Chapter 36

234 6 13
                                    

Jessi's POV

Mag lu-lunch time na, at itong Cad na 'to ayaw pa rin tumigil sa pangungulit sa akin. Paulit-ulit n nga yung sinasabi niya e. Nakakarindi na sa tenga. Kanina pa niya ako kinukulit makisabay sa kanila. Nakikipagdaldalan pa nga sa akin na akala mo super best friends kami for real e feeling close lang naman siya.

Magkatabi pa rin kaming dalawa dahil hindi pa rin siya umaalis sa upuan ni Yerdi.

"Jessi, sige na kasi, sumabay ka na kasi sa amin ng barkada, please." for the 18th time niya na yata itong sinasabi. Sa paulit-ulit niyang pangungulit, paulit-ulut din niya akong bwinibwisit. Instant ba namang mang-inis.

"Bakit ba gusto ninyo akong makasabay? Alam mo Cad, ang kulit kulit mo. Kanina ka pa." inis na sabi ko, e nakakairita na talaga siya. Nakasabay ko na nga sila kanina nung recess dahil no choice ako e, tapos ngayong lunch na naman? Baka namumuro na siya.

"Gusto ko nga bumawi sayo." sabi niya. Ayan na naman siya, sabi niya yung gusto niyang bawian, yun yung pag tu-tutor ko sa kanya, pero sa tingin ko higit pa dun ang gusto niyang bawian.

"Okay na nga, wala yun. Ang kulit ng lahi mo, alam mo ba 'yon?"

"So, makulit pala ang mga lahing gwapo tulad ko? Hahaha." pilosopong sagot niya. Parang kinikilig pa talaga siya sa sinabi niya.

Inirapan ko siya.

"Gwapo mo 'yang mukha mo."

"Edi inamin mo na rin gwapo mukha ko? Grabe ka naman pinapakilig mo naman ako." kinikilig na sabi niya. Halata nga sa mukha. Mukhang kinilig nga ang kupal.

"Ulul, feeling mo naman ang gwapo gwapo mo!"

Tumayo na ako sa upuan ko pero hinarang niya kaagad ang malaking katawan niya. Ang lapit lapit na naman ng mukha niya sa akin kaya napaatras ako ng konti.

"Sige nga, sabihin mong hindi. Totoo naman ah." pagsasalita niya. Naamoy ko yung hininga niya. Amoy mint candy.

"Dumistansya ka nga pwede."

Napailing-iling pa siya. "Siguro kasi inggit ka."

"At bakit naman ako maiingit, aber? Grabe, ang hangin."

"Siguro kasi, pangit ka. Hahahahaha."

Naningkit ang mata ko sa kakapalan ng mukha niya. Hindi ko na talaga siya ma-take.

Nag tawanan ang mga kaklase naming kanina pa nakikinig sa usapan namin, gaya kaninang recess.

"Anong sabi mo? Ako, panget?" tinuro ko pa ang sarili ko. "Baka ikaw ang pangit! Kung pangit ako, eh bakit--eh bakit mo ako nagustuhan?"

Natigil siya sa pag tawa. "Hoy correction ha. Hindi kita gusto, wag kang mag ilusyon diyan."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagdedeny niya. Kung alam ko lang baliw na baliw siya sa akin ngayon nang dahil sa sexy figure ko.

"Hindi kita gusto dahil mahal kita. Leche Hahahahahaha."

Nag hiyawan tuloy ang mga kaklase namin sa sinabi niya. Kinanchawan pa siya ng ex barkada sa ka-cornyhan niya.

"Teka, guys." pangihinto niya sa mga nangangatyaw at may stop right hand gesture pa.

"Teka, hindi lang naman ako may gusto sayo ah. Pati ikaw? Tapos sinasabi mong pangit ako. Hahaha."

Napapikit ako sa inis. Bwisit talaga siya kahit na kailan! Nakakakulo talaga siya ng dugo.

"Huh! Kapal mo!" singhal ko sa kanya.

"Talaga! Ay, correction uli guys, hindi lang pala ako gusto ni Jessi, mahal niya pala ako! Hahahahahaha!"

Biglang namula ang buong mukha ko. Naalala ko na naman yung scene namin kanina dun sa may ramp. Pati na rin yung sinabi kong kahihiyan sa kanya.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon