Cad's POVI inducely sighed. This life is bullsht.
Sinasabi ko na nga ba hindi na dapat ako pumunta sa pool party na because I knew that this is going to happen.
Bored ako, at sobrang nabwibwisit sa mga tao, naiirita at naiinis kay Camille, and most of all, nalalandian ako sa dalawang taong nag susubuan dito sa harapan ko ng barbeque.
Alam ko naman pinagseselos ako ng sobra at iniinis ako ni Jessi sa bawat lambingan nila ni Gelo. And yes, honestly, I am deadly jealous of them. I am jealous of Gelo. For him having Jessi, having all dad's love, kahit naman ayos kami ni dad, ramdam ko pa rin naman na mas mahalaga si Gelo sa kanya. And I bitterly admit it, that I am envious of him, for all what he has.
"Baby do you want some barbeque?" Camille asked.
Kanina pa talaga siya dikit ng dikit sakin. She keeps on bugging me. I feel so irritated everytime she's around.
"No, Im okay." I answered, annoyed.
"Please? Ako mismo nag grill nito for you, just take a bite."
Tinutok niya sa akin yung stick ng barbeque at pilit na sinusubo sa bunganga ko. Mas lalo pang umiinit ang ulo ko sa nakikita ko ngayon.
Kanina nag susubuan, ngayon naman nag huhulian sa hagdan. Muntikan pa talang masubsob si Jessi, kung hindi lang siya napigilan ni Gelo. Ang careless rin talaga nitong epal na 'to. Tawa pa rin ang inuna ng mga ito at landian.
Hindi ko namamalayang kanina pa ako kinakausap ni Camille dahil nga sa tutok ako sa dalawa. Pinipilit niya parin akong kainin yung inihaw niyang barbeque.
"Camille I said I don't like to eat! Kung gusto mo isiksik mo sa bunganga mo at lamunin mo mag isa!"
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Sinigawan ko siya at napatingin sa aming dalawa ang lahat. Maski ako nagulat sa sinabi ko kay Camille. I didn't expect that things will reach to this point. I never expected I'll be this miserable because of Jessi.
Jessi's POV
Mag didilim na pero andito pa rin kami sa beach resort na pinuntahan namin.
May plano yata silang mag over night dito, pinag uusapan pa nila sa loob. Ang gulo nila. At ako naman ay mag isang gumagawa ng bonfire gamit ang dalawang batong ipinagkikiskisan ko na hindi ko matapos tapos kanina pa.
"Anong petsa na, hindi ka pa rin ba tapos?"
Tinabihan ako ni Cad sa punongkahoy na inuupuan ko. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Bigla bigla na lang siyang sumusulpot.
"Ano na naman problema mo? Umalis ka na nga." iritadong untad ko sa kanya.
Dumistansya ako ng konti sa kanya. Mahirap na dahil baka mapagkamalan pa akong ahas ng girlfriend niyang obsessed na obsessed sa kanya. Makatabi siya, akala mo naman close kami.
"Ang sungit mo naman, parang wala tayong pinagsamahan." natatawang sabi niya tsaka ako siniko. Aba di pa nakuntento naniko pa talaga.
"Aray, makasiko ka kala mo naman close tayo? Ano ka sinuswerte? Ang kapal ah."
"Bakit? Hindi ba?" nakangising siya tsaka umakbay sa akin. Inirapan ko lang siya tinabig ang kamay niya na nakaakbay sa likod ko.
Sandali kaming natahimik pareho nang tabigin ko ang kamay niya. Damang dama ko ang direstyong pag titig niya sa akin kahit naka-side view ako.
"Sorry."
Napatingin ako sa kanya nang seryoso siyang mag salita. "Para naman saan?"
"Sa lahat. Sa lahat ng ginawa ko sayo. Kahit hindi ngayon, sana mapatawad mo parin ako at mabigyan mo parin ako ng puwang jan sa puso mo."
Wala akong maisip na sasabihin sa kanya. Ayoko ng pag usapan namin ito. Hindi pa ako handa pero bakit ba parang palagi niya na lang pinipilit? Hindi niya ba naiisip na mahirap sa akin pag usapan ang ginawa niyang panloloko sa akin?
Titig na titig lang ako sa mukha niya. Walang expression sa mukha ko habang siya naman ay punong puno ng kalungkutan ang mukha niya.
Walang nag bago sa mukha ni Cad. Sa dalawang buwan at mahigit na hindi kami nag sama, hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan niya. Pero yung mga mata niya, mukhang napakalungkot at miserable niya. Yung itsura niya, naalala ko, ganitong ganito yung mata niya nung una ko siyang makita.
Napakagwapo niya nung una ko siyang makita, pero walang aliwalas ang mukha niya nu'n. Parang malungkot siya kahit tinatawanan niya ako nung pinagtritripan niya ako dahil hindi niya ako kayang buhatin sa likod niya.
Napansin ko rin ang pananagalog niya. Ang taray nga nung puwang sa puso mo eh. Parang gumaling na siya sa Filipino.
Hinawakan niya yung mukha ko pero agad akong nag iwas ng tingin.
"Jessi, can I ask you something?"
"So what do you think you're doing now? Pagsasagot ba ang ginagawa mo hindi pag tatanong kung pwede akong tanungin?" pamimilosopo ko.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
"Ma--mahal mo pa ako diba? Answer me, honestly."
Mas lalong hindi ako makatingin sa tinanong niya at hindi ko rin alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob pero ang lakas ng loob niyang mag tanong ng mga ganitong klaseng tanong. Parang hindi niya na pinagisipan pa.
"Jessi please. Answer me. Kapag sinagot mo ang tanong ko, whatever it is. I'll accept it."
"Bakit mo ba ako tinatanong niyan?"
"Jessi bakit? Tama ako diba?" tumalima ng tingin niya sa mga mata ko. "Ano? Hindi na?"
"Si Gelo ang mahal ko."
Hindi ko rin alam kung bat ko nasabi yun dahil kahit lokohin ko pa ng sagot ang sarili ko, alam kong hindi yun ang totoo. Alam kong nag sinungaling ako sa kanya. Pero ayaw ko ng mag sabi pa ng totoo, masasaktan lang naman ako kaya pinili ko na lang na paniwalain ang si Cad at ang sarili ko sa kasinungalingan na alam naming pareho.
Napatango-tango siya at napangiti ng mapakla. "Really? Are you trying to convince me? Or yourself?"
"Ano bang sinasabi mo? Sinagot ko na yung tanong mo diba? Bakit ayaw mo pa akong tigilan?"
"I said answer me honestly!"
"Bakit? Sa tingin mo ba nag sisinungaling ako?"
"Oo! Dahil hindi yan ang sinasabi ng mata at puso mo nung nag halikan tayo sa madalim na kwarto kung nasan tayo nung prom night!"
"Aksidente lang yung nangyari sa atin Cad!"
"Oo aksidente nung una. Eh nung hinalikan kita ng pangalawang beses? Aksidente bang ako mismo ang napabitaw sa halikan natin dahil ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso mo? Aksidente ba kung paano ka makapagtitigan ng malagkit sa mga mata ko?"
Gulong gulo na ang isip ko. Nag fla-flashback sakin lahat ng nangyari nung prom night. Totoo ang mga sinabi niya. Pero hindi ako sigurado kung aksidente ba ang lahat ng nangyari sa akin, na lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa halikan naming dalawa.
"Hindi ka makasagot. Marunong kang mag sinungaling Jessi pero hindi mo ako maiisahan. Hindi nagkakatugma ang sinasabi ng salita mo sa sinasabi ng mga mata mo."
Naramdaman ko ang luha kong paulit ulit na tumutulo dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Umalis kana Cad."
"Kung talagang hindi mo na ako mahal, sabihin mo sa akin ngayon sa harapan ko. Sabihin mong hindi mo na ako mahal. Dun lang ako maniniwala."
"At sino ka naman para utusan akong gawin yun? Hindi mo ako mapapasunod sayo." pagmamatigas ko.
Nilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako. Iba ang halik niya sakin ngayon, mas nag iinit, mas madiin kaysa nung first time namin sa madilim na kwarto.
Damang dama ko ang kasabikan niya sa labi ko. Ayoko siyang hayaan na gawin to, pero hindi ko magawang ilayo ang sarili ko.
Hindi pwede 'to. Niloko ka niya dati Jessi. Wag kang mag papadala.
_________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/26878803-288-k427891.jpg)
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.