Chapter 74

67 6 0
                                    

Jessi's POV

Hindi ko alam kung tama bang sundin ko ang sinabi ng puso ko na puntahan ko parin si kuya Gelo sa bahay niya at makipagkita para matuloy ang napag-usapan naming lakad pagkatapos ng nangyaring gulo kahapon.

Naka-dalawang katok na muna ako bago ako pagbuksan ng pinto ni kuya Gelo.

"Ading,"gulat na sambit niya habang kinukusot ang magkabilaang mata niya."Anong ginagawa mo dito? It's so early in the morning? Bat ka nag punta dito ng ganto kaaga?"

Bigla akong na-sad sa sunod sunod na usisa niya sa akin. Dati naman hindi niya ako kwinekwestyon ng mga ganito dahil okay lang sa kanya ang kahit anong gawin ko.

"Sorry."malungkot na paumanhin ko."Akala ko kasi lalabas tayo ngayon sabi mo."

Laking pagtataka naman ang expression na nasa kanyang mukha."Bakit? Tuloy pa ba yun?"

"Oo."madalihan kong sagot.

"Ading, seriously? After what happened yesterday? Hindi ka ba pinagbantaan ni kuya na makipagkita sa akin?"sunod sunod na pagtatanong niya

"Actually, pinagbawalan niya na ako."pag amin ko."Pero gusto kitang makasama eh. Kasama niya rin naman si Camille kaya okay lang."

Napansin niya na yatang nagiging malungkot ang mukha ko kaya sinuri niya ito."Oh eh bakit ka malungkot?"

Bumuntong hininga ako bago pa mag salita."Eh kasi parang ayaw mo naman na akong makasama, aalis nalang ako."tatalikod na sana ako pero hinila niya agad ako."Hey, I didn't mean it that way. Im sorry, ayoko lang na mag away kayo ni kuya."

"So tuloy na tayo?"

"Matitiis ba kita?"

Infernes. Yung pabebe kong style kanina, may kwenta kahit na mukha pa akong tanga dun ah.

- - -

Masayang masaya kami ni kuya Gelo habang papasok kami ng peryahan. Teka, parang mamahalin tong perya na to. Kasi ito yata yung pinaka sikat na peryahan dito eh.

Napatingin nalang ako sa mga taong nakasakay sa bawat rides ng peryahang ito. Lahat sila nag eenjoy. Ito na yata ang pinaka magandang peryang napuntahan ko eh. Ang ganda dito. Pakiramdam ko, lahat ng mag pupunta dito, makakabalik sa sarili nilang childhood. Yung pagkabata ka, walang problema,walang kaaway,walang sakit. Pag umiyak ka, bigyan ka lang pirasong lollipop tatahan kana agad. Pero ngayon, hindi eh. Pahirapan amputa eh.

Napagdesisyonan namin na mag darting. Maraming iba't ibang prices ang makukuha dito. Hindi kagaya sa iba, puros candy at chocolate lang ang laman ng bawat baloon na matatamaan mo. Minsan ka nanga lang maka-tiyamba sa chocolate, maliit na beng beng pa ang laman. Hindi man lang cadburry na maliit, lecheng peryahan yung mga yun.

Binigyan na ni darting girl si kuya Gelo ng tatlong darts.

Nakatatlong tama agad siya sa baloon kaya may free bear ako pag ganun.

"Wow, ang galing niyo naman po sir!"landing landing sabi ni Darting girl. Paking girl yata pangalan neto. Epaloyd amp."Sir, ano pong bear ang gusto niyo? Friendship or Love greeting?"kinikilig na tanong niya

Napangiti si kuya Gelo ng mapakla bago sumagot."Friendship greeting bear nalang."sagot niya. Tsaka na sumilong yung babae sa cabinet at nag hahalungkat ng bear.

"Uhm. Sir, kanino niyo po ba ibibigay?"maintrigang usisa ng paking girl pero nakayuko parin habang kumukuha ng bear. Bwisit na to, nakuha pa mangialam.

"Sa ading ko."nakangiting sambit niya tsaka binigyan ako ng friendly akbay.

Tumayo na yung babae ng walang hawak na bear."Sir, yung love greeting bear nalang po ang meron dito eh."pawis na pawis pa siya dahil sa pg hanap ng bear."Gusto niyo po sa akin niyo nalang po ibigay."ay tounge in a disc. Harot ampucha. Maputi nga pero Mukha namang hipon. I bet kamag anak to nila sugpo eh. Ang leader ng mga hipon prens.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon