Chapter 71

59 5 0
                                    

______________________________________

Nag si-alisan na ang mga barkada ni Jessi pagkatapos nilang mag pasukat at mag fit ng mga gowns at suit nila.

Pero kami ni Jessi nag paiwan nalang muna dito sa labas ng boutique. Nag papahintay kasi sa amin si ate Zirri dahil pupunta daw siya dito, may pupuntahan daw kaming tatlo pero wala kaming idea kung saan.

Napatahan ko na si Jessi pagkatapos ko siyang make-up-an. Oo, minake up-an ko yung ading ko. Napagtripan pa niya ako. Hahahaha. Pinagbigyan ko nanga lang, gusto ko na kasi siyang mapangiti kaya kahit ao ginawa ko na.

"Oh, lipstick-an mo naman ako."tuwang tuwang utos niya."Yung walang lagpas ah."

"Asus. Yun lang pala eh. Marunong ako mag lipstick pero yung Miranda sings style. Hahahaha."nilipstickan ko nanga siya gaya ng inutos niya. Tawa siya ng tawa habang nilalagyan ko siya ng lipstick kaya pati ngipin nito nalagyan na. Hahaha. At tama nga ang sinabi ko sa kanya, naging Miranda sings style nanga yung lips niya.

Tinignan niya ang mukha niya sa maliit na mirror na hawak niya. Bigla niya akong pinaghahampas."Ano ba yan, kuya naman eh!"tinawanan ko lang siya ng tiwanan. Ang cute cute ni Jessi mainis. Kahit ganyan pa ang itsura niya, ang ganda ganda parin ni Jessi.

Ng hindi niya ako mapahinto sa kakatawa, bigla akong nagulat si ginawa niya sa akin.

Alam kong ang bading nito pero sobrang namumula na yung mukha ko ngayon kasi bigla niya akong hinalikan ng matagal sa pisngi habang kinakalat pa yung buong lipstick sa mukha ko.

Ng mapansin niyang nanahimik na ako, bigla niyang tinama ang pangingin niya sa mga mata ko. Sana palagi niya nalang akong tignan ng ganito. Walang hiya, walang awkwardness, konportable lang talaga.

"Mukhang hindi ko naman na pala yata kayo kailangan i-set up eh."gulat kaming dalawa ni Jessi ng makita ng marining namin si ate Zirri nag salita at nasa likuran na pala namin. Nasa likod kasi kami ng sasakyan ni Jessi.

Umayos kami ng upo ni Jessi at biglang hindi na siya makatingin sa akin. Nag simula akong alisin ang mga lipstick na kinalat niya sa buong mukha ko dahil hinalik halikan niya to ng paulit ulit.

"Anjan kana pala ate."nahihiyang sabi ni Jessi habang inaalis ang make-up niya gamit ang kamay niya.

Bumungisngis lang ng parang ewan si ate Zirri sa sinabi ni Jessi at tsaka ibinaling ang tingin niya sa akin."Gelo, mukhang nasobrahan yata kayo sa halik ni Jessi."

"Ah, hindi naman po ate Zirri, nagkatuwaan lang po. Nag pa-lipstick kasi sa akin si Jessi eh."nahihiya kong dahilan.

Biglang inabot ni ate Zirri ang panyo niya kay Jessi."Jessi, tulungan mo naman alisin ni Gelo yung mga halik mo sa mukha niya tsaka pa niya ito itinulak para mapalapit uli sa akin.

Gaya ng inutos ni ate Zirri, ginawa niya naman ito. Pinunasan niya ang mga lipstick na nagkalat sa mukha ko na dulot ng mga halik niya. This time, hindi makatingin ng deretsyo sa akin si Jessi baka nahiya na.

"Thank you."awkward na sabi ko kay Jessi tapos tumingin na ako kay ate Zirri."Saan nga pala tayo pupunta ate Zirri?"

"Uhm. May food tasting tayo sa isang restaurant."sagot naman niya

"Ha? Akala ko ba dun na ang reception sa sa restaurant ni tita?"nag tatakang tanong ni Jessi

"Eh kasi may hinahire si tita na magaling na chef galing sa restaurant na pupuntahan natin. Eh di ayun titikman natin luto niya."explain niya."Tara na."sumakay na siya sa sasakyan ko kaya sumunod na rin kaming dalawa ni Jessi.

- - -

Ng makarating na kami, nag aantay pala dun sa labas ng restaurant si sir Garnette kaya sabay sabay na kaming pumasok sa loob.

"Good morning ma'am, sir."masayang bati sa amin nung mukhang manager." Ngayon po naka-schedule ang food tasting niyo na iluluto ni Chef Girl Logra. Sino po ang ikakasal sa inyo?"

Okay, eto nanaman tayo. Natatawa nanaman tuloy kaming apat lalong lalo naman si ate Zirri? Todo kilig.

"Ah, kami po MUNA ni Garnette."natatawang pag amin ni ate Zirri habang nakahawak pa sa braso ni sir Garnette."Next time pa po sila, mga bata pa yang mga yan eh. Hayaan niyo po next time na food tasting namin silang dalawa na po ang ikakasal."nakita ko naman na nanlaki ang mga mata ni Jessi kay ate Zirri pero si ate Zirri nang aasar lang ng paningin niya.

Umupo nalang kami para mabasag na awkwardness na namumuo sa aming dalawa ni Jessi. Nakaserve na ang mga pagkain sa lamesa. Mukhang masarap at magaling nga yung chef.

Naagaw ng atensyon namin ni Jessi ang gawi ng ZirrNette. Lol. Kasi kinikilig sila habang nag susubuan.

Ng mahuli kami ni ate Zirri na nakatingin sa kanila."Inggit kayo?"matrip na usisa niya. Bigla niyang sinadyang hinulog yung kubyertos ni Jessi. Alam kong sinadya niya yun dahil tawa siya ng tawa habang nakatingin sa pero si Jessi hindi niya alam."Ahy sorry, nahulog."

"Bigyan nalang po namin siya ng new spoon and fork ma'am."suggest ng waiter na nag babantay sa amin.

"Ay wag na."pag tanggi niya."Kasi sabi ni Gelo susubuan niya daw si Jessi eh, diba Gelo?"sinenyasan niya naman ako habang inaabot sa akin ang spoon and fork ko.

Wala na akong nagawa kahit nahihiya pa ako kay Jessi dahil siniko na ako ni ate Zirri. Sinubuan ko nalang si Jessi.

"Jessi subuan mo din si Gelo."nilakihan ng mata ni ate Zirri si Jessi kaya agad din na sumunod to. We end up going on the flow sa kung ano mang trip ng ate niya. Pero sana hindi nalang trip to, sana hindi nalang.

Cad's POV

Napaka epal talaga ng babaeng to kahit kailan. Hindi ko nanga alam kung nananadya na siya o ano pa eh.

"Here, I bought you your pregnancy milk and vitamins"inabot ko sa kanya ang mga pinabili niya."Now can I go?"

"But I thought we're having lunch with daddy? He even ask yaya to cook for our lunch."

"Let's eat, Camille, Cad. The lunch is served."aya sa amin ng daddy niya kaya ano pa nga bang magagawa, edi sumunod na rin ako.

Tahimik lang ako ng kumakain habang silang dalawang mag ama ay nag uusap tungkol sa bussiness associates nila.

"So, when are you both planning to get married?"I was caught off guard by his question. Nag tinginan tuloy kami ni Camille.

Hindi pa pala alam ng daddy niya na matagal na kaming break ni Camille. Ngayon problema ko pa kung paano ko ipapaliwanag sa daddy niya na may girlfriend na ako at bibigyan ko lang ng sustento yung anak namin ni Camille.

"We should plan together, lalo na uuwi pa ang relatives namin ni Camille dito."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dahil kapag inamin ko na bata lang ang mahalaga sa akin, baka ipapatay pa ako nito.

______________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon