Chapter 50

112 5 0
                                    

________________________________________

Nakakaimbyerna talaga tong lalaking to, kahit mahal ko pa to. Bumabalik yata siya sa dati niyang pagkayabang!

Okay may abs siya, paki ko ba?

Edi pinagpapantasyahan mo lang naman kasi siya noh. Malandi kang manyak ka.

Bongga rin tong konsensya ko eh ano? Nagkaruon pa talaga ng linya sa storya ko? Patayin ko kaya to, hayup eh. Ay hindi pala pwede. Syempre konsensya ko to eh. Edi malamang mamatay din ako. Hahaha.

"Tss. Ke-babaeng tao, pervert."

Nag init lang naman ang tenga ko sa sinabi niyang iyon. Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya.

"Ang kapal mo naman, di ako pervert noh!"tinawanan niya lang ako habang pailing-iling pa.

"Okay. Sabi mo eh. Tsk." tinalikuran niya nalang ako habang iniiwan ako dun na bwisit na bwisit parin.

"Hoy!"tawag ko sa kanya pero hindi lang siya lumingon at nag panggap lang na bingi kahit alam niya namang siya yung tinatawag ko. Patuloy parin siya sa pag lalakad.

Sa inis ko, tumakbo ako papunta sa kanya."Hoy ano ba!"tinapik ko ng malakas talikuran niya kaya humarap naman siya sakin ng gulat na gulat.

"Aray! Ano bang problema mo?"natatawa pa siyang nag tatanong habang hinihimas ang talikuran niyang tinapik ko ng malakas.

"Kanina pa kaya kita tinatawag para kang bingi!"bulyaw ko sa kanya.

"Bakit? Tinawag mo ba yung pangalan ko?"tinuro pa niya ang sarili niya na parang di pa siya sure kahit nag mamaangmangan naman siya. "Hoy kaya sabi mo?"

Inirapan ko nga siya."Baka kasi tanga ka?"hay nako, nakakapanggigil talaga itong lalaking to.

"Hala. Wow ah. Salamat ah. Tinanga mo pa talaga ako."tinalikuran niya nanaman ako ng parang walang galang.

"Hoy kinakausap pa kita. Wag kangang mag maang maangan. Alam naman nating pareho na ikaw naman yung tinatawag ko.

At syempre, gaya kanina tinatawanan niya nanaman ako. Malamang kotang kota na to sa mukha kong namumula sa inis.

Muli niya akong nilingon at tumila ng konti sa paghagikgik."Oo na, sige na. Okay na po, ako na may kasalanan. Ano bang kailangan mo?"maamo niyang sambit na parang gumive up na sa pakikipagsabayan sa kabwisitan ko.

"Sa--saan ka ba pupunta? Hi--hindi mo ba ako tatawagin? Ba't hindi mo'ko hinihintay?"pautal utal kong sunod sunod na tanong.

Mula sa bungisngis, sa tawa, ngayon naman ay level up nanaman siya, binigyan niya na ako ngayon ng isang halakhak. Aba patindi na ng patindi tong hayup na to ah. Baka naman sa susunod, umiyak na to. Dahil na sa tears of joy?

Nainsulto nanaman ako sa mga tawa at tingin mga tingin niyang makalaglag brief at panty ngunit nakakatanga.

"Ano bang nakakatawa hayup ka? Kanina ka pa tawa ng tawa. Baka naka drugs ka ah. Baka rapin mo pa ako."patay malisya kong sambit sa kanya.

"Ang kapal mo naman, hindi ka na talaga nahiya mag sabi niyan. Ako pa talaga ang mang rerape sayo? Eh ikaw nga kung makatitig ka sa katawan ko parang hinuhubaran mo nako sa isip mo eh."sinuot niya na yung v-neck t-shirt niya."Kaw nga tong manyakis eh. Hahhahahahaha."tumakbo na siya tsaka ko naman siya sinundan. Teka, totoo ba to? Ako ngayon ang humahabol sa lalaking dati ako ang hinahabol? It's so not me pigsters. Kaiyak ajujujuju.

"Hindi ako manyak!"

"Whatever Jessi! Hahahahha bye!"

Biglang akong nahurt sa tinawag niya sa akin. Ngayon niya lang ako uli tinawag sa pangalan ko pagkatapos niya akong suyuin araw araw. Pangalan ko man to, pero hindi ko nagustuhan na tinawag niya ako sa pangalan ko.

Napatigil nalang ako."Nangunguna ka nanaman. Gaano ka ba kaliit at lagi kang nangunguna?"napahinto rin siya at tsaka inilingon ang ulo niya sa akin, kitang kita ko kung paano gumalaw ang muscles niya sa broad shoulder niya. May hugot yung sinabi ko guys, sure ako gets niyo yan. XD

"Eh ikaw? Matanong nga kita Jessi."kumirot uli ang dibdib kong malaki pa sa dibdib ni miss awtor. Charr."Gaano ba katangkad ang pagsisisi at laging nasa huli?"natulala ako sa sinabi niya. Shutang ina, natalbugan niya yung who goat lines ko. Shet, mejj masaquette. Pero mas masakit yata dahil ayokong isipin kung ano ang sinasabi niyang huli na.

"A--anong ibig mong sabihin na huli na?"painosenteng tanong ko. Mejj nabobobo kasi ako sa puch line na ibinato niya sa akin eh.

"Edi i-gets mo. Matalino ka diba?"ngumisi siya at iniwas ang tingin niya sakin.

"Huli na ba talaga Cad? Huli na ba talaga? Bakit? May iba kana ba agad?"nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano. Sht. Ayoko ng ganito.

"Yes. There is."madalihan niyang sagot na para bang hindi ito pinag-isipan at siguradong sigurado na sa sagot na kahit kailan walang bakas na dapat niya pa itong bawiin.

Natulala at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng sobrang inis at curiousity dahil gusto kong malaman kung sino ang ipinalit niya sa akin.

"Are you trying to crack a joke?"patay malisya kong tanong sakanya.

Umiling siya."No, Im not. Im dead serious."

"Quite fast huh?"sagot ko agad at nag aangas angasan pa ako pero ang totoo naman isa lang ang gusto kong gawin ngayon. I just wanna burst into tears."Sino siya? Pwede ko bang malaman?"desperado kong tanong

"Bakit pa? Hindi mo na rin naman ako mahal diba? So, why care about her? About, us."may diin siya sa salitang US. Hindi ko malaman laman kung sinong US ba ang tinutukoy niya. Kung siya ba at ang bago niyang mahal, o siya ba at ako na dati niyang mahal? Ayokong masaktan, but I can't help but to assume kasi ayun ang gusto kong paniwalaan, na KAMI parin ang tinutukoy niya at hindi siya at yung bago niyang mahal.

"Please. Sabihin mo na."pagmamakaawa ko

"Patay na siya."walang expression niyang sagot. Nagulat naman ako at mas lalo pang nacurious kung sino ang babaeng iyon.

"Wag mo nakong lokohin. Please, gusto ko lang siyang makilala. Sino ba siya? Just let me know."alam kong tunog na tunog na ang kadesperadahan ko sa boses ko.

"THE WOMAN YOU USED TO BE."

Parang tumigil ang buong sistema ko sa narinig kong sinabi niya. Ako parin? Ako parin talaga pero hindi ako natutuwa sa sagot niya. Hindi dahil sa mali ang sagot niya. Ayun naman ang gusto kong marinig na sagot mula sa kanya pero hindi ko inaasahang sa ganitong paraan pa.

Tuluyan na akong naiyak, hindi rin dahil ayoko ang sagot niya. Ako pa rin naman yun pero parang ang gusto niyang iparating ay patay na ang dating babaeng minahal niya na hindi namin mawari kung makakabalik pa ba.

Tinalikuran niya ako pero nag lakad lang siya. Tumakbo ako papunta uli sa kanya. Niyakap ko na siya mula sa likod niya. Wala na akong paki kung ano pang sasabihin ng iba sa ginagawa ko ngayon. Kahit na marami pang taong ngayon dito sa campus.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil dinig ko ang bilis at lakas ng pintig ng puso niya. Sana mali ang akala ko. Sana hindi nalang siya gulat. Sana ang dahilan ng bilis at lakas ng pag pintig ng puso niya ay dahil sa yakap na ginagawa ko sa kanya ngayon.

Ayaw ko na siya bitawan pa sa pagkakataong ito. Ayoko ng umalis dito kay Cad. Mahal na mahal na mahal ko parin siya at hindi ko na siya kayang saktan pang muli.

_______________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon