Chapter 29

264 9 6
                                    

Jessi's POV

Kakarating lang namin ni kuya Gelo dito sa beach resort na inupahan namin kahapon. Medyo nalate na nga kami. Eh kasi naman si ate Zirri namilit pang ipasuot yung two piece na binili niya. Kaya ayun, nag wagi siya sa pamimilit sa'kin.

Nakakaloka nga siya eh. Buti pa nga daw ako makakapagsuot pa daw ng ganu'n. Dahil daw sexy na ako habang siya naman ay tumataba. Pansin ko nga, parang lumalaki 'yung tiyan niya eh. Parang buntis na butiki. Hahaha.

Anyway, kaya pala kami nandito, dahil naisipan ng mga ka-section ko na magpa-pool party daw ang panalong panalong si ako. Tutal e Logic Competition champion daw ako, tapos nag prom queen pa daw ako nung prom night namin na unexpected naman talaga. E malay ko bang mananalo ako diba. Wala kaya talaga akong idea nu'n.

So ayun, pagkarating ko sa nipa hut na inupahan ko, ang dami na nila dito. Ako na lang pala ang inaantay dito. Buong 4th year chromium section andito na to be exact.

"Sorry, am I too late?" binaba ko ang travelling bag na dala kong nag lalaman ng towel at shampoo ek eks ko. Mga pamalit ko lang naman mamaya.

Sinagot naman nila ako kaagad. 'Yung mga iba naman, alarmang alarma sa pag dating ko, todo puri pa nga ang lahat na ang sexy sexy ko daw, ang ganda daw ng suot ko. I know right na lang ang masasabi ko.

Napaismid na lang ako sa kanila. It's so rididculous to think na 'yung mga hindi ko naman ka-close dati at mga classmates kong nakakausap ko lang sa tuwing may kailangan sila, heto sila ngayon at tpdo ang puri sa akin. Kung makasalubong pa nga sa akin, akala mo may pinagsamahan kami dati e.

Sa totoo lang, hindi ako mapakali dito sa suot ko. Ang ikli ng shorts ko tsaka naka-crop top pa ako. Hindi naman ako sanay mag ganito dahil first time ko 'to.

"Tara bessy, swimming na tayo kasama ang barkada!" napaawang na lang ang bibig ko nang masiglang nag aya si Yerdi tsaka na lang ako hinila kasama ng barkada, ex barkada pala.

Ang lakas din naman ng mga loob ng mga to para ayain ako? Ano kami close? Tae nilang lahat noh. Matapos ang katraydoran nilang mga walang hiya sila. "Bessy, saang feet mo gustong pumunta?"

"Sorry?" naningkit ang mga mata ko sa inaakto niya. She's acting so naive and she's really enjoying it. "Call me Jessi, nasa public kasi tayo eh. Nakakahiyang matawag ng nakakasukang tawagan na 'yon."

Tunganga lang siya at mangiyakngiyak. Inakbayan naman siya ng dalawa ko pang traydor na ex girlfriends.

"Jessi, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad?" usisa ni Yassi.

"Jessi, hayaan mo na muna kasi kaming mag explain kasi hindi--"

"Sana nga ganu'n kadali 'di ba?" pamumutol ko kay Elaine. "Pero hindi e, kasi mahirap gawin 'yun lalo na pag hindi na ikaw 'yung taong uto-utong inaakala ng lahat."

"Bessy mag usap naman tayo."

"Pwede ba Yerdi, wag mo akong dramahan? Wala kasi akong panahon jan sa mga drama mo eh."

Ngayon at natuloy na ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan sa sinabi kong iyon.
Duh, ayokong makipagdramahan sa kanya noh. Ang galing nung line ko 'di ba? Saktong sakto kung paano niya sinabi 'yan sa'kin dati nung aalis na ako sa dorm.

"Ano Yerdi? Anong feeling? Masakit diba? Naalala mo pa ba, ganyan na ganyan din 'yung sinabi mo sa'kin nung aalis na ako ng dorm?"

"Bessy, patawarin mo na ako. Akala ko ba mag bessy tayo? Dapat lagi tayo mag kasama at hindi nag hihiwalay?"

Napatawa ako ng sarkastiko. "Well, sorry. Pano ba yan, hindi na tayo bagay? Hindi na kasi ako baboy kaya hindi na tayo magmumukhang barbeque pag nag sama tayo."

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon