Chapter 75

61 5 0
                                    

- - -

Sa araw na to, gagawa ako ng isang mabigat at malaking desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko.

Ngayon lang ako naging ganito kadesidido. Alam kong sa gagawin kong ito, magiging masaya at malaya na ako. Siguradong sigurado na ako at hindi na pwedeng mag bago ang isip ko.

1st monthsary namin ni Cad ngayon. Isang buwan nag nag halo halong munting oras namin para mag lambingan, mag harutan, pero ang madalas naman sa isang buwan na iyon ay away. Pero hindi niya alam at hindi niya na naalala.

Wala daw yung daddy ni Camille sa bahay nila so pwede daw siyang umalis at wala rin daw schedule si Camille ngayon sa Ob-gyne so free day niya. At sa free day niya, gagawin kong hindi niya makakalimutan ang araw niyang to, hindi para saktan siya, pero kundi gawin ang tama.

Pinapunta ko siya sa Bench tree. Ang mahiwagang lugar kung saan nag simula ang lahat at kung saan matatapos ang lahat lahat sa amin ni Cad.

Kanina parin naman ako nag aantay sa kanya. Mejj hurt kasi hanggang sa huli ba naman, pag aantayin parin ba naman niya ako? Hayaan na, last naman na to. Last ko na to pagiging tanga at martyr kong girlfriend.

Finally, after 645 B.C.E dumating na rin si Cad na akala ko ay iindiyanin nanaman ako.

"Hi boss."binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti tsaka iniabot sa akin ang isang bouquet ng flowers."Matagal ka na bang nag aantay dito?"

Binigyan ko siya ng isang sarkastikong ngiti pabalik."Hindi, mga 4 hours lang naman."

"Sorry boss, pinaalis ko pa kasi yung daddy ni Camille."dahilan niya pa. Kahit naman hindi na siya mag paliwanag, alam na alam ko naman na. Hindi naman ako bobo para hindi maalala ang paulit ulit niyang dahilan na nakakarindi na sa tenga.

"Ayos lang yun, naiintindihan ko naman eh."sabi ko naman. Tinabihan niya ako sa pag upo ko dito sa bench tree at bigla akong pinakandong sa kanya tsaka hinalik halikan pa ako sa leeg ko."Kaya naman mahal na mahal ko tong girlfriend ko, at kahit kailan hindi ko ito ipagpapalit."mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya. Ang saya saya tignan ni Cad ngayon at mukhang malayang malaya kasama ako. Nakikita ko sa kanyang mahal na mahal niya parin ako at sobrang saya niya sa akin. Pero sa tingin ko siya nalang ang nakakaramdam nun.

"Hindi ipagpapalit?"napatawa ako ng peke. Tawang punong puno ng pagtitimpi,pagkapuno,at sakit pero dahil ayokong ipakita yun, binabahiran ko ang labi ko ng isang pekeng ngiti o tawa sa tuwing may mga tao sa paligid ko."Eh nagkaanak ka nga sa ex fiancé mo eh."napahinto ako sa aking tawa dahil parang nabadtrip at nasaktan siya sarkastikong pagsasalita ko.

"Diba sinabi ko naman sayong aksidente yung nangyari?"namumula na ang mga mata niya at ilong niya na para mag sisimula na siyang umiyak sa harapan ko."Hanggang kailan mo ba isusumbat na nagkamali ako at nabuntis ko si Camille?"

This time nasabayan ko na siyang lumuha. Sabi ko kanina bago ako mag punta dito hindi ako iiyak sa kahit ano man mapag-usapan namin hindi para ipakitang hindi ako masasaktan, kundi dahil gusto kong malaman niyang tanggap ko ng hindi na talaga pwede at magiging masaya ako dito.

*Play Before I let you go by:Freestyle in this part*

"Hanggang hindi na masakit dito."tinuro ko pa yung puso ko."At matatapos lang tong sakit na to ngayong araw na to."

Naguluhan siya sa sinabi ko at parang nalilito."Boss, hindi kita maintindihan."

Tumayo na muna ako sa pagkakakandong ko sa kanya tsaka nag salita."Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

Naningkit lang ang mata niya."Boss ano bang--"

"Sagutin mo nalang!"mariin na pamumutol ko tsaka naman siya napaisip kung anong araw ngayon."Wednesday? 23?"parang hindi pa siya sigurado sa sinabi niya.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon