Chapter 5

278 14 0
                                    

Jessi's POV

Pagkagising na pagkagising ko sa kwarto ko, nabadtrip agad ako ng maalala ko nanaman ang bangungot na paulit ulit kong naiisip kagabi. Anong oras nanga akong nakatulog ng dahil dun. Kung hindi ako nagkakamali, sa tingin ko nakatulog na ako ng 5:30 ng madaling araw.

Isa pang dahilan ng pagkagising ko, ay ang paulit ulit na pag tunog ng phone ko. Sino kaya ang istorbo na tumatawag? Sana naman wag siya.

Pagkabukas ko ng phone ko. Gulat ako ng makita kong napaka raming missed calls sa akin ng adviser ko.

17 missed calls from: Ms. Aiya

New message from: Ms. Aiya

Jessi mag kita tayo sa coffee shop na malapit sa university. Ngayon na.

New message from: Boss ♡

Good morning boss ko. Mahal kita. Aasa parin ako na mapatawad mo ako kahit hindi pa ngayon, basta mag hihintay ako boss ko. Mahal na mahal kita. :*

Hindi ko nalang pinansin ang napaka-plastic na text na yun mula sa kanya. Binura ko nanga lang ang number niya sa phone ko ng hindi siya sumagi sa isipan ko kahit saglit man lang.

Ngayon ko lang din napansin na wala si ate Zirri sa kwarto. Ibig sabihin hindi siya umuwi kagabi?

Lumabas na ako ng kwarto para itanong si tita. Pero bago yun, nag toothbrush na muna ako at nag hilamos. Nag lagay din ako ng foundation ni ate tsaka konting pampabuhay ng mata para hindi halatang mugto ang mga mata ko pagka tinanong ko si tita.

Naabutan ko siyang katatapos lang kunin ang mga maruming damit sa kwarto nila ni uncle Ben.

"Good morning tita."bati ko sa kanya."Hindi po umuwi si ate Zirri kagabi?"tanong ko

"Hindi nga e. Siguro nakitulog na yun sa kaklase niya."sabi niya."Mga ala una na daw kasi silang natapos kagabi e."

"Ah ganun po ba?"nag tungo na ako sa kubeta."Aalis na po pala ako tita. Magkikita po kami ng adviser ko."pamamaalam ko

"O'sige. Mag iingat ka."bilin niya kaya tuluyan ko ng isinara ang pintuan at naligo na ako ng mabilis para makipagkita na sa adviser ko sa coffee shop.

~

Ang tagal naman ni ms. Aiya. Ewan ko ba dun eh, namamaga panga tong mata ko, tas eto pa pinaghihintay niya pa ko. Buti nga ineffort-an ko pang mag lagay ng make up para hindi man lang halata e. 30 minutes na kaya akong nandito. Gusto ko pangang matulog kaso ang aga lang naman kasing tumawag nitong adviser ko sa akin kaya ayun, sirang sira nanga yung araw at gabi ko kahapon, pati naman ba tong umaga ko masisira pa dahil inaantok pa ako? Grabe. Ang swerte ko talaga kahit kailan. Ano pa kaya ang susunod na mangyayari?

And finally, pagkahaba haba ng pag hihintay ko, singhaba ng pag aantay ko sa true love ko, joke lang. Dahil wala naman na akong darating na true love, eto na ang magaling kong adviser na kararating lang dito sa coffee shop na pinag-usapan namin.

"Good morning ma'am."bati ko sa adviser ko. Hindi ko na pinahalatang inip na inip ako kahihintay sa kanya. Mabait parin ako kahit na trinaydor ako.

"Good morning Jessi. Pasensya kana nalate ako."paumanhin niya habang palinga linga pa sa coffee shop na para bang ngayon lang siya nakapasok sa coffee shop.

"Ayos lang po ma'am. Bakit niyo po ba ako pinapunta dito bigla?"tanong ko sakanya."Mukhang may importante po yata kayong sasabihin sa akin ma'am?"

"May good news kasi ako sayo. Naku, tiyak na matutuwa ka dito."excited na siyang umupo sa harap ko.

"Ano naman po yun?"

Inayos niya na muna ang upo niya. Tuwang tuwa talaga tong si ma'am, mukha ngang ngayon lang nakapasok sa isang coffee shop. Pati yung upuan kasi trip na trip niya e. Ewan ko kung nalalambutan siya or ewan."Naalala mo ba yung minor test niyo nung isang araw?"

Tumango ako agad."Yung sabi sa chemistry lang po pero all subjects naman. Ano pong meron dun?"

"Hindi talaga yun minor"sambit niya."Major test yun para sa lahat ng graduating. Sinabi lang na minor, para hindi na mag review ang marami sainyo."paliwanag pa niya.

"Oh tapos po? Ano pong connect?"uminom na muna ako sa kapeng inorder ko kanina pa na akala ko mag papagising sa dugo ko pero hindi naman pala."Yun nanga po maraming reklamo ng marami. Sabi minor lang pero sobrang hirap sa iba. Para saan po ba talaga yun?"

"Logic mastery test yun na inoffer ng isang malaki at sikat na University. At alam mo ba, ikaw lang ang naka-perfect ng 1-350 items among all the ten 4th year sections."pagkwekwento niya. Tapos ako steady lang dahil hindi naman na bago yun sa akin na makaperfect ako kaya tunganga lang ako at hindi nabigla sa tuwang tuwang pagkakasabi niya."Jessi, gusto kang kunin ng university na yun after mong mag graduate ng highschool dito sa SCU, 100 % scholarship mo. Sila lahat may sagot, bag, shoes, allowance, condominium na titirahan mo sa Manila, pagkain. Lahat lahat. All you need to do, is to train at the University for 1 month."

Bigla akong nabuhayan sa narinig ko binalita ng adviser ko."Po? Totoo po ba yan? Pero bakit kailangan ko pong mag training?"halos maidura ko sa kanya ang iniinom kong kape ng marinig ko ang mga sinabi niya.

"Oo Jessi. Totoo lahat yun."tugon niya. "Mag tretrain ka sa University na yun dahil may gustong salihan na National Academic Competition yun at ikaw ang gusto nilang isabak dun."

Ang gandang opportunity nitong binalita sa akin ng adviser ko. Ito na ba ang kapalit ng ipinaranas sa akin ni Lord na kalungkutan kagabi? Kung ganun, ang bilis bilis naman. Alam kong magiging proud nanaman sa akin sila auntie Marieta pagka ibinalita ko sa kanila ito.

"Naku, tiyak na matutuwa sila auntie at ate niyan."tuwang tuwang busisi ko."Eh kailan po ba ang start ko mag training sa University na yun?"

"Sa Monday na daw. Next week na."sabi niya. Nakiinom pa talaga siya sa kape kong inorder ko. Pansin ko lang kanina niya pa tinitimtiman ito ng pasimple. Sinasamantala niya pag ang mga pagkakataong nag hahatid siya ng magandang balita sa akin. Pero hayaan nalang. Natuwa naman ako sa ibinalita niya e."Sobrang swerte mo Jessi. Sa lahat ng estudyante sa lahat ng 4th year sections, ikaw lang ang nakaperfect at ang mapalad na nakuha ng malaking university na yun. Ang mga kacompetensya mo pa sa kaklase mo, natalo mong lahat."

Napangiti ako sa sarili ko sa achievement na nakuha ko, plus. Sobrang proud pa yung adviser ko sa akin. Ang swerte ko nga talaga. Ito ang swerte ko. Yung katalinuhan na ipinagkaloob sa akin."Hindi ko nga rin po akalain eh."

"Kaya nga, tiyak na maiinggit nanaman sayo mga kacompetensya mo. Oh siya, pupuntahan ko na muna yung University na gustong kumuha sayo."paalam niya tsaka na siya tumayo."Kaya nga maaga kitang kinontact eh para maaga na rin akong makapunta dun."

"Ah ganun po ba. Sige thank you po ma'am."yumakap pa siya sa akin at damang dama ko talaga na super proud siya sa akin."Congrats talaga Jessi, ang galing galing mo talaga."papuri pa niya.

"Thank you po ma'am."sabi ko."Bye, ingat po kayo."paalam ko sa adviser ko tsaka na siya umalis ng coffee shop.

____________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon