_______________________________________
Inaayusan na ako ngayon dahil mamayang konti lang, ay prom na namin.
Perfect timing lang ito. Ito ang pagbabalik ko kung saan makikita kong muli lahat ng trumaydor sa akin. Ito na ang panahon. Kung kailan makikita nila ang bagong ako. Ang bagong Jessi na taas noong haharap sa kanilang lahat ng walang kahit anong kaba o pagkaduwag sa loob.
"Ms. Jessi, look up. Let me put on some eye liner underneath your eyes." and so I did.
Actually, kanina pa ako hiyang hiya dito sa mga tao dahil ilan silang nag a-assist sa akin. 'Yung tipong ganu'n sa mga nakikita ko sa tv para sa new look ng bida? Ganern na ganern ang peg ko ngayon sa totoo lang.
Ang sosyal naman kasi ng mga nag memake-up sa akin, ang bongga talaga nitong ni-recommend ni Mrs. Novales, pang rich kid. Sobrang mahal siguro binayad niya dito, sagot niya tong pag aayos ko eh, tapos yung gown ko pang sobrang pang-rich kid din. Kulang pa daw kasi ang lahat ng ito sa kahusayan na ginawa ko. Ayaw ko na sanang tanggapin pa pero nag insist siya, at ayoko naman tanggihan ang grasya. Ang mahal kaya ng tela ng gown, chos lang. Pero ang mahal din mag renta at magpa-make up. So ayun, tinalikuran ko na lang pagiging humble ko. Hahaha. Minsanan lang to 'no. Tatanggi pa ba ako?
Nakalipas ang isa't kalahating oras bago matapos ang make-over eks eks. Ang bongga talaga ng mga hair and make-up artist na ito, ang dami kasing chuchu na nilagay sa mukha ko eh. Wala nga akong idea kung ano ang itsura ko ngayon.
Kinuha na rin ng isang bakla ang gown na pina-deliver ni Mrs. Novales dito sa salon. Ermegherd. Ang ganda ganda ko at ang sexy sexy ko dito sa suot ko. 'Yung totoo? Para akong artista? Oo. Tama. Haha. Wait, medyo feeler na ba?
Okay, mamaya ko na pupurihin ang sarili ko dahil late na ako sa prom. Nasa labas na rin si kuya Gelo kaya lumabas na ako.
Napanganga naman si kuya Gelo nang makita niya kung gaano ako ka-dyosa sa itsura ko.
"Hey, how do I look?" I snapped.
Napailing na lang siya at natawa sa sariling reaksyon niya. "You look so stunning."
Napangiti ng mapang-asar ang mga baklang taga ayos ko, at syempre ako rin. Hihi.
Hindi ko rin mapigilan ang mapanganga kay kuya Gelo na napaka-yaman at artistahin ang dating sa mamahaling amerikano niya with white neck tie. Shet. Ang gwapo gwapo talaga. Ang swerte ko naman sa escort ko, gentleman na nga, super gwapo pa.
Nakakahiyang tumingin sa kanya. Napa-sosyalan pout nalang ako na natatawa. Nakakahiya naman kasi dahil todo titig siya sa akin from head to toe. Masyado yatang naaninag sa kasexyhan at kadyosahan ko.
Okay. Pagpasensyahan niyo na, minsan lang akong mag filing. Promis mga readers, pagbigyan niyo na ang maganda at pumayat na si ako, this chapter lang talaga.
"Hey, chin up, don't be shy. Sayang naman yang ganda mo." siya na mismo nag angat sa baba ko. Tapos kinilig naman ang mga echuserang bakla na nag ayos sa akin.
"Eh kasi, nakakapanibago at naiilang ako dito sa suot ko. First time ko kasi mag suot ng ganito eh, alam mo na." naiilang na dahilan ko.
"Well, dapat ngayon masanay kana. Since you have that curves and edges to be showed-off." he winked.
"Ma'am sir, pwede pong picturan ko kayo,Sobrang ganda at gwapo niyo po kasi eh."sabi ng isang bakla tapos nag tinginan nalang kami ni kuya Gelo at nag papicture sa kanila.
Pinakita niya sa amin ang magandang kuha ng litratong kinunan niya.
"Bagay na bagay po kayong dalawa. Ano nga po uli ang pangalan niyo?"
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.