Chapter 55

82 5 0
                                    

Cad's POV

Dinala ko naman si Jessi dito sa park pagkatapos namin manuod sa sinehan.

"Nakakamiss pala dito."sinabi niya yun ng may malaking ngiti sa bibig niya.

"Oo nga eh."pag agree ko."Naalala ko nun. Yung dito kita nilibre tsaka pinatigil sa pag iyak."natatawang sabi ko. Nag punta muna kami dito sa Angelo's Burger, Syempre namiss ni manong yung tinda niya. Paborito nga kasi to nila Jessi at ako na rin.

"Hi manong. Dalawang cheeseburger nga po."bungad ni Jessi sakanya"Namiss ko kayo ah."

"Teka, sino ka ba? Kilala ba kita?"naibaling niya ang tingin niya sakin"Ikaw hijo, namumukahan kita ah. Ikaw yung best girl friend ni Jessi diba?"astig ni manong. With the emphasis sa BEST GIRL FRIEND. Naalala niya pa yun. Infernes ang memory

"Opo. Ako nga po." Natawa naman kaming dalawa ni Jessi. "Manong naman po eh. Ako po ito si Jessi."pagpapakilala niya na para bang isa siyang bagong tao.

"Diba mataba si Jessi?"sinuri niyang mabuti ang mukha ko. Lakas nanaman maka-flashback ng nakaraan ko eh.

"Jessi, ikaw nga. Nagpa-lypo ka ba hija?"patay malisyang tanong niya.

"Hindi po manong. Mahabang kwento po."nahihiyang sagot ni Jessi

"Ganun ba? Pero ang ganda mo ngayon ah. I love your hair!"shet. Si manong ba ay isang bading? Hahaha.

"Salamat naman po manong."pasasalamat niya."Ah manong, si Cad po pala b--"

"Kilala ko na yan. Best Boy Friend mo."pamumutol niya.

"Naku hindi na po manong. Nobyo ko na po siya. Kami na po."pag amin niya.

"Sinasabi ko nanga ba eh. Kayo rin lang magkakatuluyan eh."natawa naman kami ni Cad sa reaksyon ni manong habang plinaplastic yung burger.

"Sige po manong. Hahaha. Alis na po kami. Salamat po."pamamaalam namin sakanya

"Ayun oh! Halika dito boss. Sakto may betamax oh."tuwang tuwang aya sakin ni Jessi habang hinihila ako papunta sa ihawan.

"Talaga? Yun ba yung dugo?"excited kong tanong."Tara bili tayo. Gusto ko ng makatikim niyan."so nilapitan na namin si aleng tindera para makabili na kami nun.

"Ate dalawa nga pong dugo."sabi ko dun sa tindera.

"Yung toasted ate ha."si Jessi yan.

Nagulat naman ako dahil nagulat ang reaksyon niya.

"Miss, okay ka lang ba?"tanong niya

"Oo naman po ale. Bakit po?"sagot ni Jessi

"Para kanino po yung betamax?"tanong nanaman ni ate. Daming tanong ni ate

Nag tinginan naman kaming dalawa."Para sa aming pong dalawa."

"Sigurado po ba kayo kakain kayo ng ganito?"hanep din tong managbenta na to noh. Di naubusan ng tanong. Ano ba to quiz bee?

"Oo naman po."agad kong sagot.

"Ah pasensya na po ah. Sa tingin ko po kasi para kayong mga mayaman. Hindi po ba kayo artista? Ang ganda at gwapo niyo po kasi."nagtinginan tuloy kami ni Cad sa sinabi niya at tila matatawa.

"Ah hindi po ate. Hindi po kami artista."pagtanggi ko.

"Hindi rin po kami mayaman."pagtanggi din ni Jessi

"Ah ganun ho ba pasensya na po ah."paumanhin niya nalang at tsaka na kami binigyan ng dugo

Nag tawanan nalang kami sa sinabi ni Aleng tindera.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon