Chapter 35

263 7 7
                                    

Garnette's POV

Finally, lolo handed the papers to his assistant and shooted me a serious look on the clear window as a sign that I could enter his office already.

I held Zirri's hand. Buong loob kaming pumasok sa office ni lolo. Sasabihin na namin sa kanya ang totoo.

"Lolo, may gusto po sana akong sabihin sa inyo." paninimula ko.

"What is it? Problema na naman ba Garnette? Problema na naman ba ang dala mo na ikaw ang may gawa at ipapasa mo na naman sa'kin?" pamimigang usisa niya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago mag salita.

"Lolo, na--nabuntis ko po si Zirri."

Napatingin siya sa akin sa sinabi ko. Seryosong seryoso ang mukha niya at bakat sa mukha niya ang gulat at disappointment sa narinig niyang sinabi ko.

"Garnette ano na naman bang kalokohan 'to?" patanong na sigaw niya. Napatingin ang ilang empleyado niya sa opisina niya.

"Hindi mo na nga napapaunlad 'yang restaurant tapos ito pa? You're such a disgrace to our family!" galit na galit siyang nakatingin sa aming dalawa ni Zirri.

Ramdam ko ang takot ni Zirri kaya higpitan ko lang ang hawak ko sa kamay niya. Kailangan namin harapin ng sabay ito.

"Anong balak mo jan?"

"Lolo, pananagutan ko po si Zirri. Mahal ko po siya. Gusto ko po siyang pakasalan."

Naningkit ang mata niya. "What? Dahil lang nabuntis mo siya? Sigurado kabang ikaw ang nakabuntis jan!"

"Ano ba naman pong klaseng tanong yan lo? Ako po ang tatay ng batang dinadala niya. Mahal po namin ang isa't isa ni Zirri. Sigurado na po ako sa desisyon ko." buong loob kong pagsasalita.

"Sa babaeng ito pa? Na nag bigay ng malaking problema sa restaurant mong nalulugi?"

Nanggigilid na ang mga luha sa mata ni Zirri, alam kong nasaktan na siya at sigurado akong sinisisi niya na ang sarili niya ngayon.

"Lolo, hindi niya naman po kasalanan 'yun. Hindi niya po alam na sa tapat ng restaurant ko itatayo yung restaurant ng tita niya. Lolo please allow me to marry her." paliwanag ko.

"No! You cannot marry this woman! Malay ko ba kung anong klaseng babae to! Baka nga pinikot ka lang niyan! I think she's a gold digger--"

"Enough lolo! Wag niyo naman pong bastusin at husgahan si Zirri! Kilala ko po siya! Hindi po siya gaya ng babaeng iniisip niyo! Ibahin niyo po siya lolo! Respetuhin niyo naman po siya lo." sinigawan ko na si lolo.

Hindi ko sinadya at ginustong gawin yun pero wala nakong choice dahil hindi ko na nagustuhan ang mga lumabas da bibig niya tungkol kay Zirri. Pinaiyak niya na ng tuluyan ang babaeng papakasalan ko.

"Kayo ang walang respeto! Gaano ka kasigurado kung gaano kalinis 'yang babaeng yan? You didn't even introduced her to me as your girlfriend until I went to your restaurant and caught you flirting with each other!" galit niyang tinignan ang si Zirri na umiiyak na ngayon. "Now, you went here with all your guts to say that your girlfriend is pregnant! 'Yan ba, ang babaeng pakakasalan mo na hindi man lang inisip ang mangyayari at inuna pa ang kalandia--"

"Lolo I said enough! Alam kong ayaw niyo si Zirri but you don't have to say rude things to my wife to be! Mabuti siyang babae at minahal ko siya dahil dun!" depensa ko. "I'm sorry to say this lolo, but wether you like it or not, Im going to marry her!"

"Sige, subukan mong mag pakasal sa babaeng yan, itatakwil talaga kita!"

"Sige, itakwil niyo nako! May mag babago pa ba? I never even felt that Im your grandson ever since!"

Hinila ko agad palabas ng office si Zirri na hihingi pa sana ng patawad sa lolo ko pero hindi ko na hinayaang gawin niya yun. Ayokong mag mukha siyang tanga sa harapan ng wala kong awang lolo.

Zirri's POV

Sa totoo lang, pagkatapos ng nangyari kanina sa office ni sir Garnette, hindi ko na alam kung ano na ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko na rin alam ang susunod na mangyayari dahil mismo kaming dalawa ay gulong gulo na.

Pinagmamasdan ko siyang nag iimpake ng damit niya dahil sa ayaw ko naman na mag layas siya pero ayaw niya talagang mag papigil.

"Zirri, sinabi ko na sayo diba? Wag ka ng umiyak. Ako lang ang bahala, wag ka ng mag isip ng kung ano." sabi niya at pumunta siya sa sofa kung saan ako umupo tsaka hinaplos ang likod ko. "Hayaan mo na si lolo. Isa pa, inexcpect ko na rin naman na mangyayari to, please naman. Wag mo na akong isipin."

Alam ko namang sanay na siya sa trato ng lolo niya. Sa tingin ng lolo niya sa kanya, na isa siyang walang kwentang apo dahil lang hindi niya mapalago ang restaurant na pinamana sa kanya, ako pa nga nasisi kanina. Inaamin ko naman yun na may kasalanan ako, pero hidi ko talaga matanggap di lang mga sinabi niya tungkol sa'kin pati ang mga salitang binato niya sa parang hindi niya apo kung ituring niya.

"Paanong hindi kita iisipin? Ni hindi ko na nga talaga maiisip ang sarili ko kung alam kong masisira na ang buhay mo dahil lang sakin." mas lalo pa ang pag iyak ko habang sinasabi yon, hindi ko talaga kayang makita siyang nahihirapan dahil sakin, ayokong masira ang buhay niya dahil sa akin.

Lumuhod siya sa kinatatayuan niya at humarap sa harapan ko.

"Zirri, makinig kang mabuti." hinawakan niya ang mukha ko. "Wag mong sisisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan. Wala na'kong pakialam kung ano pa ang mangyari sa'kin. Kahit buhay ko pa ang masira, wala akong paki, mahal ko kayo ng magiging anak natin at pananagutan ko kayong dalawa."halos hindi ako makapagsalita sa sinasabi niya. Mahal na mahal niya kaming dalawa ng magiging anak niya pero sinisira ko lang ang buhay niya.

"Pero hindi ko kayang makitang masira ang buhay mo. Ayokong mangyari yun dahil mahal na mahal kita at--"

"Shhh. Alam ko yun Zirri, pero anong magagawa ko dahil mas mahal kita? Kakayanin ko Zirri, para sayo at sa baby natin. Kakayanin ko to lahat."

Natahimik nalang kaming dalawa dahil sa hindi na rin ako nag salita pagkatapos ng sinabi niya.

"Paano kana? Saan ka na titira?"nag aalalang tanong ko sa kanya

"Zirri, may restaurant naman ako eh. Dun na muna ako pansamantala. Kaya wag kanang mag alala okay?"

Tumango ako.

Nag patuloy na siya sa pag lalagay ng mga damit niya sa kanyang maleta.

"Anong plano mo ngayon?" sumunod na tanong ko. Sinara niya nag zipper ng maleta niya at tsaka umupo sa tabi ko.

"Mag papakasal tayo. Pakakasalan kita, pumapayag ka ba?" parang naluluha ako sa kung gaano parin siya nakakangiti ng malaki matapos siya itakwil ng lolo niya at palayasin sa bahay nila. Tapos ngayon eto pa. Pakakasalan niya pa ako.

"Oh, bakit hindi ka makasagot? Mag papakasal ka ba sakin?" muli niyang tanong

Binigyan ko siya ng isang nag aalanganing ngiti. Hindi kasi ako sure kung ngingitian ko siya dahil sa sitwasyong ito para bang hindi ko kayang mag bigay ng isang ngiti. Pero para sa kanya, gagawin ko, pipilitin kong ngumiti kahit hindi ko na kaya.

"Oo naman. Gusto kitang pakasalan. Mahal kita eh, bubuo tayo ng pamilya diba? Palalakihin natin tong anak natin ng sabay."sagot ko sa naulit niyang tanong. Binalik niya naman ang nagaalanganing ngiti ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at tsaka hinalikan ito.

"Mahal na mahal kita Zirri. Kayo ng magiging anak natin."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong masakit din sa kanya ang gagawin niyang ito. Lumalabas na sinusuway niya ang lolo niya kahit hindi niya gustuhin ito pero nagawa niya pa rin para sa akin. Para sa magiging anak namin.

_________________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon