Chapter 32

231 7 4
                                    

________________________________________

Andito kami sa tapat ng bonfire, nag papainit. Maya maya ay matutulog na rin kami sa ilang tent na dinala ni Jaico,Burn at Bricks. May mga plano na pala sila kaya ready na sila. May balak pala talaga ang mga ito na mag sleep-over dito sa beach. Pinauwi na nga nila yung adviser namin eh kaya 15 nalang kaming natira dito.

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang malakas na hangin sa balat ko. Kanina pa talaga ako giniginaw kaya lang, wala akong dalang sweater. Hindi naman kasi ako aware na malamig pala dito tuwing gabi.

"Jessi, here." hinubad ni Cad yung jacket niya at naramdaman kong pinatong niya sa likod ko.

"Thanks." ayun nalang ang nasabi ko. Ramdam ko na naman yung bwisit na titig ni Camille sa akin. Aalisin ko na nga sana pero ang rude ko naman kung ganun. Hinay-hinayin ko muna bago ako maging diablo.

"Better take it off."sabat ni kuya Gelo at tsaka tumabi sa inuupuan kong punong kahoy.

Inalis niya ang jacket na ipinatong sa'kin ni Cad at ni-replace niya yung jacket niya. Sinabayan niya pa ng pag-akbay sa akin ng mahigpit, yung ultimong yakap na kung titignan.

Ngumisi siya nang itinapon niya ang jacket ni Cad pabalik sa kanya. Irap naman ang ginanti ni Cad sa kanya.

Pagkatapos ng mala-awkward na pangyayaring 'yun, nag suggest na muna ang lahat na mag laro ng spin the bottle.

Unang natutok ito kay Burn, nag truth siya. Ang tinanong sa kanya kung gusto niya pa daw si Yerdi, kasi balita ko parang nag cool off daw yata sila, pero di naman daw totally break. Tss. May pa-cool off pa silang nalalaman, break na rin lang yun mga bobo. Karma na rin nila yun sa ginawa nila sa'kin noh. Tignan mo nga naman, kahit hindi pa ako gumagalaw, karma na ang gumagalaw para sa'kin.

"So ano, gusto mo pa ba siyang balikan?" tanong uli kay Burn

"Oo naman." agad agad at nahiihiya niyang sagot. Si Yerdi naman ay nag sisimula ng maluha. Sus, andradrama. Itigil nga nila, kacornihan naman oh.

Nakailang spin naman ang lahat at halos tatlo nalang kaming hindi pa sumusunod. Puros truth naman ang nangyari eh.

Sumunod na matutok ang bote kay Camille. Nag dare naman ang malandi, dahil daw she's getting bored na daw with that conyo accent. Whatever.

"Alam ko na! Halikan niya na lang si Cad!" tuwang tuwang suhestyon ni Jaico. Nagsikantiyawan tuloy ang mga lalaki niyang kaibigan. Umiral na naman ang kamanyakan niya. Dumpensa pa siya na sa pisngi lang naman daw

"Sure, no worries!" agad pagpayag ni Camille.

Mabilis niyang hinalikan si Cad sa bibig. Malandi talaga 'tong babaeng to, hindi yata nakaintindi. Sinabing sa pisngi, hinalikan sa labi? Tanga nito, napakaharot talaga.

French kiss pa sana ang gagawin niya, pero umayaw na si Cad. Napa-woah naman lahat sa kalandian niya. Dinaig pa yata si Pipay ng Diary ng hindi malandi.

Kilig na kilig naman ang haliparot na si Camille habang iniikot ang bote. Natutok naman ito kay kuya Gelo.

"So, truth or dare?" excited na tanong ni Camille

"Dare na yan!!!" pamimilit ng lahat

"Oo nga! Para hindi naman boring!" dagdag ni Camille.

So pumayag na si kuya, malamang.

"Uh, kiss Jessi, lips ha."

Nagsimulang mag sigawan ang lahat sa dare ni Camille kay kuya Gelo.

"Sigurado kayo?" tanong ni kuya Gelo at tila di alam kung titingin sa'kin dahil ramdam kong nahihiya siya.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon