Chapter 2

349 17 6
                                    

Jessi's POV

Gusto ko lang tumakbo sa pagkakataon na 'to. Yun' lang ang gusto kong gawin sa ngayon. Ang lumayo sa mga nakasakit sa akin.

Tama si ate Zirri. Ang sakit pala. Sobrang sakit pala talaga. Dapat nakinig nalang ako sa mga sinabi niya sa akin. Nakinig nalang sana ako sa mga pangaral niya kanina no'ng nag papaalam pa lamang ako kung pwede na akong mag paligaw. Ang laki kong uto-uto.

Bumalik na muna ako sa main venue ng event para tignan sila ate Zirri. Pero nakita kong nagaganap na graduation ball nila, kung saan nakita kong sinasayaw si ate Zirri nung boss niya na si sir Garnette yata.

Kanina pa tunog ng tunog yung phone ko pero hindi ko ito sinasagot. Alam ko naman ng si Cad yung tumatawag. Ayoko siyang kausapin pero sobrang nakukulitan na ako sa kanya.

*KRING!*

"Hello boss? Boss, mag usap tayong dalawa. Hindi mo naiintindihan. Jessi please listen to me, mahal na mahal kita. Jessi please kausapin mo ako."

"Cad, ayoko na. Tigilan mo na ako. Narinig ko ang lahat ng usapan niyo ni Burn so ano pang ipapaliwanag mo!"

"Jessi mag kita tayong dalawa. Boss ipapaliwanag ko ang lahat sayo. Lahat lahat, hindi ako mag sisinungaling. Pakinggan mo lang ako."

"Wag na Cad. Hindi na kailangan. Sapat na yung narinig ko kanina. Ayoko ng makinig sayo."

"Oo Jessi. Ipinusta kita para makuha yung sasakyan ni Burn pero--

Pinatayan ko na agad ng tawag si Cad. Ang sakit sakit pala, lalong lalo na pag sa kanya mismo nanggaling yung totoo. Ang sakit sakit malaman mula sa sarili niyang salita na pinagpustahan lang ako para lang sa isang sasakyan.

Ano pa ba ang gusto niyang sabihin at iparinig sa akin? Ang paulit ulit niyang mga katagang unti unting nag wawasak sa puso ko? Ang mga kataga niyang pinagpustahan lang ako para sa isang sasakyan at isang akong malaking panakip butas para maka-move on siya at mapunan ko ang puwang na iniwan ni Camille?

May part sa akin na wag ko parin patayin yung phone call kanina para mapakinggan ang side niya. Pero naisip kong magiging unfair ako sa sarili ko. Isa akong malaking tanga kung makikipag-usap pa ako sa kanya.

Tama ako. Tama lang na hindi ko na siya pakinggan. Sapat na sapat na yubg narininig ko kanina. Sobrang linaw parin sa akin ng lahat. Hindi ko maalis sa isipan ko ang narinig kong usapan ni Cad at ni Burn kanina.
At the fact na may kinalaman pa pala ang buong barkada sa car deal na yun, mas lalo akong nasaktan. Lalo pa nakisabwat pa si bessy sa kanila. Hindi ako makapaniwalang pumayag siya pag pustahan nalang ako ni Cad at ni Burn ng ganun ganun na lang. Hindi man lang nila naisip yung mararamdaman ko pag nalaman ko ang lahat. Yung pinaka girl bestfriend ko since birth, hinayaan akong masaktan para lang magkalove life ako. Hindi ko naman hinangad yun. Curious lang ako sa feeling, pero hindi ko hiningi na magka-lovelife sa isang iglap pero isang kalokohan lang naman pala ang lahat.

Ganun pala talaga kababa ang tingin sa akin ni bessy. Actually, silang lahat. Dahil hinayaan nila akong maniwala sa pekeng pagmamahal na pinapakita  sa akin ni Cad.

*KRING*

NEW CALL FROM:Tita Marieta

Pinatahan ko na muna sandali ang sarili ko pero hindi ko parin magawa, baka kasi makahalata si tita pag sinagot ko ang tawag na ito.

"Hello Jessi? Nasan kana ba? Kanina kapa namin hinahanap, nakuwi na kami ng uncle mo pero naiwan parin jan ang ate mo."

"Tita, sorry, na--nagutom po kasi ako eh. Nandito si ate Zirri sa ball, nagsasayaw pa siya eh."

"Eh ikaw? Umuwi kana. Wag mo na siyang antayin. Alas dose pa uuwi yun. Gabi na masyado. Asan ba ang nga barkada mo?"

"A----ano, ano pa kasi tita. Ka--kasama ko po si--sila ngayon pero uuwi na po ako."

"O'sige, mag ingat ka ha. Gabi na, gusto mo ba, ipasundo nalang kita sa uncle mo?"

"A--hindi na po tita. Kaya ko na po ito."

"Sige, bye."

*CALL ENDED*

Hay nako. Ito na yung pinaka worst na araw na nangyari sa buong buhay ko. Mas matindi pa tong sakit na nararamdaman ko kaysa nung unang beses na tinukso ako sa university ng baboy.

Kung kailan naman ako mag-oopen up kay ate Zirri, tas ganun pa. Ayoko naman na sirain ang moment niya dun dahil ang kwento niya sakin nanliligaw daw sa kanya yung boss niya. Makauwi nanga lang.

Nag hihintay nako ngayon ng taxi na pwede kong masakyan. Mga 30 mins. Bago ako makarating sa bago naming nilipatan eh.

"Hi miss, anong pangalan mo?" tanong ng isang lasing na lalaking lumapit sakin at ayaw pa akong paraanin sa daan. May edad na siya at mukha pang buddha na tutumba tumba habang hawak ang bote ng alak niya

"Ah, aalis na po ako. Paraanin niyo po ako."kinakabahang sabi ko sa kanya. Putakte talaga tong gabi na to. Wala na bang mangyayaring maganda. Mukhang kikidnappin pa yata ako ah. Correction nga pala. Wala nga palang magkakainterest na lalaki sa akin kahit kailan, pinagpustahan nga lang pala ako ng dahil sa isang sasakyan. Totoo nga talaga yung sinabi ko dati sa sarili ko. Na kahit kailan hinding hindi ako magugustuhan pabalik ng kahit sinong lalaking magustuhan ko dahil ganito lang ako.

"Hindi miss. Dito ka lang. Punta ka sa bahay ko."hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso ko kaya nagsitaasan lahat ng balahibo ko."May gagawin gagawin tayo."nangtritrip na sabi niya at natatawa pa. Ano ba yan. Natatakot na ako. Adik na'to, jusko lord. Tulungan niyo po ako.

*PAK!*

Nandilim ang paningin ko kaya nasampal ko siya ng malakas. Si Cad yata ang naging tingin ko dito kaya ganun ang ginawa ko. Jusko ano ba to, Yung manlolokong yun nanaman ang sumagi sa isip ko. Hayop na to.

"Aray!"napahawak siya sa mukha niya sa lakas ng sampal ko."Kung makatanggi ka naman, parang ang sexy sexy mo ah, eh ang baboy mo naman!"

"Ba't mo pa'ko papatulan kung nabababuyan ka sakin!"bulyaw ko sa kanya."Eh ang laki mo naman palang tanga eh!"

Humalakhak siya ng malakas kahig na wala naman nakakatawa sa sinabi ko. Marahil ay dala ito ng sobrang kalasingan niya."Pero kung sabagay, may konting ganda ka naman pala kahit baboy ka. Halika nga." Mas lalo niya pa akong pinalapit sa kanya. Pinipilit niya akong halikan, yuck nakakadiri yung mukha niya

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" iritang sigaw ko sa kanya pero kahit anong gawin ko ayaw niya parin akong bitawan. Gago na to, talagang malas talaga tong gabi ko, punyetang buhay to

"Bitawan mo siya!" sigaw ng lalaking hindi ko marecognize ang face dahil madilim pero ang nakikita ko lang ay naka-black denim jacket siya tas black pants din.

"Hoy sino ka ba!? Wag kangang makialam dito tarantado ka!"sigaw nung lasing sakanya

"Tarantado ako? Pwes, hayop ka!"bulyaw niya naman pabalik.

Binugbog niya itong manyak na lasinggero na pangit na bumastos sakin, hanggang sa magkapasa-pasa at magmaka-awa na at tumakbo na siya.

Pagkatapos lumapit sakin yung Hero kong yun na saktong sakto ang dating.

Si kuya Gelo.

____________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon