niya nalang kasi akong hina--hinalikan nu'n eh."
"Ano? Hinalikan ka niya? Malandi 'yung babaeng yun ah."paramg hindi pa siya makapaniwala at mas lalo pa siyang nainis. Mali bang inamin ko pa sa kanya? Ginawa ko lang naman 'yun dahil gusto kong maging honest sa kanya 'e.
"Umalis ka jan. Babalikan ko siya! Malandi siya!"
Pinapaalis niya ako sa harapan niya para balikan dun si Bettina pero pinipigilan ko ang bawat pag hakbang niya papunta du'n.
"Ano ba! Wag mo nga akong pigilan! Papatayin ko yang babaeng yan! Umalis ka jan!"
Ayaw niya talagang mag paawat kahit anong gawin ko. Sinampal niya nanaman ako, at this time, mas malakas pa kaysa du'n sa kanina.
"Ma, ano ba? Sinabi ko ng wag na diba? Wag kana nga mag scandalo dito. Nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo oh."napagtaasan ko na siya ng boses. 'Di ko rin sinadya, nakakainit lang talaga ng ulo eh. Hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa kanya sa maayos na paraan na naiintindihan niya ako.
"Wala akong pakialam!"bulyaw nita."Oh ngayon, pinipigilan mo'ko, bakit, ayaw mong saktan ko 'yung babae mo?"naningkit nalang ang mata ko sa mga pinagsasabi niya. Shit. Bakit ganito kakitid ang utak niya ngayon? Na para bang kahit ang explain ko, hindi niya ako maiintindihan dahil hindi siya makikinig.
"At ako pa ang nakakahiya? Ikaw ang nakakahiya! Palibhasa, siguro una pa lang, mas gusto mo na hindi nalang sana ako dumating para mahalikan mo rin siya!"
"Ma naman! Nakita mo naman diba? Tinutulak ko siya para hindi niya ako mahalikan!!"pag uulit ko. Ayun nalang ang gusto kong i-defend sa kanya kahit na malabo pang maintindihan niya. Hindi ko naman talaga ginusto 'yun.
"Bakit sa akin ka nagagalit ngayon? Pwede ba!"
"Ma ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ako nagagalit sa'yo. Nag papaliwanag lang ako."triny kong babaan 'yung boses ko kahit na alam kong walang epekto 'yun. Kahit ano yatang pagsusumaamo ko, wala parin.
"Wag ka nang magkaila! Next time humanap kayo ng magandang lugar kung san kayo mag hahalikan!"tinulak niya uli ako at galit na galit siyang umalis.
Napapikit ako sa inis.
Wala na akong nagawa. Parang ayoko rin siyang habulin lalo na ngayon nagkasalubong ang galit namin.
______________________________________
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Ficção AdolescenteAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.