Jessi's POV
Hayy. Parang ayoko pang umuwi, gusto ko pa siyang makasama, sana nga di na kami mag hiwalay eh.
"Sigurado ka, wala ka ng gustong puntahan?"nakingiti niya tanong sakin habang hawak ang dalawang kamay ko at swinesway-sway pa ito.
"Wala na akong maisip eh, pero gusto pa kitang makasama."umupo kaming dalawa dito sa wood bench ng bahay malapit sa garden. Paborito talaga namin ang kahit saan na bench noh? Haha. Palibhasa dito nag simula ang lahat ng kalandian namin nitong gwapong to.
"Ako rin naman eh, ayoko nangang umalis sa tabi mo. Gusto palagi na kitang kasama boss."omgee alam ko naman dati lagi niya akong sinasabihan ng mga ganito, pero iba kasi ang feeling yung alam mo yung boyfriend mo na siya. Tapos tinawag niya na ako ulit na boss.
"Oh, ba't naman napapangiti ang girlfriend kong maganda?"nagtataka at natatawang tanong niya tsaka sinusuri pa ang mukha ko na namumula na ng sobra.
Umiling ako ng parang bata."Kinikilig kasi ako eh. Ikaw naman kasi boss eh."hinawakan ko pa yung mukha ko ng magkabilaan tsaka umiling iling pa.
"Hahaha. Talaga? Ako rin naman boss eh. Kanina pa kaya."nahihiyang pag amin niya
"Weh? Paano ba kiligin ang lalaki?"natatawang pag suri ko. Oo nga noh, paano nga ba?
"Ngingiti lang yung abot hanggang tenga. Ngayon nga lang ako nagkaganito eh, sayo lang ako nagkaganito."hindi na siya makatingin sa akin. Pero nakapagtataka lang na ngayon lang siya kikiligin, eh hindi naman ako ang first girlfriend niya eh.
"Bakit naman ngayon lang? At bakit sakin lang?"sunod sunod na tanong ko."Hindi mo ba naramdaman kay Camille yan?"naging awkward ang sitwasyon nung binanggit ko si Camille. Marahil ayaw niya siguro itong pag usapan dahil parang hindi siya makasagot.
"Hindi ko naman kailanman naramdaman kay Camille ang kilig. Naging masaya lang ako nung naging kami, ewan ko kung bakit."awkward na pagkwento niya. Tumango nalang ako sa kwento niya. Nung napansin niyang natahimik kaming dalawa, bigla siyang nag salita.
"Ang sarap pala ng bitamax noh?"
Bitamax ang nais? Bisaya ka man dodong? Hahaha. Napatawa nalang ako ng malakas sa kanya.
Pinisil ko yung mukha niya."Aray, ano nakakatawa dun sa sinabi ko?"nag tataka niyang tanong
"Ang cute cute talaga ng boyfriend ko."
Napahawak nalang siya sa pinisil kong mukha niya. "Bakit ba?"
"Natatawa ako sayo, bEtamax kasi, hindi bItamax. Hahahahahha."patuloy lang ako sa pag tawa hanggang sa napahawak hawak na siya sa tiyan ko. Napangiwi nalang ako sa kabawilan ko.
"Ahy, betamax pala. Hahahaha."sinabayan niya na ako tumawa.
"Nasarapan nga rin dun si kuya Gelo eh. Nung dinala ko siya dun, ang dami niyang nakain. Tapos si manong burger pinagkamalan pa kaming mag syota. Hahaha."parang di niya lang ako pinapakinggan dun sa kwento ko. Biglang nag iba yung mood niya ng marinig niya yung pangalan ni kuya Gelo.
"Dinala mo na pala siya dun."hindi na siya nakatingin sakin ngayon.
"Oo. Yun yung pagod pa kami sa training para sa competition eh. Kaya naisipan kong dalhin siya dun at ilibre siya."masayang kwento ko
"Ah. Okay po."ayun lang ang tanging cold na salitang lumabas galing sa kanya. Bukod dun wala na siya sinabi pa.
"Uy, boss."
"Hmm?"
"Ito naman nag tatampo pa eh."inakbayan ko nanga. Kelerki seloso ever to. Di parin ako kinikibo."Boss naman eh, wag kana mag selos. Ito naman oh. Alam mo naman ikaw lang ang mahal ko eh."
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.