Chapter 8

253 10 0
                                    

Jessi's POV

Npayuko nalang ako sa isang tabi at napailing iling sa kahihiyan kay kuya Gelo. Mababaliw ako dito kay ate Zirri at kay auntie Marieta 'e.

Ang haharot, ang kukulit. Eto ngang si ate, ngayon ko lang nakitang lumandi ng ganito, parang kakaiba siya ngayon. Yung ngiti niya, ngiting in love. Parang blooming siya ngayon.

"Akala ko pa naman boyfriend mo na rin yung mala artistang yun? Si Gelo lang pala. Hahaha."kilig na kilig parin si ate Zirri hanggang ngayon. Jusko day. Ano na ba talaga ang nangyayari sa ate ko?

"Oo nga, ang lalandi niyo ah. Kakabugin niyo yata ang beauty ng pinakamaganda niyong tita sa balat ng lupa."dagdag pa yan ni tita na hindi rin nag papatalo sa kalandian na inaasal ni ate.

"Hay nako tita. Ikaw parin ang pinaka maganda at harot naming tita."sabi ko tsaka naman siya sumang-ayon at nag appir kaming tatlo ng parang magkaka-tropa."Tsaka kaibigan ko lang si kuya Gelo. wag nanga kayong ano jan."

"Ay basta, maganda parin ako. Pero kayo ah. Jessi, wag ka muna, bata ka pa."pagpapaalala niya. Ito naman si tita masyado rin praning. "Itong ate mo, okay lang na may boyfriend na ngayon."

Wala sa oras na napalaki ang mata ko sa narinig ko."Ano? Kayo na ni sir Garnette!?"

Marahan at pasimple siyang tumango ng may ngiti sa labi niya."Kaninang umaga lang."

"Ang bilis naman ate!"

"Ay basta, sobrang grabeng gwapo parin ni Gelo!! Waaaaahhh!!!"sigaw ng ate kong ngayon ko lang nakitang lumandi tsaka ako hinila papunta sa kwarto namin.

"Aray ate. Ano ba yan! Ang landi mo naman eh!"napaupo ako sa kama."Bakit ka ba ganyan? May hindi ka sinasabi sakin noh? Kwento na!"pansin kong namula siya, ang landi talaga ng aura ngayon ni ate.

"Pwede ba Jessi, wag mo'kong binabaliktad. Ikaw, ang dami mo ng utang sa'kin, kaya ikaw ang mag kwento hindi ako."sabi niya. Oo nga pala hindi ko pa pala nakwento sa kanya yung mga mabilis na pangyayari sa'kin, tambak tambak na.

Napatulala ako ng sandali. Nag iisip ako kung saan ako mag sisimula ikwento ang lahat, nag dadalawang isip din akong sabihin pa to kay ate.

"Ate, wag nalang, ikaw na mag kwento."

Trinatry kong maging calm dahil ayoko ng ikwento yung nangyari kagabi.

Ano nalang ang sasabihin ni ate kapag nalaman niya na yung pinaalam kong manligaw sakin kagabi ay ginawa lang pala akong panakip butas at kinuha lang ang loob ko para mapanalunan ang isang sasakyan?

"Jessi wag mo nakong ginagawan ng alibay. At yang mata mo, ilang araw ng ganyan yan, at mas lalo pang naging small big ngayon? Mag sabi kanga ng totoo."mukhang hindi siya kumbinsido kahit todo takip na ako sa totoong emosyon ko sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa ng mga barkada ko sa akin at tsaka ni Cad.

"At ano tong tinitext sa'kin ni Yerdi, pinapasabi sorry ng paulit-ulit sayo. Hindi mo daw siya nirereplyan. Ano ba talagang nangyayari? Nag away ba kayong dalawa?"pinakita niya pa ang mga sunod sunod na text ni Yerdi sa kanya.

Napabuntong hininga ako.

Wala na yata akong takas kay ate Zirri. Kaya eto napapaluha nanaman ako. Malas naman, Ilang tao pa ba ang kwekwentuhan ko nitong nangyari sa akin?

"Wag mo'kong iyakan. Ano, mag sasalita ka ba o si Cad ang pipilitin kong mag salita? Hindi na pwede yan. Ilang gabi ka nang ganyan."

Yumakap ako kay ate tsaka pinatahan ko lang ng konti yung sarili ko para naman maikwento ko kay ate ang lahat ng nangyari pero umiiyak parin ako.

Sinimulan ko dun sa Volleyball trainee elimination kung kailan kami naging sobrang close ni Cad.

Kwinento ko rin yung nangyari sa amin ni Yerdi, nagkaroon ako ng secret admirer sa locker na si kuya Gelo at sa text na si Cad din pala. Kwinento ko rin yung nagkakilala kami ni Camille at related sila ni Cad at kung paano ako pinili ni Cad over her para lang sa sasakyan at dahilan niya para maka-move on na lumalabas na ako ay isang panakip butas lamang.

Ang sakit lang balikan sa isip ko e, kaya nasasaktan ako habang binabahagi ko ito kay ate.

Lahat lahat ng nangyari. Lahat ng ginawa nila sa akin, kung pano nila ako nagawang traydorin lahat.

"Eh mga gago't traydor naman pala yang mga kaibigan mo eh. Lalo na yang Yerdi at Cad na yan ang kakapal ng mukha."galit na galit na sabi niya."Humanda sakin yang mga yan pag nakita ko."

"Ate, wag na. Hayaan mo na sila. Wala naman din mag babago eh."nakayukong busisi ko habang nag pupunas ng luha ko.

Naisip ko lang kasi na kahit iganti ako ni ate Zirri sa kanila, wala rin naman mababago dahil tapos na nila akong traydorin. Nagawa nila 'yun at kailangan ko nang tanggapin kahit na mahirap pa ito sa akin.

"Jessi ano ka ba naman?"napahawak siya sa sentido niya habang palibot libot sa kwarto. Siguro hindi rin siya makapaniwala sa mga ikwinento ko. Kung ako nga, nahihirapan paniwalaan 'yun, dahil itinuring nila akong kaibigan, siya pa kaya?

"Kung ikaw kaya mong manahimik, ako hindi. Ate mo'ko. Hindi ko sila hahayaang ganunin ka nila."

Ito na sinasabi ko kaya ayoko mag kwento kay ate kasi alam kong magagalit siya. Alam kong hindi masasaktan lang din siya para sa akin. Pero wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang totoo. Wala naman na akong kaibigan na mapagsasabihan dahil lahat sila, pare-pareho akong niloko.

"Eh ate, anong gusto mong gawin ko? Hindi ko sila kayang gantihan. Alam mo naman hindi ako ganun."humihikbi parin ako hanggang ngayon.

Saglit siyang napatigil sa paglalakad at napaisip ng mabuti.

"Jessi hindi sa inuutusan kitang gumanti pero palagi ka nalang nanahimik. Wag mo naman silang hayaang abusuhin ka."

"Pero anong dapat kong gawin? Hindi ko na alam ate. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Hindi naman pwedeng manahimik ka lang palagi. Gumalaw ka rin naman, para hindi ka inaabuso. Tignan mo nga, sarili mong kaibigan trinaydor ka, paano pa kaya ang mga susunod mo pang makikilalang tao?"

May punto si ate. At nakukuha ko iyun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya ipinapaintindi sa akin ang natutumbok kong punto niya sa mga pinagsasabi niya.

"Sa tingin mo ate, dapat ko ba silang gantihan?"usisa ko.

"Jessi hindi ako ang makakasagot niyan. Ikaw lang, wala ng iba. Ikaw Jessi, tatanungin kita. Gusto mo ba, ganyan ka nalang palagi? Inaabuso? Trinatraydor?"

Sunod sunod akong napailing.

"Iyan ba ang gusto mo? Hanggang kailan mo hahayaan ganyanin ka? Jessi wag kang tumunganga dyan. Kapatid kita at ayokong makita ka na nasasaktan."

I just shook my head again. Actually, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung mabait lang akong tao o sadyang ang tanga tanga ko.

Ayoko ng tumingin pa kay ate at marinig ang susunod niya pang sasabihin dahil may point siya.

"Pero pano ko sila gagantihan?"

Napaisip na naman ng malalim si ate. Sa tingin ko ay nakalipas ang dalawang minuto bago niya napag-isipan sagutin ang tanong ko.

"Eh kung mag papayat ka kaya?"suhestyon niya."Tama. Mag papayat ka, ipakita mo kay Cad. At iparealize mo ng paulit ulit sa kanya."napatango-tango pa siya habang iniisip ang ideya niyang yun'.

"Magpapayat?"naningkit ang mga mata ko. At para saan naman? "Ate alam mo namang naka-ilang attempt na ako jan pero nahihirapan ako at wala naman nangyayari, hindi ko kaya."

"Jessi makinig kang mabuti sa akin."hinawakan niya ako ng magkabilaan sa braso ko, tumingin siya ng napaka seryoso sa akin.

"Kaya mo yan. Kayang kaya mo yan alam ko at alam kong magagawa mo yun kung tutulungan mo ang sarili mo. Ipakita mo sa kanilang lahat. Gumalaw kana."

_____________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon