Chapter 15

287 10 0
                                    

________________________________________

~

Hinihintay ko ngayon si kuya Gelo sa training room kung saan niya ako itre-train. Nag bihis lang muna siya saglit sa cr para makapagpalit ng gym attire.

Habang hinihintay ko siya, nakatingin ako sa mga taong nasa harap kong nag eensayo rin. May mga katabaan din tulad ko. Halatang nag hihirap din sila para matamo talaga nila 'yung gusto nilang katawan. Iyung mga iba naman, halatang daily routine na nila ang pag lalaro dahil sa maayos na korte ng katawan nila.

Napabuntong hininga na lang ako ng wala sa oras."Kaya ko ba talaga ito?"tanong ko sa sarili ko.

Gustong gusto ko talaga na mangyari ang bagay na ito, matagal na. Ilang beses na rin akong nag attempt na gawin ito pero sumuko ako kaagad. Sana talaga this time magawa ko na talaga ang dapat kong sinimulan dati pa na palagi nalang nauudlot.

"Ano ading? Start na ba tayo?"iniluwa ng pintuan sa training room si kuya Gelo. Nakasuot siya ng adidas na kulay grey pantaas, tsaka may partner na blue short with black stripes.

"Sa tingin mo ba kuya, worth it ang lahat ng ito? Magawa ko kaya ito? Mag tagumpay kaya ako dito?"sunod sunod na pag tatanong ko sa kanya. Sadyang wala kasi akong bilib sa sarili ko kaya ito, gusto kong makakuha ng words of wisdom mula sa ibang tao.

"Of course Jessi. I know you can do this."napaiwas ako ng tingin nang hawakan niya ako sa kamay."Wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat, tutulungan kita sa lahat ng alam kong paraan."

Nang mapansin niyang, nailang ako sa ginawa niya, bumitaw siya agad sa kamay ko."Sorry ading."

"Okay lang kuya. Tara, start na tayo."aya ko sa kanya.

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. "Wait, before we start, think of a motivation."

"My Motivation?"

"Yeah. Ano ba ang motivation mo para makapagsimula ka na?" tanong niya.

Napaisip ako. Ano nga ba ang motivation ko para makapagsimula na akong baguhin ang sarili ko? Wala ng ibang pumasok sa isipan ko kundi ang mga traydor kong barkada at kaisa-isang lalaking nag paikot ng ulo ko. Iyung lalaking 'yun na pakitang tao lang pala.

"Motivation ko? Ang paghigantian ko silang lahat na trumaydor sa akin."

Nag iba ang timpla ng mukha niya sa malamig na tono ng boses ko.

"Mali."napailing-iling siya."Remember, the right motivation gets you started, habit keeps you going."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Para kasing pinaparating niyang mali ang motivation ko para mag simula. Mali bang maging motivation ang mga taong nag baba sa iyo, para mai-angat ang sarili mo?

"Ha? Eh ano dapat?"

"Always remember, when you start doing something, you should be motivated by yourself first. Isipin mo muna ang sarili mo ading, do it for yourself."pagpapaalala niya.

"Kasama na rin naman talaga ako sa pagbabagong gagawin ko."paglilinaw ko. "Ayoko na rin naman maging ganito kataba forever. At syempre, para mag higanti."

Napabuntong hininga siya tsaka dismayang tumingin sa akin.

"Wag mo muna silang isipin ading. Sarili mo lang muna ang iisipin mo ngayon. Whatever happens, pwede pa mag bago isip mo."

"Hindi na mag babago ang isip ko kuya. Mag hihiganti ako sa kanilang lahat. Ipapakita ko sa kanila. Pag balik ko, hinding hindi na nila ako makikilala."pagmamatigas ko.

Sisiguraduhin ko talaga ang lahat ng ito'y kakayanin ko. Para sa sarili ko 'to, kailangan kong mag tagumpay sa misyon kong ito. Wala na akong nakikitang ibang rason para umurong pa sa kabuo-ang deseisyong nagawa ko. Wala na akong nakikitang tao para pigilan ako sa mga gusto kong mangyari.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon