Chapter 14

272 12 2
                                    

Jessi's POV

Pumunta ako dito sa gym ni kuya Gelo para kumunsulta sa kanya na maging gym instructor ko. Tinanong ko kasi ang caretaker sa kanya kung nasaan si kuya Gelo, sabi niya nasa training room daw siya at may mga tinuturuang mga babae kaya nag punta na lang ako dito, para i-explore ang sarili ko.

Pansamantala na muna akong pumunta sa room kung nasaan ang mga gym equipments.Meron kasi dito yung room na for training lang, for zumba/taebo/Aerobix, and for gym equipments lang.

Kumuha ako ng dalawang dumbells. Nakakatatlong buhat palang ako, kumikirot na ng ang mga muscle ko sa braso ko. joke lang, wala pala akong ganu'n kasi taba ang meron sa braso ko.

Muntikan ko nang maibagsak sa paa ko ang dumbell nang mag tangka pa akong buhatin ito ng isang beses. Buti nalang may nakacatch nito. Hulog ka ng langit kung sino ka mang anghel ka.

"Use weights, not this. Gusto mo bang tumigas 'yang katawan mo ng parang lalaki?"tumingala ako mula sa dumbell na muntikan na mahulog sa paa ko.

"Sorry kuya Gelo."paumanhin ko.

"It's okay. Buti nalang hindi nabagsakan 'yang paa mo."nag aalalang sabi niya habang sinusuri ang binti at paa ko.

"Thank you. Palagi mo na lang akong nililigtas."

"Wala iyun, proprotektahan kita lagi at hindi ko hahayaang masaktan ka."binalik niya sa akin ang matamis na ngiti.

"Uhm, kamusta na nga pala yung pasa mo?"pagiiba ko ng topic.

Nakakahiya kasi sa kanya dahil palagi siya nag sasabi ng matatamis na salita pero ako, hindi ko iyun masagot sa gusto niyang paraan. Hindi ko kayang ibalik ang mga salita niyang nakakataba ng puso sa kanya nang napipilitan lang ako. Masyadong espesyal sa akin si kuya Gelo para mag sinungaling ako sa kanya.

Hinawakan ko ang parte ng mukha niyang may pasa."Pasensya ka na kanina kay Cad ha. Nasaktan ka pa tuloy sa ginawa niya."

"You don't need to apologize. It's not your fault. Okay lang ako."tinapik niya pa ang kamay kong nakahawak sa pasa niya.

"Mabuti naman kung ganu'n. Sorry rin pala kung sinabi ko kay Cad na tayo na. Na boyfriend na kita."nakayuko pa akong nag sasalita.

Hiyang hiya ako sa kanya. Ang kapal ko kanina, hindi ko sinasadyang mailabas iyun ng bibig ko. Basta basta nalang lumabas kaya wala na akong nagawa. Pinanindigan ko na lang. Tsaka mapagmukha ko man lang si Cad na tanga, kahit sa maliit na bagay na ginawa kong iyun.

"I don't really mind at all. Okay nga 'yun, para hindi ka na niya abalahin at para makalimutan mo na siya, right?" Tumango ako."Anyway, what brings you here?"

"May gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano 'yun?"

Huminga muna ako nang malalim."Gusto ko sanang mag patrain sa'yo kasi gusto kong magpapayat."

Napatayo siya ng di-oras sa sinabi ko sa gulat."Wait, what? Are you serious?"

Tumango ako. Siguro hindi rin siya makapaniwala na nakapagdesisyon ako ng ganito. Ang alam niya kasi matagal ba akong nawalan ng pag asa sa pagpapapayat dahil ilang beses na akong dati, pero wala naman nangyayari.

"Kuya Gelo, mag hihiganti ako. Mag hihiganti ako sa mga barkada ko."seryosong tugon ko.

Mas lalong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko."Why do you need to? I mean, you do--"

"Kuya Gelo nakapagdesisyon na ako."mariin na pamumutol ko."Tama si ate. Palagi nalang akong nanahimik kaya palagi rin akong inaabuso. Panahon naman na para gumalaw ngayon."

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon