Chapter 11

284 10 0
                                    


Jessi's POV

8:53 A.M

Bahagya akong na-alarma nang mabasa ko ang orasan sa alarm clock na nasa tabi ko.

Shet. Monday ngayon, may pasok! Late na naman ako. Bakit ba kasi ngayon lang gumising ang katawan ko? At nawala rin sa isip ko na wala na pala ako sa dorm kaya kailangan ko pang bumyahe papunta ng school.

Wait lang, parang ayoko pang bumangon. Tinatamad ako. Ano ba yan. At ayokong makita ang mga traydor kong kaibigan. Nakakatamad lang pumasok.

Wag nalang kaya akong pumasok?

Wait, kung hindi ako papasok, ano naman kaya ang gagawin ko dito sa bahay? Oo. Bahay. Wala nako sa dorm at kailangan kong tandaan 'yun. Alangan naman humilatay ako dito buong araw?

Ay hindi nga pala pwede. Bibigat na naman ang katawan ko at lolobo nanaman ako, sabi nga pala ni ate Zirri, mag papayat na ako.

Pero dapat na ba talaga akong gumalaw?

Teka, hihingi muna ako ng sign. Ganito, dapat makakita ako ng post na na sumasagot dapat sa katanungan ko.

Swinitch ko na yung wifi ng phone ko at nag simula nang mag scroll sa facebook ko. Oo, makakapagnet ako alam niyo ba kung anong nadiscover ko kagabi dahil nga hindi ako makatulog kasi umiiyak ako.

Guess what? May free wifi lang naman dito sa kapit bahay namin. Hahaha. Astig diba? Ang galing ko talaga. The Perks of being a Vampire. Lol.

Puchang gala. Anak ka ng nag post neto! Totoo ba talaga tong nakikita kong post na unang unang bumungad sa akin pagkabukas ko ng face book account ko?

Nakakita kasi ako ng post ni Marcelo Santos III na nag sasabing, Oo! Ngayon na! Simulan mo na! GO!

Nag simula akong alalahanin ang naging usapan namin ni ate Zirri kahapon.

"Wag mo naman silang hayaang abusuhin ka."
"Hindi naman pwedeng manahimik ka lang palagi. Gumalaw ka rin naman, para hindi ka inaabuso. Tignan mo nga, sarili mong kaibigan trinaydor ka, paano pa kaya ang mga susunod mo pang makikilalang tao?"

"Ikaw Jessi, tatanungin kita. Gusto mo ba, ganyan ka nalang palagi? Inaabuso? Trinatraydor?"

"Iyan ba ang gusto mo? Hanggang kailan mo hahayaan ganyanin ka? Jessi wag kang tumunganga dyan."

"Kaya mo yan. Kayang kaya mo yan alam ko at alam kong magagawa mo yun kung tutulungan mo ang sarili mo. Ipakita mo sa kanilang lahat. Gumalaw kana."

"Kailangan ko na ba talagang gawin ito ngayon?"tanong ko sa sarili ko.

Siguro ito na nga talaga yung sign na kailangan ko nang simulan. Sisimulan ko na nga yata talaga. Kailangan ko na nga siguro talagang gumalaw.

"Oh ano pang inaantay mo Jessi?"inip kong tanong sa sarili kong nakahilatay parin at nag mumuni-muni parin?"Bumangon kana jan! Simulan mo na ngayon na!"

Bumangon na ako at agad agad ng naligo tsaka nag bihis na ng mabilis. Konting suklay, okay na.

Umalis na ako agad dahil wala naman ako pagpapaalamanan, wala si ate at umalis rin si tita at si uncle masyadong busy sa restaurant na tinatayo eh.

Buti nalang walang traffic at mabilis na akong nakarating sa school. Isa pa, late na din naman na ako, kaya less traffic na.

Napatingin ako sa maluwang na parking lot ng university namin, napakaraming sasakyan ang nandoon, pero merong nakaagaw pansin sa mga mata ko.

Parang nakita ko kasi ang sasakyan ni kuya Gelo. Sasakyan niya nga ba 'yun? Kung ganu'n, ano kaya ang ginagawa niya dito?

Pero baka naman, binibisita niya lang si ms. Principal. Eh maalalahanin parin naman kasi 'yung si kuya Gelo 'e. Wala parin naman nag bago sa kanya simula nung makaalis siya dito sa Pilipinas at makabalik siya. Siya parin ang Gelo na kilala naming lahat.

Nag ingat akong pumasok sa University para walang makakita sa akin ni isa sa barkada ko. I mean ex barkada pala. Recess na kasi ng makarating ako eh.

Alam ko naman na hinding hindi ko maiiwasan ang presensya nila sa bawat paligid ko, pero kahit pansamantala man lang, ayoko na muna talaga silang makita. Ayokong makita ang isa sa kanila. At ang pinaka ayaw kong makita, ay yung dalawang taong pinaka nakasakit sa akin na hindi ko na kailangan pang banggitin ang pangalan dahil baka tuluyan na naman masira ang magandang simula ng araw ko.

"Oh Jessi, anong oras na ah. Bakit ngayon ka lang pumasok? Kanina pa kita hinahanap ah."nakasalubong ko ang adviser ko.

"Pasensya na po, nalate po kasi ako ng gising."dahilan ko."Bakit po ma'am? May sasabihin po ba kayo?"

"Kanina pa nag aantay yung mag tretrain sayo sayo sa Logic competition na sasalihan mo. Gusto ka na daw niya makilala."sabi niya."Nandu'n na siya sa opisina kanina pa. Bakit ba ngayon ka lang?"

Natampal ko ang noo ko sa katangahan.

Ayan kasi, ang tagal ko pang nag muni-muni sa kama ko. Ang dami dami ko pa kasing inisip ayan tuloy, baka nainip na yung magiging trainer ko for the competition.

"Talaga po?"napatakip pa ako sa bibig ko."Nakakahiya naman po sa kanya. Pinaghintay ko pa siya."

"Halika na.  ipapakilala na kita sa kanya."aya ng adviser ko kaya nag punta na agad kami sa school office kung saan nag aantay iyung mag tre-train sa'kin.

Nang makarating na kami dito, napaawang ang bibig ko nang makita kong muli ang isang lalaking palagi ko nalang naabala.

"Good morning Mr. Andrada, this is Jessica Rigell, the most outstanding student in all 4th year sections and the only Logic test perfect passer."pagpapakilala ng adviser ko sa akin."May mga nakapasa pero siya lang ang nakaperfect. Jessi, meet Mr. Gelo Andrada."pagmamalaki pa niya.

"Ikaw?"gulat na reaksyon naming dalawa.

"Excuse me sir, you already know her?"singit 'yan ng adviser ko. Oo nga pala, bagong teacher 'tong adviser namin kaya hindi niya kilala si kuya Gelo.

"Ofcourse I know Jessi ma'am. In fact, I forgot to mention it earlier, University of Callhoun is my alma mater."proud na sabi ni kuya Gelo.

"That's a good thing for Jessi then, mas comfortable siya kung ganu'n na magkakilala na kayo. Buti nalang, kayo ang napiling makakasama ni Jessi."tuwang tuwang saad nung adviser ko.

Nakangiting tumingin sa akin si kuya Gelo."Ofcourse I would love to accompany Jessi, I just hope she loves me too."

"Sir?"pareho kaming napatingin ng adviser ko kay kuya Gelo.

"Excuse me sir Andrada, may gusto ka ba sa estudyante ko?"nagpalipat lipat pa ng tingin si ma'am sa aming dalawa. Napangiti pa siya sa akin ng may halong panunukso.

"What--what I mean is, I just hope that Jessi would love to be accompanied by me too. That's what I meant."napatawa ng mahina si kuya Gelo habang tinitignan parin ako.

Ako naman, hindi ko parin siya matignan, eh sa nangangamatis ang buong mukha ko sa kahihiyan eh. Nag hahagikgikan pa pati iyung mga accountant na nakikinig sa usapan namin.

"Sige, maiwan ko muna kayo, tawagin ko na muna ang principal."tinanguan lang namin ni kuya Gelo ang adviser kong nag excuse.

"Small world huh?"I nodded slowly and shyly.

"Uhm, Gelo Andrada nga pala. Ako ang magiging trainer mo for the competition."pagpapakilala niya pa sa sarili niya na parang hindi ko siya kilala. Nag lahad pa siya ng kanyang palad. Ang formal niya masyadong tignan.

"Kung mag introduce ka naman, parang hindi naman tayo magkakilala."bahagya akong natawa ng mahina.

"Wala lang, I just don't want you to be awkward. But I don't want you too see me as your professor."tugon niya kaya tumango nalang ako.

Tsaka ko naalala nakwento niyang may big task na binigay sa kanya yung University na pinapapasukan niya sa states.

Siguro ito na 'yun. Ang i-train ako.
_______________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon