Chapter 66

50 5 0
                                    

Burn's POV

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Yerdi. Actually yung last na nakita ko pa siya, nung nangyari yung malabong break up namin.

Ilang araw na rin kasi siyang hindi pumapasok. Nag papakita siya sa mga barkada ko pero sa'kin hindi. Pero ang dinig ko ng spe-special exam parin siya ngayon. Hindi alam ng barkada ang nangyari sa aming dalawa.

Sa tuwing pinupuntahan ko naman siya sa dorm niya laging parang walang tao dun. Walang ingay na kung ano ang marinig. Miss na miss ko na talaga siya. Nakakainis lang at hindi ko siya makita-kita. Tinataguan niya talaga ako at iniiwasan niya akong makita. Ngayon, naniniwala na ako sa sabi-sabi na, mas madaling hanapin ang taong nawawala kaysa sa taong pinagtataguan ka.

Papunta nga pala ako ng library ngayon para ibalik yung librong hiniram ko dito ng isang araw. Wala naman yung librarian dito, tanging isang babae lang na nakatalikod.

"Miss, asan pala yung librarian?"tanong ko dun sa nakatalikod na babae. Nakakatawa lang dahil parang buhok ni Yerdi ang nakikita ko kahit nakatalikod ang babaeng ito. Sana nga siya nalang si Yerdi e. Gustong gusto ko na uli siyang makausap. Gustong gusto ko na din makipagbalikan sa kanya.

Mukhang busy siyang nag eexam."Ewan ko eh."parang nahihirapan siyang mag salita.

"Sige miss. Thank you."umalis na ako, ng maalala kong naiwan ko dun yung ibabalik kong libro kaya bumalik uli ako.

Nakasabayan kong buksan ng pintuan yung babae kanina dahil mukhang palabas na siya kaya nauntog siya.

"Miss, sorry. Hindi ko sinasadya."tinatanguan niya lang ako at tila nakayuko ang ulo. Pinilit kong i-angat ang mukha niya kahit ayaw niya. Nag tatago parin siya sa cap na suot niya.

"Ma?"mas bigla pa siyang nag iwas ng tingin ng makita ko ang mukha niya.

"Excuse me Burn, mag eexam pa kasi ako eh."pinipilit niyang umalis pero hinawakan ko siya agad. Sabi ko na nga ba siya e. Kaya pala pati buhok niya kanina, naaalala ko pa rin si Yerdi.

"Yerdi, mag usap naman tayo."pakiusap ko."Miss na miss na kita, bakit ka ba nakipaghiwalay sa'kin?"

"Dahil ayoko na sayo Burn. Sawang sawa na ako sa ugali mo. Paraanin mo nga ako."alam kong nag sisisnungaling lang siya kaya hindi ko pa siya pinapaalis.

"Ma hindi. Mag uusap lang tayo. Ano bang ginawa ko?"desperado kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinasagot kaya nag isip ako ng posibleng dahilan na ikagagalit niya sa akin.

Biglang sumagi sa isip ko si mang Franco. Maayos naman na kami nun dahil malinis na ang pangalan niya kay mommy.

"Si mang Franco ba? Ano, sabihin mo."pagpipilit ko

"Ano ba Burn, bitawan mo na ako. May gagawin pa ako."

"Hindi. Kailangan natin mag usap ng masinsinan. Kailangan mong mag paliwanag sa akin." mariin na sabi ko.

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo dahil hindi mo na ako siyota."

"Ma, wag naman ganito. Please. Kailangan na kailangan ko lang marinig ang mga sasabihin mo." pagmamakaawa ko.

Nag iwas siya ng tingin. "Wala akong dapat sabihin."

"Ma naman. Wag mo naman na akong pahirapan pa."

"Oo Burn."pag amin niya habang naiiyak na."Burn nagiguilty ako dahil pinatay ni papa yung daddy mo. Kaya rin pala gulat na gulat yung mommy mo na banggitin ko yung pangalan ni papa dahil dun. Alam ko ng uutusan ka ng mommy mo na makipaghiwalay sa'kin, kaya inunahan na kita. Hindi ako matatanggap ng mommy mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa paliwanag niya. Bakit hindi niya parin alam ang totoo, hindi parin napaliwanag sa kanya ni mang Franco ang lahat."Ma, hindi. Hindi mo pa ba alam ang totoo?"

"Anong totoo?"

"Hindi yung papa mo ang totoong pumatay sa daddy ko."pag amin ko."Inako lang ni mang Franco yung kasalanan nung kaibigan niyang si mang Jun na pumatay talaga kay daddy."

Nagulat din siya sa mga sinasabi ko."Paano nangyari yun?"

"Pinagbantaan siya ni mang Jun na papatayin niya daw ang papa mo, at ikaw pag hindi inako ng papa mo yung kasalanan niya."

Bigla siyang napahinto sa pag luha niya."Kaya pala sabi niya hindi talaga siya nagkaroon ng pamilya. Nakulong lang siya ng ilang taon sa kasalanang hindi niya naman ginawa."

Niyakap ko na siya at niyakap niya na rin ako."Ma, totoo yun. Malinis na rin ang pangalan niya kay mommy dahil inamin na ni mang Jun yung totoo."

"Sorry pa. Sorry, nakipaghiwalay ako sayo ng--"

"Shh. Hindi na importante yun ma. Ngayon na maayos na ang lahat at alam na natin ang totoo, pwede bang makipagbalikan kana sa'kin ma?"pagmamakaawa ko."Miss na miss na kita ma."

"Ako rin pa."pag amin niya."Gusto mo pa ba makipagbalikan sa'kin pagkatapos ng ginawa ko?"tanong niya

Tinawanan ko naman ang napaka immature niyang mukha."Oo naman ma. Mahal kita, Kaya kahit ilang beses mo pa akong i-break, babalikan parin kita."

Zirri's POV

Nagulat ako ng magising ako sa isang kwartong hindi ko ma-recognize kung saan.

Ang sakit ng ulo ko, wala akong masyadong maalala. Pero ang naala ko lang, sobrang nahihilo ako kanina at parang bumagsak yata ako sa kalye.

"Gising kana pala."nagulat ako sa babaeng bumugngad sa'kin na kakapasok lang ng pintuan.

"Tita?"ayun lang ang tanging nasalita ko dahil sa gulat ko.

Nginitian niya ako."Ayos kana ba? Nahimatay ka kasi kanina sa tapat ng restaurant, nakita ka ng mga waiter ko."

Tumango ako. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa sarili ko. Maayos na ang pakikitungo sa akin ni tita ngayon, inalagaan niya parin ako kahit na nilayasan ko siya. Tintigan kong mabuti si tita. Namiss ko siya. Namiss ko yung pinakalokaret at malandi kong tita actually.

"Tita, sorry po. Sorry po sa mga nagawa ko. Ayoko na pong maging pabigat sa inyo ni tito kaya minabuti kong umalis na tapos--"

"Zirri, kalimutan na natin yun, pinapatawad na kita. Pinaintindi na sa'kin lahat ng uncle Ben mo."

Napangiti naman ako sa loob looban ko."Talaga tita?"

Tumango siya saka bumungisngis.

"Uy pero ikaw ah, nag tatampo ang maganda mong tita, hindi mo ako inimbita sa kasal mo? Kajirits ka."natawa ako kay tita. Sa way ng pagsabi niya, ang harot nanaman ng dating ni tita. Haha.

"Hahaha. Teka pano niyo po nalaman?"usisa ko

"Alam naman namin ng uncle Ben mo na nandyan ka kay Garnette eh. Tsaka umamin naman yung asawa mo, at sinabing nasa mabuting lagay ka naman daw."bigla naman humalakhak si tita ng bongga."Uy Zirri pamangkin, alam mo ba may nagkakagusto sa'kin dito, yung isang miyembro ng banda. Ang ganda ko noh. Hihihi."

"Taray ni tita, may asim pa si lola! Hahahahahha. Humanda kayo kay uncle Ben, landi niyo tita!"

Nag tawanan lang kami dun ng parang teenager at walang asawa ni tita. Sa way ng mga pakikipag usap niya, ang lakas niya ng makipagbiruan kaya alam kong okay na kami.

________________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon