Chapter 62

82 5 0
                                    

Jessi's POV

Hayy nako. Mababaliw ako dito sa dalawang magkapatid na to. Nakakailang movie na kami, pero wala parin nangyayari eh.

Ilang beses ko na silang iniwan sa couch habang nanuod ng movie pero walang usapang nagaganap unless ipush ko tong si Cad kausapin si kuya Gelo.

"Oh ano? Kamusta yung dalawang magkapatid?"tanong sa'kin ni ate Inday. Pangatlong balik ko na kasi to para sa popcorn pero wa epek nga kasi eh.

Bumuntong hininga ako."Ayun, wala parin po eh. Naloloka na ako at Inday kung paano ko sila mapagbabati."

"Mag babati rin yang mga yan."panigurado niyang sabi."Pero antayin mo lang, kahit ano pa naman ang mangyari, magkapatid parin sila eh."bigla kong naibaling ang tingin ko sa anak ni ate Inday na hinihimas ang tiyan ni ate Inday. Buntis kasi ito at malaki laki na ang tiyan, mukhang paanak anak nanga eh.

"Mahal na mahal niya po yung kapatid niya noh?"

"Aba oo."sagot ni ate Inday."Excited nga to na makita na yung kapatid niya pag lumabas na to eh."napangiti naman ako sa bata sa pagmamahal niya sa kapatid niya. Naalala ko tuloy si ate Zirri, nasan na kaya yun? At ang goal ko, kung pano ko mapapagsundo yung dalawang magkapatid na kanina pa nasa couch na hindi nag iimikan at ngumunguya lang ng popcorn.

"Ano po ba ang anak niyo?"hinawakan ko ang tiyan niya."Ang laki laki na po ng tiyan niyo ate Inday. Kailan po ba kayo manganganak?"

"Malaki na talaga to, kasi kabwanan ko na ngayon eh. Lalaki ang anak ko."napangiti rin siya habang tinitignan ang tiyan niya.

"Ah, kaya naman pala napaka-excited netong anak niyo eh."hinimas ko ang ulo ng anak ni ate Inday."Alam mo, sana yung pagmamahal mo sa kapatid mo, ganun na rin yung dalawa dun oh."sabi ko dun sa bata

"Ito nanga pala yung popcorn niyo oh. Nilagyan ko na rin ng cheese powder yan."inabot na sa'kin ni ate Inday ang container na nag lalaman ng popcorn.

"Salamat po ate Inday."nag tungo na ako sa mga gwapo at punong puno ng drama ang buhay magkapatid para ibigay pa tong popcorn at saluhan silang manuod ng movie.

"Boys, ito na yung popcorn niyo."nilapag ko na sa table yung popcorn.

Bigla akong hinila ni Cad kaya napakandong ako sa hita niya."Ah boss, baka gusto mo kaming saluhan dito?"hinalikan pa ako sa pisngi. Tumingin naman sa amin si kuya Gelo.

Siniko ko tuloy abs niya tsaka binulungan siya."Boss ano bang ginagawa mo?"

"Bakit, ano bang ginagawa ko sayo?"pabalik na tanong niya.

"Ginaganito. Nilalambing."pagbubunyag ko. Nagulat naman ang expression niya.

"Oh ano naman ngayon?"gulat pa niyang tanong."Girlfriend naman kita ah."dahilan niya

"Hindi yun ang point ko."paglilinaw ko."So kailangan sa harap ng kapatid mo, para mag selos siya ganun?"hindi na siya nakasagot. Marahil ay nakuha niya na ang point ko.

"Oh, ngayon parang nag tatampo kapa."hindi lang siya makatingin ng maayos sa akin."Eh gusto ko lang naman makuha mo yung point ko eh."

Tahimik kaming tatlo dun ng may marinig kaming isang malakas na sigaw na nanggagaling sa kusina.

Nanlaki ang mata naming tatlo at tumakbo agad patungo ng kusina.

"Sir Gelo, manganganak na po ako!!!!"dali dali naming inalalayan si ate Inday hanggang sa makalabas kami ng bahay ni kuya Gelo na binigay sa kanya ng daddy niya.

"Naku, patay. Sira pala yung hand break ng sasakyan ko."tarantang sabi ni kuya Gelo. Tumingin siya kay Cad."Pwede bang mahiram ang sasakyan mo?"para namang hindi makasagot si Cad sa simpleng tanong ni kuya Gelo.

"Sir Gelo, sir Cad, magkasundo na po kayo, tama na yang drama niyo."pakikiusap ni ate Inday."Ahhhhhhhh!!!!!! Lalabas na anak ko!!!!!!"mas lalo pa kaming nag panic dahil sa lakas ng sigaw ni ate Inday.

"Tara na, tara na. Sumakay na kayo sa kotse ko."dali daling sabi ni Cad tsaka na kami lahat sumakay at nag punta ng ospital.

Burn's POV

Tapos na naming makausap si mang Jun. Yung tunay na pumatay kay daddy. Humingi na siya ng patawad kay mang Franco at pati rin sa'kin.

Totoo nga ang mga kwinento sa akin ni mang Franco. Saktong sakto din sa kwento ni mang Jun. Totoong ginawa niya yun kay daddy at nakita ko kung paano siya umiyak kanina dahil nag sisisi na siya. Totoo rin na may taning na ang buhay niya, 4th stage na pala ang lung cancer niya. Sobrang hina niya na rin kung titignan mo siya.

"Burn, alam kong wala akong karapatan humiling sayo, pagkatapos ng ginawa ko sa daddy mo."sinusubukan niyang tumayo sa wheel chair niya pero hindi niya magawa kaya umupo nalang ako sa harap niya."Ano po yun mang Jun?"

"Pwede ko bang mapuntahan ang mommy mo? Kahit saglit lang, hihingi lang ako ng kapatawaran sa kanya."umiiyak parin siya ngayon at parang hindi na makahinga ng maayos.

"Pero pare mahina kana, delikado ang lagay mo kaya dapat manatili ka nalang dito sa bahay niyo."nag aalalang sabi naman ni mang Franco

"Oo nga po mang Jun."pagsang-ayon ko."Baka kung ano pa po ang mangyari sa inyo."

"Wala akong pakialam."nanginginig na siya, at nahihirapan mag salita."Ito nalang ang pinakamabuting magagawa ko bago man lang ako sumakabilang buhay."pagpipilit niya."Siguro nga, ito na yung karma ko sa lahat ng mga ginawa ko sa daddy mo."tinanguan ko na si mang Franco para umalis na kami at mag punta kay mommy. Tumayo ako papunta sa kanya.

"Mang Franco, pagbigyan na po natin si mang Jun. Nakakaawa naman po."pakiusap ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at napangiti ng mapakla."Naaalala ko sayo si Sig. Parehong pareho kayo ng daddy mo napakabuti niyong tao."

Napangiti ako sa sinabi niya. Napagdesisyonan na namin na mag tungo na kay mommy bago pa mahuli ang lahat. Alam kong hindi naman ganun kadaling mag patawad sa bigat ng atraso niya sa pamilya ko, pero sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan ng isang taong nag sisisi na at bilang na ang mga araw.

"Anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?"bungad agad sa kanila ni mommy."Burn what is going on here? Bakit mo sila kasama?"sunod sunod na tanong niya

"Ma, andito sila para sabihin lahat ng totoo."mariin na sagot ko

"Anong totoo?"

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita."Ang totoo po sa pagkamatay ni daddy."pagbubunyag ko."Hindi po talaga si mang Franco ang totoong pumatay kay daddy."

Kumunot naman ang nuo niya sa akin."Burn wag kang mag sisinungaling!sigaw niya."Wag mong pinagtatakpan ang kasalanan ng ama ng girlfriend mo!"

"Ma hindi ko sila pinagtatakpan. I just found out the truth."tumingin si mommy ng masama sa aming tatlo.

"Totoo ang sinasabi ng anak mo Amanda."singit ni mang Franco."Nandito ako para linisin ang pangalan ko sa pamilya niyo at sabihin sayo ang totoo."

"Amanda, patawarin mo ako. Ako ang pumatay kay Sig."pagbubunyag ni mang Jun."Gawin mo lahat ng gusto mo sa'kin. Saktan mo na'ko hanggang sa mamatay ako, ipakulong mo na'ko. Tatanggapin ko lahat Amanda, basta mapatawad mo man lang ako bago ako mawalan ng hininga."

Iniwan na muna namin sila dun ni mommy at ni manong Jun para makapag usap. Pero nakikinig parin kami sa usapan nila.

____________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon