Chapter 1

476 13 0
                                    

Cad's POV

Tandang tanda ko pa yung mga happy moments naming dalawa ni Jessi. Tandang tanda ko kung paano kami nagkasundo.

Pero nakakapanghinayang lang isipin na ang lahat ng yon mawawala na lang isang iglap. Lahat ng pinagsamahan namin, wala na ng dahil sa kagaguhan ko. Nang dahil sa kalokohan ko. I was so stupid enough to believe na hindi malalaman ni Jessi kailanman ang tungkol sa car deal namin ni Burn. Now I believe in the saying na walang sekretong hindi mabubunyag kahit na ano pang gawin mong pag tatago dito.

Ang masaklap pa. Malalaman at malalaman ito ng taong mahal mo. Kahit na hindi mo pa sadyain, gagawa't gagawa ng paraan ang pagkakataon mabisto ka.

Pero ang mali ko, hindi ko na dapat ginawa yun. I wanted to end the deal but it was too late. I'm too late to end it because she already knew it all. Nasaktan ko siya. Nasaktan ko yung babaeng hindi ko sadyang ginamit para sa isang sasakyan at para makalimutan ang ex fiancé ko.

Alam na ni Jessi. Alam na ni Jessi ang lahat. I'm sure sa nalaman niyang ginawa ko, hindi niya na ako mapapatawad kahit kailan sa kagaguhan na ginawa ko sa kanya.

"Cad wag mo ng sundan. Ayaw ni Jessi ng ganun. Galit pa yun."pagpipigil ni Yassi sakin nung sana susundan ko si Jessi. Gusto ko pa sanang mag explain sa kanya tungkol sa pustahan namin ni Burn sa sasakyan niya. Dahil may mga namiss interpret siya sa mga narinig niyang usapan namin ni Burn.

"Cad ano ba yung ginawa niyo kay bessy? Burn! Mag sabi nga kayo ng totoo!"sigaw ni Yerdi sa aming dalawa. Pero hindi lang kami masagot. Lalo na ako, natutulala lang ako. I can't believe what just happen. I just lost Jessi.

"Ma, sorry. Katuwaan lang naman namin yun eh."Burn explained."Gusto ko lang tulungan si Cad. Hindi naman namin akalain na aabot sa ganito eh."

Naiyak na rin si Yerdi habang tinataboy niya si Burn dahil pilit niya itong sinusuyo."Ano ba naman yan Burn! Bakit naman ginawa niyo yun kay Jessi?"bumuntong hininga siya sa pag iyak niya."Hindi niyo man lang ba naisip yung mararamdaman niya! Ano ba naman kayong dalawa!"

"Sorry na ma."yumayakap si Burn kay Yerdi pero nag pupumiglas parin ito at galit na galit siya sa ginawa namin kay Jessi."Pakiusapan nalang natin si Jessi, pero wag muna ngayon ma."

"Burn hindi niyo na dapat ginawa yun kay bessy eh. Ngayon, pati sakin galit siya dahil akala niya alam ko yung deal niyo."patuloy lang sa pag comfort si Elaine at Yassi sa kanya."Na-miss interpret niya yung nga narinig niya. Akala niya may kinalaman din ako jan at lahat pa tayong barkada akala niya pinagkaisahan siya.Oh ngayon umalis na sila sa dorm, pano ko pa siya kakausapin?"

Kahit anong suyo ni Burn sa kanya, hindi parin niya ito mapaamo. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung galit na galit din siya sa amin ni Burn ngayon dahil walang kapatawaran naman talaga ang ginawa namin sa bestfriend niyang si Jessi.

"Do you know her address?"I asked.

Umiling siya."Hindi niya panga nasabi sakin kanina dahil nag mamadali ako eh."natahimik lang kaming lahat dun at inisip kung ano pa ba ang susunod namin na gagawin. I don't know how will I persuade Jessi either. Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap at kung pakikinggan niya ba yung mga explanation ko.

"You know what guys, just chill okay. Chill lang muna."Bricks interrupted.

"Alam niyo, pabayaan niyo na muna si Jessi, mag papalamig lang yun."dagdag ni Johanne."Siguradong mapapatawad din kayo nun."he assured.

"Oo nga. Mabuti panga."

"Alam niyo iba si bessy kanina eh. Ngayon ko lang siya nakita ng ganun. Nasaktan yun ng sobra sigurado! Burn ayusin niyo to!"sigaw ni Yerdi sa amin at tsaka siya nag walk out. Sumunod naman sa kanya si Yassi and si Elaine.

"Ah, dude, samahan muna namin sila ni Johanne ah."paalam nila Brick sa amin ni Burn tsaka nila sinundan ang mga girls.

"Dude, I'm sorry. Akong may kasalanan talaga nito eh."Burn apologized, looking so guilty about what happened.

I shook my head."May kasalanan rin naman ako dude eh. Pero ano na bang kailangan kong gawin ngayon?"I admitted. Totoo naman talaga na meron din akong kasalanan sa nangyari. But it's too late. Jessi knew it all.

"Dude alam mo, ang gawin mo, hayaan mo munang lumamig yung ulo ni Jessi sa ngayon kasi mainit pa ang ulo nun eh."he tapped my back to comfort me. Ni hindi ko nga alam kung mapapatawad niya pa ako sa nagawa ko sa kanya."Eh paano pag hindi niya na ako mapatawad?"

"Mapapatawad ka rin niyan. Kilala ko si Jessi, soft hearted yung taong yun."paninigurado niya."Kaya alam ko, mag papatawad yun."

"Hopefully sana nga mapatawad niya pa ako. What I did to her was unnacceptable."I sighed."I mean, It broke her heart."

Sana hindi nalang ako pumayag sa deal na inalok ni Burn kapalit ng sasakyan niya. Nasaktan ko yung babaeng minahal ko. I knew it would hurt her so bad. Pero anong ginawa ko, ginawa ko parin."Dude, chill ka muna ngayon okay? Dont worry, tutulungan kita makipagbati sa kanya."

"Dude, mali to."umiling pa ako. Litong lito na talaga ako."Mali tong nagawa natin kay Jessi. This is a big mistake."

"Wala eh, tapos na. Nangyari na. Alam na ni Jessi ang lahat. We can't do anything about it."pagpapaalala niya."So pano na yung deal?"

"Wala na. Let's just stop it. Ayoko ng saktan si Jessi, you won."supalpal ko sa kanya. Alam nanga ni Jessi ang lahat eh. Tapos ayun parin ang inisip niya. We were just silent in a moment, after we talked about Jessi. Hinintay nalang namin ang barkada.

Zirri's POV

Nakatunganga lang ako ngayon sa nagaganap na christmas ball. Grabe ay, ngayon ko lang naranasan to. Puros kalandian ang nangyayari dito eh. Hinihintay ko kasi si sir Garnette. Actually, ilang lalaki na ang nag aya sa akin para sumayaw, pero hindi ko sila pinapatulan. Napapahiya nanga ang iba sa kanila e.

Eto nanaman, may papalapit nanaman.

"Zirri, pwede ka ba maisayaw?"the same question over and over tonight. Paksht lang mga dre. Ang tagal naman kasi nung date ko lintik na yon.

"Sorry, may inaantay pa kasi ako e."triny ko naman sabihin yun in a polite way kaya mejj hindi naman na-offend si boy. So umalis nalang siya at nag patuloy ako sa pag hihintay kay sir Garnette. Ano pa nga ba. Napaka-VIP nun.

~

At finally, nakarating na siya after mag iisang oras na. Hayy nako, ang tagal niya pero ermegherd ang hot niya sa black polo niya with polkadots. Hihi.

"Hi, am I too late?"nag smile siya sa akin kaya tumayo na ako sa kanina pang pag upo ko.

"Okay lang po sir. Sakto lang dating niyo."pagsisinungaling ko. Actually sir, kanina pa po ako nag aantay. Pa-VIP Alam niyo ba yon? Inoffer niya ang kamay niya sa akin."Can I have this dance?"

"Sure sir."agad na tugon ko tsaka ko ipinatong ang palad ko sa palad niya. Shete. Kinakabahan ako. Ang lamig lamig ng kamay ko, para na akong nagiging bangkay dito. Sana naman hindi niya to mahalata.

"Mukhang Ninenerbyos ka yata?"patay malisya niyang tanong habang sumasayaw kami.

"Sir, hindi naman po."pagsisinungaling ko."First time ko lang po kasi umattend ng ganitong event."

"What?"gulat na gulat pa ang mukha niya sa pag amin ko. Totoo naman kasi. Ni hindi nga ako umattend ng higschool prom ko nung araw eh."So first dance mo'ko?"

Tumango ako."Really? Can I be your last dance too?"Hays. Landi talaga ni sir. Baka naman mamaya manyakin niyo ako dito ah. Hahaha joke lang. Assuming ko naman."Oo naman po sir. Basta ba ako lang po ang isasayaw niyo?"malanding busisi ko. Lol. Ganyan talaga. Landi landi pag may time.

"Ofcourse.Wala na akong gustong isayaw ngayong gabi kung hindi ikaw lang."

Akala ko ang pag aattend lang ng ganitong makalanding event ang first time ko, first time ko rin pala makipagtitigan ng ganito.

___________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon