Cad's POV
Tumalon agad ako sa pool para sagipin si Jessi. Hindi niya ito nakita kanina na dito na pala siya babagsak.
I carried her out of the pool and do the mouth to mouth resishdtionkl. Lmklumubo ubo siya at nag labas ng tubig na nainom niya sa pool.
Nagsidatingan na rin ang mga ka-section namin. Lahat sila nag aalalang tinatanong ang kalagayan ni Jessi.
"Jessi? Okay ka ba?"
Patuloy parin siya sa pag ubo at umiiyak siya. So I patted her back.
"What the hell just happened?" galit at nag aalalang tanong ni Gelo. Tinabig niya ang kamay ko na nakalagay sa likod ni Jessi.
"Jessi, are you okay?" hindi pa rin makapagsalita si Jessi sa matinding pag hikbi niya.
Tumingin sa akin si Gelo. "Nakita mo ang ginawa mo, this is all your fault!"
"Hindi ko kasalanan na nahulog siya sa pool. And para malaman mo, concern din ako kay Jessi that's why I saved her!" pasigaw ko ring sagot sa kanya. Stupid asshole. Akala niya siguro siya lang ang may right na mag alala kay Jessi.
"Ayun ang pinagmamalaki mong sinagip mo siya nung tapos na siyang nalunod? You should've catch her quickly! Hindi mo dapat siya hinayaang mahulog!"
"Ako lang ba?" singhal ko. "Akala mo, hindi ko nakita yung kanina, muntikan na siyang masubsob sa hagdan dahil sayo!"
"Exactly! Muntikan." mariin niyang pagsasalita. "I still tried my best to catch her at hindi ko siya hinayaang mahulog! Kasi kahit kailan hindi ko kayang saktan siya not even on purpose! E ikaw? Anong klase ka? You keep on saying you love her when you can't even protect her from falling!"
Sakto. Masakit man sa pride kong aminin, pero wala na akong maisagot pa. Tama ang mga sinabi ni Gelo.
Hindi ko man lang siya maalagaan at maprotektahan gaya ng ginagawa ni Gelo. Sinagip ko lang siya nung alam kong nahulog siya. Hindi ko man lang siya napigilan.
Dali dali niyang nilagyan si Jessi ng towel sa likod at binuhat.
Nilapitan ako ng barkada ko. They started to say things that could make me feel calm. Because in my situation, after I heard the most hurtful truth na sa sarili ko pang kapatid galing which I couldn't accept the most, they know Im bad tempered. Pinipilit nila ako pakalmahin kahit na mahihirapan silang gawin ito.
I punched the wall so hard until I felt my fist were getting broken.
~
Nagsisisi talaga akong pumasok pa ako. Ayoko ngang pumasok hindi sa ayokong makita si Jessi, kundi nahihiya akong mag pakita sa kanya. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Hindi na rin natuloy ang overnight dahil sa nangyari kagabi.
And besides, first subject pa naman ang filipino. Everyone admits that I speak filipino well now after Jessi tutored me. Pero kahit ganun, hate ko parin ang filipino subject. Natuto lang naman akong managalog e, pero sa filipino lessons, bagsak pa rin ako lagi, lalo na nung nawala si Jessi.
"Maganda ang resulta ng marami sa inyo, pero, as usual, ang isa dito ay bagsak ulit!" paninimula nung filipino teacher namin. "Cadrianne, ano ba talaga ang ginagawa mo sa buhay mo at hindi ka makapasa sa subject ko!"
I knew it was me, so I'm not surprised.
She called me infront of the class.
"Tignan mo 'yang nakuha mo!" sigaw niya habang hawak niya yung pinapakita niyang test paper sa'kin.
"Akala ko ba tinutor ka ni Jessi? Jessi!" nilakihan niya ng mata si Jessi.
"Ba--bakit po?" natatakot na tanong ng inosenteng si Jessi. Wala naman na siyang kinalaman kung bumabagsak ako. Dahil ako naman ang nag pabaya.
"Will you please guide Mr. Watsons in Filipino! Nakita mo naman 'tong grade niya, ang sarap itapon!"gigil na gigil na yung filipino teacher ko. Tinapon niya ng malakas ang test paper ko na sana ay tatama sa mukha ko.
"Tama na po." tinabig ni Jessi ang papel.
"Anong gagawin ko sa grade mo? Ikaw Jessi, ano ang gusto mong gawin ko dito sa grade niya? Ibagsak?"
Umiling lang si Jessi.
"I-tutor mo uli ito! Dahil masisiraan na ako kakaisip kung ano pang ilalagay ko sa marka niya!"
"Po? Bakit po ako?" nagtataka usisa niya.
Inignore lang yung question niya. "Kung ibagsak nalang kaya kita? Para hindi ka makagraduate!"
"Wag po! Wag niyo po siyang ibagsak."
Ayoko na sanang ituloy ang pagpapatutor sa kanya dahil ayoko naman na siyang gambalahin pa, likewise, meron din namang nag sasabi sakin na pumayag ako dahil sa kagustuhan kong mapalapit uli sa kalooban niya.
Mahal ko parin siya. At willing akong gawin lahat para mabawi uli ang loob niya lalo na ngayon, dahil ramdam kong mahal niya parin ako at hindi naman talaga sila ni Gelo.
Pinagpalitan na muna kami mi Yerdi ng upuan kaya katabi ko na ngayon si Jessi. Nakatalikod lang ako sa kanya dahil nahihiya akong humarap sa kanya at i-approach siya.
"Ano? Balak mo ba akong talikuran buong filipino time?"
Napaharap ako kay Jessi, inirapan niya ako. Ang cute niya, shit.
Sinimulan niya na akong i-tutor. Habang tinututor niya ako, nakatitig lang ako sa kanya buong filipino time, hindi ko nga pinapakinggan ang mga tinuturo niya eh.
Hanggang sa malapit na rin matapos ang time, tinitignan ko pa rin siya bukod sa wala namang pumapasok sa utak ko sa mga filipino topic na itinuturo niya, gusto ko lang naman siyang pagmasdan ng malapitan dahil sumasaya ako ng sobra kapag nandiyan siya. Miss na miss kong mapalapit sa kanya ng ganito.
"Alam mo nakakairita ka na, kanina kapa ah." out of the blue na pagsasalita niya.
"Ha?" nag mamaang-maangan kong tugon. Alam ko naman na kanina niya pa ramdam na hindi ako nakikinig sa mga itinuturo niya at pinagmamasdan ko lang siya eh. Hahaha. "Bakit? Ano ba ginagawa ko sayo? Hahaha. Nakaupo lang naman ako dito ah."
"Hoy Cad, wag mo'kong gawing tanga. Anong akala mo, na bulag ako at hindi ko nakikita ang ginagawa mo?"
"Hala. Bakit? Wala naman kasi akong ginagawa. Sige nga, ano bang ginawa ko sayo?"
Sinamaan niya na naman ako ng tingin kaya hindi ko na napigilan bumulalas ng tawa.
"Oh bat di ka makasagot? Wala naman talaga eh, oh baka naman ikaw ang kanina pa nag iimagine habang tumitingin sa akin?"
Mas lalo naman umiba ang timpla ng mukha niya. Hahaha. Ang sarap niya pikunin.
"Anong sabi mo?"
"Wala, ang sabi ko bagay na bagay tayo."
Lumipas ang 2 dalawa pang subjects na away bati kami. Ako naman, suyo ako ng suyo savkanya, hanggang sa nag recess na. Hindi pa rin ako bumabalik sa proper seat ko. Dahil naki-usap sakin si Burn na sinusuyo niya pa daw si Yerdi. At ako naman, siyempre gusto kong makatabi si Jessi. Wag na nga sana akong ilipat eh. Kahit forever na ako dito. Basta kasama ko 'tong dating mataba na 'to na kinababaliwan ko.
"Jessi, halika na, recess na tayo." aya ko sa kanya.
"Ano?" tinaasan niya ako ng kaliwang kilay niya.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?"
"Pasensya na ha, masyado kasing natalbugan ng kakapalan ng mukha mo ang boses mo. Paki ulit nga?"
Napakamot ulo nalang ako at natawa ng konti.
"Ang sabi ko, Sabay na tayo mag recess mahal ko! Ayan! Narinig mo na ba?"
Naghiyawan lahat sila sa klase sa sinabi kong yun.
"Leche ka. Ewan ko sayo!"
Halatang halata ang pamumula ng mukha niya sa sinabi ko. Tumakbo siya kaya syempre sinundan ko nanaman siya.
Mahirap na dahil baka madapa siya uli. Hindi ko na siya hahayaang mahulog uli. At kung mahulog man siya, I'll make sure that this time ako ang sasalo sa kanya. Ako mismo ang sasalo, at hindi si Gelo.
___________________________________________
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.