Chapter 6

313 12 0
                                    

_______________________________

~

Ang konti naman ng mga dumadaan na taxi dito, puros naman puno. Parang ayoko pang umuwi. Yun nga lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Wala na kasi palagi kong kasama. Yung best boy friend/suitor/mahal kong trinaydor lang ako. At pati na mga kabarkada ko. Hayst! Eto nanaman ako, sila nanaman pumasok sa kokote ko, lalo na si Cad! Si Cad nanaman! Yung walang kwentang lalaking yun na ginawa lang akong panakip butas at car dealer queen.

Kamoteng buhay to. Ano bang dapat kong gawin para mawala sila sa isip ko at itong sakit na nararamdaman ko!? Kagabi pako, iisang bagay lang ang nasa isip ko.

Lord, bigyan niyo po ako ng sign---

Pag nakakita ako ng ice cream, bibili ako neto at kakainin ko ito syempre alangan namang itatapon ko? Pagkatapos ay tatakbo ako papuntang-- papuntang kung saan ang makita ko

So nag hihintay ako ng ice cream vendor. Sana may makita ako, gutom na gutom na ako. Kagabi pa kaya ako hindi kumakain, kanina panga nag rarambulan ang mga ibat ibang parts ng digestive system ko e.

But instead, ang nakita ko ay matapang na asong kalye.

Tinahulan niya ako at galit na galit ang itsura nito. Hinabol niya na ako kaya dali dali naman akong tumakbo. Ang dali kong hiningal, putek na sign to.

Eto na, madadapa nanaman yata ako, but this time alam kong wala ng mag tatayo sakin.

Kaya hinayaan ko ng mahulog ako. Wala na e, anjan na yung malaking bato na naapakan ko, inaantay ko nalang na bumagsak ako.

Susobsob na ang mukha ko sa kalsadang to, ng may humawak ng boobs ko na nag stop sa akin sa pagkakahulog ko. Ang higpit ng hawak niya, halos hindi ako makahinga. Ang sakit. Sa lahat ba naman ng pwedeng parte ng katawan bakit yung boobs ko pang nananahimik?

Yung totoo? Manyak ba to?

Naamoy ko yung humila sakin dahilan kaya hindi ako nasubsob. Naamoy ko ang nag collide niyang pabango at pawis na kinalabasan parin ng strong masculine scent. Mukhang galing lang siya sa gym tapat kung san nangyayari tong malaswang karanasan ko ngayon.

Inangat niya ako. "Hey, are you okay?"

Nang tinignan ko ang itsura niya, nanlaki ang mata ko sa kung sino ang nakita ko. si kuya Gelo. SI KUYA GELO NANAMAN.

"Kuya Gelo?"gulantang na sambit ko.

"Okay ka lang ba?"muli niyang tanong. Tinulungan niya akong makatayo.

Tumango ako."Sa--salamat ah. Sorry rin, napaka bothersome ko talaga."paumanhin ko naman sa kanya. Kahit kailan talaga napaka malas niya sa akin.

"It's okay. Ang importante, safe ka. Anong masakit?"sumunod na tanong niya.

"Yu--yung boo-- ay, wala, okay lang ako."sabi ko nalang. Takte. Muntikan nakong nadulas pero totoo naman kasi, hanggang ngayon, kumikirot parin ang napitpit kong boobs sa hawak niya.

"I'm sorry. Nag panic kasi ako ng sobra kanina so hindi ko na namalayan na dun pala kita nahawakan."paliwanag niya."I didn't mean touching you on your--"

"Okay lang kuya Gelo. Salamat talaga sa pag ligtas mo sa akin, kung hindi, nasubsob na siguro ako."

"Wala yun. Kaya siguro ako nandito para saluhin ka at hindi ka mahulog."ngumiti siya ng malaki.

"Oo nga e. Ganito kasi talaga ako. Hinayaan ko na kaninang mahulog ako."inayos ko ang sarili ko. Hiyang hiya parin ako humarap sa kanya. Ang bigat bigat ko kaya. Siguro, kung ibang tao to, hahayaan na mahulog nalang ako sa sahig at masira ang chubby ngunit pretty kong mukha.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon