Chapter 20

267 11 0
                                    

Jessi's POV

Pagkatapos ng mga nangyaring nitong mga nakaraang araw, heto at dumating na ang araw ng competition na pinaghandaan naming dalawa ni kuya Gelo.

Nag good luck muna silang lahat sa akin. Sila ate, tita, tito Ben. At hanggang ngayon natutuwa at natatawa pa rin ako sa principal, highschool coordinator, at adviser na hindi parin makapaniwala sa kasexyhan/kapayatan ko ngayon. Eh kasi naman, nakakashock naman talaga ang pinayat ko, ilang kilos ba naman ang pinayat ko.

Nag simula na kami sa test namin. 590 items lahat. Shet. Wooh! Kaya ko kaya to?

Habang nag sasagot ako hindi ko maiwasan kabahan, pero gayun pa man, inalala ko na lang ang mga good luck messages ng mga taong nag mamahal sa akin para wag na akong mag isip pa ng kung ano. Effective naman ito kaya nabawasan ang pamamawis ko sa noo ko ng malamig.

Bago ko sagutan ang number 1, tumingin muna ako sa lalaking hindi nang iwan sakin kahit na kailan. Kay kuya Gelo.

"Go ading. Kaya mo yan."he mouthed tsaka siya nag smile siya with approved thumbs. Lakas maka-goodvibes ng ngiti niya, in fairness. Nginitian ko na lang siya bago ako sumagot.

Tsaka ko lang napansin na sampo mahigit pala ang mga university na mag lalaban laban. Ang dami pala namin. Out of all these students may pag-asa pa kaya ako? I'm sure na mas marami pang higit na matalino sa akin dito pero I still need to hope for best. Gusto kong kayanin to para sa pamilya ko, para kay kuya Gelo na walang sawang sumuporta at tumulong sa akin.

Pagkatapos ng mahigit isang oras, tumunog ang signal ring ng dalawang beses which means kailangan na namin itaas ang ballpen namin. Tinaas ko agad ang akin dahil ayokong ma-disqualify ako.

"Everybody, pens up. Up now. Stop answering." marami ang hindi pa nakasagot ng lahat ng iyon. May mga na-disqualified din dahil hindi pa nila nagawang itaas ang mga pen nila dahil nga hindi pa sila tapos.

Napahinga ako ng maluwag. Thank God. Natapos ko ng madali 'yung akin. Nasagutan ko ang lahat ng items. Lumabas din ang ilan sa mga possible questions na binibigay ni kuya Gelo. Ang galing nga niya e. Akalain mo 'yun, question spotter, hahaha. Idol.

Natapos na rin kami, sa wakas. Shet. Madugo ah. Ang hirap, pero keri naman, tinandaan ko naman lahat yung tinuro ni kuya Gelo.

Mga isang oras lang binilang ng machine ang scores namin.

Eto na, announcement of winner na.

Kinakabahan ako. Takte. Sana naman manalo kami at worth it lahat ng pinaghirapan naming dalawa ni kuya Gelo.

Nakayuko ako habang nakapikit ang mga mata ko. Taimtim akong nag dadasal na sana ang University namin ang manalo.

"And the University who got the highest score of the National Academic Test, is the Saint Callhoun University!! Congratiulations to the University representative, Jessica Laine Rigell! A big round warm of applause!"

Omg. Totoo ba tong naririnig ko ngayon? O my gulay gully gosh! Panalo ako!

Nag standing ovation naman ang mga kasama kong sila kuya Gelo,ate, principal, etc. Todo palakpak silang lahat.

Pumunta na ako sa harap para tanggapin ang trophy. Kinongratiulate na muna ako ng marami, tsaka ako pumunta kila ate na proud na proud silang lahat sa akin kaya ang saya saya ko talaga ngayon.

"Jessi! Congratiulations! Ang galing mo!" sabi sa akin ng adviser ko na abot hanggang tenga ang ngiti pareho ko tsaka ako niyakap.

Niyakap din ako ni Mrs. Novales, yung principal namin, omg. This is so awkward. First time kong mayayakap itong sosyal na 'to.

"Jessi we are very honored to have you. We're so proud of you." dagdag naman ni Mrs. Novales, ang principal namin.

Pumunta na rin ako kila tita, ate at uncle tsaka kinongratiulate din nila at nag group hug kami.

"Yey! Ang galing galing talaga ng kapatid ko! Wohooo!!" nag high five pa sa akin si Ate Zirri. "Payakap nga!"

"Syempre, mana yan sa katalinuhan ng kanyang titamg maganda." nag salita si tita na tuwang tuwa rin sa akin.

"Anong sayo? Sakin nag mana yan noh. Sa katalinuhan ng uncle niya." pangongontra ni uncle Ben.

Tinawanan ko na lang sila ng tinawanan at tsaka nag pasalamat. Hindi ko rin naman magagawa 'to kung wala ang buong suporta nila eh. Blessed lang talaga ako dahil meron akong pamilyang tulad nila.

"Hay nako. Wag na nga po kayong mag talo jan. Hahahahahaha. Sandali lang po ha." paalam ko. Tinanguan nila ako.

Hinanap ng paningin ko si kuya Gelo, nasa likod ko na pala siya. Nang makaharap ko siya, niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Omg kuya, ang galing natin. Nanalo tayo!" masayang masaya kong pag aanunsyo.

Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik ng mahigpit, umangat pa nga ako lupa dahil sa higpit nito.

"Congratulations ading. Ikaw ang magaling. Sinabi ko naman sayo kaya mo yan eh."

"Hindi ko naman magagawa ko kundi dahil sayo eh." pagsasabi ko ng totoo sa kanya.

Actually sa lahat ng mga nangyayaring achievement ko, siya dapat talaga ang pinasasalamatan sa laki ng tulong na ginagawa niya.

Napailing siya't napangiti. "Masikap ka rin naman kaya kinaya mo. Pareho tayong nag tulungan at nag porsige."

"Thank you talaga kuya ha." pag-uulit ko. Wala na kasi akong kayang sabihing salita sa kanya kundi thank you lang, kaya as much as possible, I'll say it again and again because I mean it and he deserves all of it.

"Para naman saan?" nagtatakang tanong niya.

"Sa lahat. Sa lahat ng ginawa mo. Alam mo kuya, ang maging trainer ko sa lahat everyday, alam kong hindi madali yun. Napakahirap kung iisipin ko pa lang. Pero sayo, kung titignan kita, parang no challenge at all. Parang hindi ka nahihirapan sa akin. Hindi ka ba napapagod?"

He just shook his head and laugh at me.

"Kuya? Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko or nacocornihan ka?" napanguso tuloy ako. Ang corny ko yata.

"No. Ading, itong tatandaan mo, hinding hindi ako mapapagod alagaan, alalayan, at tulungan ka. Kahit na kailan hindi ako magsasawa at mapapagod sayo."

Napangiti na lang ako ng malapad sa sinabi niya. Sobrang buti niyang tao. Sana simula pa lang, siya nalang minahal ko. 'Yun nga lang, hindi ko naman kayang diktahan ang puso kong tanga.

"Mahal mo talaga ako noh kuya?"

"Sobra sobra. Higit pa sa buhay ko ading. Higit pa sa isang kapatid." napangiti siya ng mapakla. "Pero syempre, kailangan kong tanggapin na, Adingzoned lang ako sayo."

Nakakaguilty, eto nanga ba sinasabi ko eh. Mauuso talaga ang Adingzoned. Well, hooray sa mga na-kuyazoned dahil hindi na sikat ang KuyaZoned. Hahahaha.

"Sorry." paumanhin ko.

"It's okay ading." he tapped me on my shoulder. "By the way, kahit hindi ka na daw pala pumunta ng promenade niyo. Kasi, sabi ni Mrs. Novales, you deserve to take some rest." pag iiba niya ng topic.

"Naku, okay lang naman ako eh. Hindi naman ako masyadong pagod." paninigurado ko.

"Kahit na. And for your information, bukas na pala yung prom. Mrs. Novales asked me to come, yun nga lang wala akong partner."

"Gusto mo, tayo na lang ang mag partner?" suhestyon ko.

Nanlaki ang mata niya. "Wait, pupunta ka?"

"Oo naman. Sasamahan kita. Ayaw mo ba?"

"No. Ofcourse I'd love to go with you."

Bumalik na kaming dalawa ni kuya Gelo sa gawi nila tita at ng principal pagkatapos namin mapag-usapan ang tungkol sa prom.Todo pasalamat pa nga ako sa kanya eh kaya naririndi na siya. Hahaha. Hindi ko lang kasi maiwasan eh, ang sarap niya kasing pasalamatan ng wagas.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon