Chapter 60

109 6 0
                                    

Gelo's POV

I was preparing chicken sandwich for myself in the kitchen when I heard a knock on my door.

I was shocked when I saw Jessi infront of my door. Actually, I was expecting her to come today but not this early at 9 am.

Minessage niya kasi ako, pupunta daw siya dito dahil may ipapakilala daw siya sa'kin which I have no idea who it is. Sana hindi naman to babae na irereto niya sa'kin dahil hindi parin ako nakakamove on kay Jessi eh. Hindi na yata, kahit kailan.

"Good morning kuya!"she greeted me and gave me a friendly hug.

"Good morning ading."I greeted her too."You seem a little early. Sino nga pala yung ipapakilala mo sa'kin?"

Tumingin siya sa kaliwa niya at parang sinenyasan yung kasama niya na mag pakita na. Mukha yatang nahihiya kaya napilitan si Jessi na hilain yung kasama niya.

Mas nagulat lang naman ako sa nakita ko. Nakaramdam din ako ng inis sa katawan ko, hindi lang ng makita ko siya, but also how she held his hand. It's still hurting me.

Ngumiti na muna sa'kin si Jessi at tsaka nag salita."Kuya, si Cad nga pala, boyfriend ko."parang tumigil ang buong sistema ko sa narinig ko. I didn't expect this. I thought seeing Jessi with him would hurt me enough. But this is even worst. Yung ipakilala ng mahal mo yung pinaka ayaw mong tao as her boyfriend. Bakit nga ba hindi ko inexpect yun. After I pushed Jessi to forgive him. Syempre dahil mahal parin niya si Cad, natural na magkakabalikan sila. Im so stupid.

Parang nawala ako sa katinuan dahil dun, hindi ko namalayang kinakausap na pala nila ako. Silang dalawa.

"Kuya, okay ka lang ba?"niyugyog ako ng konti ni Jessi sa braso ko kaya nabalik naman ako ng konti sa sarili ko."Hi daw sabi ng kuya mo oh."

Nag tama ang paningin namin ni Cad. Paningin na punong puno ng kamuhian,galit, lahat ng kairitahan. Kung pwede lang makapatay ang titig ng isang tao, malamang ay 50 50 na ang dalawang buhay namin dito.

"Boss, makipagshake hands ka naman sa kapatid mo."utos ni Jessi. Sumunod naman sa kanya si Cad na halata namang napipilitan lang. So he hands me his hand. Inabot ko rin lang ang kamay ko para walang masabi si Jessi. Okay. Gets ko na pala to. I know what Jessi is trying to do. She's trying to fix the arguement  between me and Cad.

"Pasok kayo sa loob."aya ko sa kanilang dalawa. Pinaupo ko rin sila sa sa couch."I made chicken sandwiches. Wait, let me get some for the both of you."pumunta ako sa kitchen para kunin yung ginawa kong chicken sandwich.

Habang nasa kitchen ako, nakikita ko parin sila. Nag sisikuan na parang ewan tsaka hindi ko marinig ang mahina nilang usapan. Malamang usapang mag syota, ano bang papel ko dito, ang maging kuya lang ni Jessi. Hayys.

"Here."nilapag ko ang kinuha kong chicken sandwich sa ibabaw ng glass table na nasa harapan nila.

"Ading|Boss oh."nag sabay pa talaga kaming dalawa na mag offer kay Jessi. Pero binaba ko nalang agad yung isusubo ko sanang sandwich sa kanya. Dapat lang naman diba? Alangan namang makihati pa ako eh sila na.

Binasag naman ni Jessi ang awkwardness namuo sa pagitan naming tatlo. Ang kinain niya parin yung isinusubo ni Cad."Wow, ang sarap."puri niya habang ngumunguya siya. Ibinaling niya ang tingin niya sa'kin."Ikaw kuya, gusto mo?"

I gave her a fake smile."Sige lang, kain lang kayo."sabi ko nalang, parang nawalan na kasi ako ng gana eh.

"Boss, offer-an mo naman yung kapatid mo ng sandwich."suggest ni Jessi kay Cad tsaka naman sumama ang tingin niya dito."Ayaw mo boss?"sumenyas na sa kanya si Jessi."Oh baka naman gusto mong ako nalang, subuan ko nalang siya?"parang may halong pag babanta at pang iinis kay Jessi para siguro sumunod sa kanya si Cad.

Nag work naman agad. Kaya mukhang susunod na sa prinsesa ang gago."Gelo oh."binigay niya sakin yung plato na nag lalaman ng sandwich ng nakatingin parin ng masama kay Jessi

"Salamat."ani ko sa kanya

Bigla namang bumungisngis si Jessi."Ano ba yan, ang awkward niyo namang mag kapatid."tumatawa parin siya habang nag papalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Cad.

Muli silang nag usap sa mga paningin nilang nag lalaman ng mga hirit. I just knew it from the start, na may binabalak si Jessi pagbatiin kami.

"Ah, kamusta ka pala Gelo?"out of the blue na tanong sa'kin ni Cad.

"Well I'm doing good."awkward na sagot ko."Congrats nga pala sa inyong dalawa ni Jessi."ayun nalang ang nasabi ko. Kahit naman may galit parin ako dito kakausapin ko parin, hindi naman ako ma-pride katulad niya eh.

"Salamat."nahihiyang sagot niya.

"Mag movie marathon kaya tayong tatlo, masaya yun!"suggestion ni Jessi. Biglang bumukas yung pintuan ng main door ng bahay."Oh anjan na pala si ate Inday oh, tara ate, luto tayo ng popcorn."nakangiting aya niya kay ate inday na galing lang ng market.

Bago tumayo si Jessi, tinagiliran niya muna na muna si Cad tsaka na nag tungo ng kusina. Kami nalang dalawa ni Cad ang naiwan dito sa couch.

Burn's POV

Iniisip ko parin ang nangyari sa amin ni Yerdi.

Bakit ganun siya kabilis mag desisyon at mag salita kanina? Para siyang  nag desisyon nalang bigla bigla na para bang hindi pinagisipan.

Nakipaghiwalay siya sakin over that small matter. You can't even call it as an arguement or even misunderstanding. Simpleng LQ lang naman yun ng isang mag syota na dapat pinaguusapan at hindi na pinapalaki. Hindi ko lang talaga siya maintindihan, parang may mali. Parang sinadya. Ewan ko ba.

Kararating lang ni mang Franco dito sa napag usapan naming lugar kung saan magkikita kami para sabay kaming mag punta kay mang Jun, ang tunay na pumatay kay daddy.

"Malalim yata ang iniisip mo hijo? Ayos ka lang ba?"usisa sa'kin ni mang Franco.

"Hindi po eh. Nakipaghiwalay kasi sa'kin si Yerdi. Hindi ko po siya maintindihan."paliwanag ko.

Gulat naman ang reaksyon niya."Ano? Bakit? Nag away ba kayong dalawa ng anak ko?"

"Parang hindi naman po matatawag na away yun eh dahil napakababaw. Ewan ko po kung bakit pinalaki niya ng ganun."pahayag ko."Ano po bang sinabi niyo sa kanya nung araw na nagkausap tayo mang Franco? Nakita ko rin po siyang umiyak nun eh."

Nag pakawala siya ng isang hininga."Sinabi ko na ang totoo sa kanya."pagbubunyag niya. "Na nakulong ako ng ilang taon at hindi totoong may pamilya na akong iba."

"Kaya po pala. Hindi pala totoo yun, nakwento niya rin sakin kung pano niyo daw siya iwan eh."

"Ginawa ko lang naman yun dahil ayokong malagay sa panganib ang buhay niya. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya pinili kong mabilanggo nalang kaysa sa mapahamak siya ng dahil sa akin."malungkot parin ang mukha ni mang Franco na parang inaalala niya ang malungkot na karanasan niyang nangyari sa kanila ni Yerdi."Pero hindi ko pa naipaliwanag lahat sa kanya. Sa ngayon kailangan na muna natin puntahan si Jun Escaño para malinis ko na ang pangalan ko sa mama mo pati sa anak ko."

Nag tungo na kami agad sa bahay ni mang Jun tulad ng napag usapan para ayusin ang lahat ng ito.

_____________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon