Jessi's POV
Bwisit talaga 'tong Cad na 'to, kanina pa kami tumatakbo palabas ng classroom. Hindi ba siya napapagod? Pag ako nadapa ah, makikita niya. Baka madaganan ko siya. Ay talagang dadaganan ko siya. Pero wait lang, wala na pala akong ipangdadagan sa kanya dahil nga pala payat na ako ngayon. Hahaha. Ay meron pala. Yung buto ko. Talagang gagawin ko lahat no, madaganan lang siya.
Pababa na ako ng last ramp nang maramdaman kong natalisod ang kaliwa kong paa.
"Ahhhhhhhhhh!!!!!!!"
Napasigaw ako dahil alam kong mahuhulog na naman yata ako.
Okay, alam ko na, madadapa na ako, wala naman si kuya Gelo dito na sasagip sa akin e at syempre si Cad na naman ang sanhi ng pagkadapa ko kaya masasaktan na naman ako. Teka asaan hugot? Hahaha.
And wait, is this true? Inantay ko ang sarili ko na mahulog pero hindi ako nadapa. Sinalo ako ni---
Ni Cad!? For the first time, sinalo niya ako. Nasanay kasi ako sa kanya, na hahayaan niya akong mahulog, tsaka niya ako gagamutin. Teka, ano nanaman bang hugot to? Haysst.
Ano ba yan, ms. Author nagkakatitigan na naman kami. As in, eye to eye. Tsaka yung position namin yung parang sa ball room dancing, yung ipapaikot tas naka-catch yung kamay niya sa likod ko.
Potspa, ang gwapo parin ni Cad. Yung mga mata niya, pamatay pa rin hanggang ngayon kahit na ayokong aminin. Lintek naman. Yung puso ko na naman, parang sumasabog nananaman sa sobrang bilis ng pag tibok neto. Dala ba 'to ng pagod sa katatakbo o iba na naman?
Oo na. Ano ba, wag na tayong mag lokohan dito. Alam naman nating lahat diba, alam ng lahat na hanggang ngayon ay Inlove parin ako kay Cad. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. Pero gagawin ko ang lahat para pigilan itong kalokohan na 'to. Tama na ang isang beses na maloko.
Wait lang, masyado nanaman yata akong naiinlove sa titig niya, hindi pwede. Dahil ang plano ko dito ay BAWIAN. HINDI TITIGAN PARA MAS LALO PANG MAGKA-INLABAN.
Oh diba bongga nag rhyme pa?
"Ano ba! Malas ka talaga kahit kailan! Kasalanan mong lahat to eh!" paninisi ko sa kanya at tsaka pinagpag ang suot kong uniform na parang nandidiri ako sakanya.
Aba, mahirap na no, masyadong mahaba explanation ko sa kagwapuhan niya, mamaya magkabistuhan pa. Nagsisimula pa nga lang ako sa paghihiganti ko tapos mabibisto na agad? Sus. Wag na lang, masasayang lang lahat ng work-out ko ng dalawang buwan para dito.
"Hala, ako pa talaga?" tinuro pa talaga niya ang sarili niya na para bang hindi pa siya sigurado na siya ang sinisisi ko e dalawa lang naman kaming nandito. "E ikaw tong kung makatitig sakin parang---Hahahahaha."
"Ano? Ituloy mo." singhal ko sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha. "Ako ba ang tumititig? Baka kasi ikaw no? If I know, sa titig mo sa'kin, hinuhubaran mo na ako diyan sa isip mo!"
"Sobra ka naman, ano naman akala mo sa akin? Manyak? Oy ang yabang mo ah! Porket pumayat ka lang, ganyan kana!" sabi niya at natatawa pang parang na-offend sa sinabi ko. Leche siya. Wag niya akong dramahan pwede ba. Kasi hindi naman bebenta sa'kin yun.
Nang wala na akong maisagot sa kanya, bumulalas siya ng tawa. Tawang tawa talaga siya. Siguro, mukha ko yung tinatawanan niya dahil malamang pulang pula na yung mukha ko ngayon sa sobrang inis at kahihiyan dahil wala na akong maisalita pa sa kanya.
"Bwisit ka talaga!" hinampas hampas ko siya.
"Oy kailan ka pa natutong mag mura? Ikaw ah. Nag mumura kana ngayon?"
"Oo. Bakit? Ngayon lang naman ako natuto. As in ngayon lang, kasi dumating na sa point nung bwisit na bwisit nako sa isang tao at nakakapagmura nako!"gigil na gigil na ako sa inis sa kanya. Nakakairita talaga mukha niya ngayon. Lakas makabad trip.
"Oh talaga? So nagagalit ka na niyan? Hahahahahhahahaha!!!!"
Ayaw niyang tumigil sa katatawa at inis lang ng inis sa akin tas pinaglalaruan pa buhok ko. Tae talaga to.
"Ano ba kasi!"
Inalis-alis ko na kamay niya pero ayaw parin eh. Tinulak ko nga. Leche talaga siya sa buhay ko.
"Oy, oy Jessi!!!!!"
Nag pagulong gulong siya sa ramp hahahahaha. Tinawanan ko siya ng tinawanan, gaya nung pag tawa niya kanina. Buti nga. Yan ang napapala niya.
Tinignan ko siya sa baba ng ramp kung saan siya bumagsak. Wala siyang malay.
Kinabahan agad ako at tumakbo pababa ng ramp na iyon para i-check ang kalagayan niya. Sht. Wag naman sanang mabagok ang ulo ng kumag na 'yon. Lord please.
"Hoy Cad," hinampas ko ng mahina ang braso niya, ayaw niya gumising. "Cad ano ba! Hindi nakakatuwa ah! Gumising ka na ano ba!"
Mas lalo akong kinakabahan. Ano ba naman 'tong ginawa ko. Parang sasabog sa pag kabog ang dibdib ko sa sobrang katakutan.
Ginising gising ko siya at niyugyog-yugyog. Ayaw niya pa rin magising. Matindi ng pangangamba ang nararamdaman ko ngayon. Nag aalala na ako masyado para sa kanya. Naluluha na ako.
"Cad! Isa ha! Pag hindi kapa bumangon diyan magagalit na talaga ako sayo!" umiiyak na sambit ko.
Kahit anong gawin ko sakanya hindi pa rin siya dumudilat. Umiiyak na ako ngayon, di ko na alam ang gagawin ko.
"Cad 'di ba sabi mo mahal mo'ko? Ano ba boss! Mahal pa rin kita wag mo naman akong iwan!"
Hindi ko na alam kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ko. Nakakasuka man yun pero ayun naman ang totoo.
Tatawag na sana ako ng tulong nang makita kong dumilat dilat ng paunti unti ang mata ni Cad at mukhang nag pipigil ng sobra kanina pa sa tawa.
Tawa lang siya ng tawa. Napapahawak pa siya ng tiyan niya habang nakahiga. Sht talaga siya, kung ano ano pang pinagsasabi kong kahihiyan. Sinampal ko nga yung mukha niya ng paulit-ulit.
"Aray naman. Hahahahha. Bat ka umiiyak? Nag aalala ka sakin?" natatawa niyang tanong habang nakahawak sa sinampal kong mukha niya.
"Bwisit ka talaga kahit kailan akala mo ba nakakatawa!" sigaw ko sa sobrang inis at tsaka pinunasan ang mga luha ko. Hinampas hampas ko siya
"Aray! Aray! Ano ba kinakagalit mo, buhay pa naman ako ah hahaha. Ang OA mo naman hahahaha."
"Ako pa talaga OA! Akala mo ba magandang biro 'yon! Halos magkanda sabog ang puso ko sa sobrang pag alala sayo tapos ako pa sasabihan mo ng OA!" mas umiyak pa tuloy ako ngayon. Bwisit kasi siya.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Alam mo Jessi, ang cute cute mong umiyak. Para kang bata kung mainis. Hahahaha."
"Talaga? Hindi lang naman yata ako parang bata mainis sayo diba? Para talaga akong bata sayo na paulit ulit mong pinaglalaruan!"
Napailing-iling na lang siya sa sinabi ko.
"Ay teka Jessi, ano yung sinasabi mo kanina? May narinig ako e. Boss, mahal parin kita? Yun ba yun? Hahahahahahaha."
Napasinghap ako sa kaba. Sinabi ko ba 'yon?
. . . . . .
. . . . . .
. . . . . .
"Cad diba mahal mo'ko? Ano ba mahal parin kita boss! Wag mo naman akong iwan!"
"Cad diba mahal mo'ko? Ano ba mahal parin kita boss! Wag mo naman akong iwan!"
"Cad diba mahal mo'ko? Ano ba mahal parin kita boss! Wag mo naman akong iwan!"
"Ano? Nag dedesisyon kapa kung idedeny mo pa o aamin ka na?" tinaas-taas niya pa ang kilay niya kaya mas lalo ako namula sa kahihiyan.
"Umamin kana Jessi. Dinig na dinig ko naman eh. Yung, 'Mahal kita boss, wag mo naman akong iwan!' HAHAHAHA"
Umuusok na talaga ang ilong ko sa inis. Ang lakas niyang mangbwisit. Tapos, gayang gaya pa niya yung tono ng natataranta kong boses nung sinasabi ko yun.
Akala niya ba mag papatalo ako, binigyan ko siya ng malalakas at sunod sunod na hampas hanggang sa mapa-aray aray siya.
________________________________________________

BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.