___________________________________
Inaantay ko ngayon si Cad sa canto MAPAGANTAY.
Since hindi naman kasi kasama si ate Zirri na mag papasukat, isasama ko nalang si Cad para siyempre masukatan na siya. Tsaka ko nalang sasabihin lahat kay ate Zirri pag naka-tyempo na ako.
Actually ang alam lang ni ate Zirri ngayon na kasama ko ay si kuya Gelo. Hindi rin nga alam ni kuya na isasama ko si Cad eh.
Ng makarecieve ako ng isang hindi inaasahan na text galing sa hinihintay kong tao.
Text message from: Boss ko
Boss, sorry. Hindi na pala kita mahahatid. Dumating kasi yung daddy ni Camille, samahan ko daw siya kasi nahihilo siya eh. Sunod nalang ako mamaya boss.
Hayy. Eto nanaman, ano pa nga bang gagawin ko kundi tanggapin na pinag antay niya lang ako sa wala at si kuya Gelo lang ang makakasama ko papunta dun. Sinisingit ko nanga lang si Cad dahil wala si ate Zirri tapos eto pa. Syempre inuna niya yung nabuntis niya.
Nakakalungkot at nakakabwisit naman ang buhay na to. Napaka malas ko.
Ngayon nga kasi yung sukatan para sa kasal ni ate Zirri. Ang aga nga masyado eh. Siguro kasi bonggacious ang gown ko malamang maid of honor.
Tapos pinapunta pa kami, 9:00 oh diba hindi masyadong excited si ate Zirri.
Hindi na rin ako nag antay ng matagal kay kuya Gelo kasi nakarating naman siya ng mabilis dito sa pinagaantayan kong canto.
"Tara,"aya niya tsaka binuksan ang pintuan ng passenger's seat. "Thank you."I said, tapos sumakay na rin siya sa driver's seat.
Nawawalan tuloy ako ng gana, ang tahimik ko buong biyahe papunta ng boutique hanggang sa makarating na kami.
"Ading, are you okay?"sinuri niya ang mukha kong bad trip at malungkot. "What's wrong?"
"Isasama ko sana siya ngayon eh, pero kailangan niya daw samahan si Camille."malungkot na dahilan ko.
Ngumiti siya ng mapakla at tinap niya yung balikat ko."Ayos lang yan, andito naman ako ading eh, di kita iiwan basta dumikit ka lang sa akin."
Napangiti niya naman ako sa sinabi niyang yun. Mabuti pa siya, hindi ko siya boyfriend pero kong tratuhin niya ako parang mas higit pa sa girlfriend ang trato niya sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan at sinasaktan.
"Good morning ma'am, sir. Looking for bridal gowns and groom's suit for your wedding? Please proceed this way."sumunod naman kami dun sa babaeng assistant dito sa boutique. Teka, ito na ba yung sinasabi ni ate Zirri na mag susukat sa amin?
"Ang swerte niyo naman sa isa't isa. Kayo ang ikakasal."nag tinginan tuloy kami ni kuya Gelo at tila natatawa pa.
"Hindi po kami ang ikakasal miss, yung ate ko po."pa amin ko tsaka naman humingi ng pasensya yung nag sabi nun, nahihiya tuloy siya sa amin ni kuya Gelo.
"Marina ano ka ba, kapatid yan ni Zirri, hindi sila yung ikakasal."napatingin naman kami dun sa babaeng may edad na nag salita. Mukhang ito yata yung miss Olivia, yung mag susukat sa amin at mag papa-fit na mga isusuot kaya pumunta na kami agad papunta sa kanya.
"Magandang umaga po, kayo po ba si miss Olivia?"tanong ko sakanya
Ngumiti na muna siya sa aming dalawa ni kuya bago sumagot."Ako nga. So kayo pala yung sine-set up ni Zirri?"natatawa niyang tanong. Sine-set up? Nag tinginan kami ni kuya Gelo at nag hahanapan ng sagot sa mukha.
"Ano pong sineset-up?"tanong ni kuya
Parang nag isip naman si miss Olivia ng maisasagot. "Ahy wala pala. Wag niyo ng intindihin."
So ayun deadma nalang kami ni kuya Gelo. Nag palinga linga kami ni kuya Gelo pero kami lang tao dito at wala pa ang mga barkada ko.
"Ah, misss Olivia bakit kami lang po ang nandito at wala yung mga barkada ko?"tanong ko
"Ano kasi eh, sinadya talaga ni Zirri na mag sukat kayong dalawa lang ng maaga. Mamaya pa ang mga barkada mo."agad agad niyang sagot tapos tinagiliran naman siya nung kasama niya at binulungan.
Napatawa nalang tuloy ng palihim at napa-iling iling pa."Mukhang nadulas po yata kayo sa plano ng ate niya miss Olivia."sambit ni kuya Gelo.
Putek hindi ko nagegets to ah. Una sine-set up, tapos ngayon plano ni ate Zirri na sadyain na papuntahin dito ng kaming dalawa lang ni kuya Gelo? Ano daw? Bakit naman gagawin ni ate Zirri yun?
Mukhang tinawanan ni miss Olivia ang sarili niya."Pasensya na kayo ah. Nadulas kasi ako eh."nag peace sign pa si miss Olivia para kunyare feeling teenager at cute style pa ang nais.
Tinignan ko ng blangko ang mukha ni kuya Gelo na nakatawa lang. Buti pa siya gets niya. Che, deadma nalang. Kaloko tong si miss Olivia
Sinukatan na muna kami ni miss Olivia at tsaka pinapasok sa fitting room. White wavy gown daw ang isusuot ng maid of honor kaya eto para akong ikakasal sa mga sinusukat ko.
Ng mafinalize ko na kung ano ang bagay sa akin, lumabas na ako ng fitting room para ipakita ito kay miss Olivia.
Kasabay ko rin si kuya Gelo na lumabas, bagay na bagay sa kanya yung suit niya syete.
"Ah, mag dikit nga kayong dalawa."utos ni miss Olivia kaya nag dikit naman kami.
"Wow, Ang ganda at ang gwapong bride naman ng mga to oh. Kailan po ang kasal?"nag tinginan tuloy kami ni kuya Gelo at tila natatawa pa sa isang assistant sa sinabi niya.
"Kapatid po ako ng ikakasal. Hindi po kami ikakasal ni kuya Gelo."nag tawanan naman silang lahat dun.
Gelo's POV
Nag sidatingan na ang mga barkada ni Jessi dito sa botique pagkatapos kaming sukatan.
Hindi ko maiwasan hindi kiligin at mapangiti kanina sa mga hinanaing ng mga nag tratrabaho dito sa boutique. Akala kasi nila kami ang ikakasal ni Jessi. Now, gets ko na yung plinano ni ate Zirri na para masolo namin ang isa't isa ni Jessi.
Habang tinitignan ko rin kasi si Jessi kanina, parang siya na talaga yung babaeng gusto kong pakasalan.
Naibaling ko ang paningin ko sa kanya ngayon, malungkot nanaman siya habang tinitignan ang screen ng phone niya.
Nilapitan ko siya, dahil umiiyak nanaman siya ng patago pero nakatalikod siya sa barkada niya.
"Iyak ka ng iyak, hindi bale sana kung nakikita niya yan at mapupunasan niya."tinabihan ko siya sa inuupuan niya.
"Mahirap palang makihati ng oras sa isang babaeng magiging ina noh? Hindi pala sapat na mahal niyo ang isa't isa."patuloy lang siya sa pag hikbi.
"Tahan na ading, sinasaktan mo nanaman ako eh."tumingin siya sa akin ng may pagtataka."Paano ka naman nasasaktan?"usisa niya
"Kasi mas higit at ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang nasasaktan at umiiyak ka lalong lalo na sa harapan ko."
"Payakap nga kuya."niyakap ko siya tsaka ko naramdaman naramdaman ang bawat paningin ng barkada niya kaya kumalas ako ng konti pero yakap ko parin siya."Pasensya na kuya ha. Kung nasasaktan kita pag nagkakaganito ako, ikaw kasi ang weakness ko eh."pag amin niya."Sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilan manghina at manlambot sa tuwing hinahawakan mo na ako. Pero ikaw din ang nagiging lakas ko. Kasi ikaw ang nag papaintindi sa akin ng problema ko kaya nakakangiti parin ako."
Wala akong masabi sa mga salita niyang nakakataba ng puso ko pero masayang masaya ako ngayon dahil feeling ko ang lapit lapit uli sa akin ni Jessi.
________________________________________
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.