Wait for my next update, may part 2 po ang epilogue! :)
____________________________________
- - -
Hindi ako makapaniwalang ako ang nag hahabol ngayon. Kahit alam kong malayo na siya, gagawin ko ang lahat para maabutan siya. Para lang sa kuya ko na minahal ko na talaga sa mga panahong wala ang ex ko sa tabi ko.
Kahit na hindi niya na ako tanggapin, at ma-kuyazoned pa ako basta maipagtapat ko sa kanya ang namuong pag ibig ng mga panahong madalas na kami mag kasama.
Ngayon ko lang nalaman na ngayon ang alis niya kasi sinabi sa'kin ni Cad. Kasama ko siyang tumatakbo ngayon para habulin ang kapatid niya.
Nang makarating kami sa entrance ng airport, hinarangan agad ako ng guard."Miss, bawal pong pumasok. Mag pakita muna kayo ng passport."pang eepal ng guard sa habulan moment na ito.
"Papasukin niyo na po ako. Kailangan kong maabutan yung kuya ko."pagmamakaawa ko sa kanya tsaka lang naman siya napakamot sa ulo niya."Alam mo miss benta na yan sa pelikula e. Wag mo nanga akong i-stylan."singhal niya kaya nabadtrip naman tuloy ako sa boompanot na 'to.
"Pwes kung bumenta sa pelikula, malamang bebenta to sa wattpad!"mariin na sabi ko.Pero poker face parin ang ginanti ng panot na'to
Biglang sumulpot si Cad sa tabi ko na ngayon lang nag salita."Kuya Juno papasukin niyo na siya kailangan niya lang mahabol yung kapatid ko."pakiusap niya
Sinuri mabuti ng guard ang mukha ni Cad bago mag salita."Sir Cad, ano pong ginagawa niyo dito? Kasama niyo po ba si Ma'am Camille?"
Madalihang umiling si Cad."Hindi eh, sige na Papasukin niyo na tong kaibigan ko."
"Sige sir. Hindi ko po kasi kayo nakilala kanina eh. Pasensya na po."tinap nalang ni Cad yung balikat ni manong guard tsaka na kami pinapasok sa loob.
"Bakit magkakilala kayo nung guard?"nag tatakang tanong ko
"Sila Camille ang may ari nitong airport eh."sagot niya
Pag dating namin sa pinagaantayan ng pasahero, wala ng tao dun kaya naisipan kong mag tanong sa flight attendant na napadaan.
"Miss, asan na po ang mga pasahero?"nanginginig na tanong ko. Natatakot ako sa sagot niya, natatakot ako na baka marinig ko yung kinakatakutan kong sabihin niya. Pero tinatagan ko ang loob ko.
"Nakaalis na po silang lahat ma'am."kumirot ang puso ko sa aking narinig. Masakit masyado para sa'kin marinig yung pinaka ayokong marinig na kataga ngayon.
Muling bumagsak ang mga luha ko sa hindi inaasahang pagkakataon. Kahapon na isa, ayun ang unang beses na umiyak ako dahil kay kuya Gelo kasi for the first time tinanggihan niya ako. Tinanggihan niya ang halik ko. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong paiyakin sa pangalawang beses. Hindi man ito sinadya pero siya parin ang dahilan ng pag iyak ko at hindi na si Cad.
At mas lalong hindi ako makapaniwalang yung nag papatahan sa akin ngayon ay ang lalaking dahilan na madalas kong pag iyak noon.
"Boss--ay Jessi, tahan na. Pinapaiyak mo rin ako eh."sita niya. Tinignan ko ang mga mata niya, mukhang maiiyak na rin nga siya.
"Grabe ka naman makasuporta. Lupet mong kaibigan ah."natawa naman kaming dalawa pero mangiyakngiyak kami habang tumatawa.
Biglang nag seryoso ang mata niya."Ang totoo niyan nasasaktan ako dahil sa dalawang dahilan."pag amin niya
Tinignan ko lang siya ng blangko."Una,kasi ibang lalaki na ang iniiyakan mo."napangiti siya ng mapakla."Pangalawa, masakit pala dito."tinuro niya ang puso niya."Sobrang sakit pala nung naramdaman ni Gelo nung mahal mo pa ako at iniiyakan mo pa ako."
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.