Chapter 3

320 11 0
                                    

_____________________________________

~

Nandito nanaman si kuya Gelo sa tabi ko. Iniwan na ako ng lahat lahat, pero heto nanaman siya. Sumusulpot bigla bigla kahit na hindi ko siya tawagin. Alam na alam niya talaga kung kailan ako nangangailangan ng makakausap at makakaramay na tao.

Pinasakay ako ni kuya Gelo dito sa Mercedes Benz niya.

"Kuya Gelo anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong ko sa kanya

"I was supposed to go to your sister's graduation and give this present."sagot niya sakin habang ipinapakita ang isang maliit na regalo at may yellow ribbon sa ibabaw.

"Ha? Pano mo naman nalaman yun?" nagtatakang tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman sinabi sa kanya na grad ngayon ni ate Zirri eh.

"Parang hindi mo naman ako kilala Jessi. Alam ko ang lahat sayo Jessi."very calm na sagot niya sakin.

Grabe noh, stalker ko pala talaga tong si kuya Gelo. Kaya naman tumango nalang ako at nanahimik sa inuupuan ko dahil ayoko ng makita niya ang mga mata kong namamaga kaya nag iingat ako, buti nga madilim dito.

"Do you want me to bring you somewhere or you wanna go home? The Unknown Street right?"paniniguro niya.

Hala. Alam niya nanaman. Stalker ko talaga to. Kailan lang siya dumating dito pero alam niya na agad ang tirahan ko.

"A--a ano. Alam mo rin na lumipat nako at wala nako sa dorm?"nakakunot pa ang noo kong pagtatanong sa kanya.

"I told you. I know every single detail about you."ngumiti siya sa akin. Kahit na madilim dito sa sasakyan niya, nakikita ko parin ito. Ganyan kaaliwalas ang mukha niya. Na kahit anong dilim pa sa lugar kung nasaan siya, makikita at makikita mo parin ang emosyon na pinapakita niya dahil dama mo ito."So, do you want me to send you home?"

Tumango ako."Thank you kuya Gelo."

"You're always welcome Jessi."umandar na ang sasakyan at tahimik na kaming bumyahe ng pareho.

*KRING!*

TITA MARIETA ON THE PHONE:

"Jessi? Nasaan kana ba? Kanina kapa namin inaantay ah."

"Nakasakay na po ako. Pauwi na po ako jan."

"O'siya mag iingat ka sa daan ha."

"Okay tita. Bye."

*CALL ENDED*

"Kuya Gelo, pwedeng pahatid nalang ako dun sa bago kong tinutuluyan?"mahinahon na tanong ko sa kanya

"Sure."matipid niyang sagot at tsaka na kami nag tungo sa bago kong tinutuluyan. Mga 25 mins. Nakarating din kami. Buti nga, hindi masyado ang traffic eh.

"Pano, dito nako kuya Gelo ah. Sa--salamat sa pag ligtas mo sakin at pag hatid mo sakin dito."pasasalamat ko sa kanya habang tinatago parin ang namamaga magang mata ko.

"Don't mention it. Next time be careful okay?"tsaka lang ako nag nod at tinalikuran na siya para mag doorbell.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?"out of the blue niyang tanong tsaka ako napa-stop.

"Wala naman."simpleng sagot ko habang nakatalikod parin sa kanya.

"Jessi, just tell me. I won't go home unless you tell me the truth."pagmamatigas niya."What happened? Bakit ganyan ang mata mo?"

Wala na akong maisagot sa kanya. Tumulo na naman ang mga luha ko. Wala akong magawa para pigilan ito. Sa mga tinatanong niya ngayon ay naaalala ko nanaman ang sekretong nalaman ko lang kanina. Sekretong dumurog ng puso ko.

Hindi ako humaharap sa kanya pero pansin niyang matindi na ang pag hikbi ko dahil sa walang tigil kong pag iyak.

Lumakad siya papunta sakin at niyakap ako habang nakatalikod ako. Humarap naman ako sa kanya dahilan ng pag bagsak ng hindi maipinta kong mukha sa mainit na pag tanggap ng dibdib niya dito.

Ito lang yata ang kaya kong gawin sa ngayon, ang patuloy na humagulgol ng paulit ulit na para bang hindi ko kayang maihinto.

"Ilabas mo na yan, mukhang punong puno kana eh."mahinahon niyang sabi sakin habang ako naman ay patuloy na humahagulgol sa dibdib niya.

*KRING!*

Call coming from:Tita Marieta

"Nasan kana ba? Ang tagal mo ah. Gabi na."

"Andito na po ako sa harap ng gate tita."

*Call ended*

"Sorry, kailangan ko na pu--pumasok sa loob."mangiyakngiyak na paumanhin ko sakanya

"Jessi no. I won't go home seeing you like this, not telling me what happened."sinuri niya pang mabuti ang mukha ko.

"Bu--bukas nalang. Promise. Sasabihin ko na sayo."huling sambit ko tsaka na siya tinalikuran.

"Okay. Tomorrow, let's meet."Tsaka na siya umalis at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Sumalubong naman sakin si tita na may dalang tasa ng kape.

Tsaka binilisan ko ang pag mano ko sa kanya.

"Tita, sorry po ngayon lang po ako nakarating. Eh kasi po traffic po sa daan eh."sabi ko nalang at hindi ko na inantay ang response niya. Tumaas nalang ako sa hagdan at nag punta na sa kwarto.

Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Tsaka nanaman ako humagulgol ng sobra.

Paulit ulit ko nalang na naririnig ang usapan nila Burn at ni Cad. Parang hindi na maalis ito sa sintindo ko kahit na ayoko na itong maalala pa.

Basang basa nanga itong unan ko dahil sa sunod sunod na pag daloy ng hindi mahinto hinto kong luha.

Dyos ko. Bakit nanaman ba ako umiiyak? Hanggang kailan ba matitigil ang matindi kong pag iyak sa iisa namang walang kwentang rason.

Hindi na ako makahinga sa sobra kong pag iyak. Ngayon lang uli ako umiyak ng ganito kasobra. Last kasi na umiyak ako ng ganito, yung namatay daw sila mama at papa.

Kaya nga minsan lang ako umiyak at wag sobra eh.

Pero iba parin yung feeling ngayon, ngayong malaki nako. Mas sobrang bigat sa pakiramdam at dahil malaki na ako, mas naiintindihan ko na ang mga bagay bagay kaya ito nakakasakit ng sobra sakin.

Ang sakit sakit sakit. Hindi ko na alam kung kanino ako mag oopen up tungkol dito. Wala nakong maasahan na bestfriend, dahil ultimong barkada ko, trinaydor din ako.

Lord, ayoko na po. Ayoko na pong umiyak uli ngayong gabi.

Tumingin ako sa kisame ng kwarto ko. Isa isa kong naalala ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Yung mga minahal kong tao at mga pinagkatiwalaan ko. Yung akala kong mga taong tumanggap sa akin ng buo. Nagkamali nga pala ako sa pagtitiwala sa kanila. Dahil ang totoo, hindi naman pala totoo ng ang lahat ng ipinapakita nila sa akin na kabutihan. Maling mali pala talaga lahat ng mga akalang iyun. Pero diba maraming namamatay sa mga maling akala? Bakit hindi nalang mangyari yun sa akin ngayon para matapos na ang kadramahan na to? Yung sakit sa dibdib ko na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko?

Ilang oras na ang lumipas pero umiikot ikot lang ang iisang bagay na iniisip ko simula kanina ng makauwi ako sa bahay na to. Ganun parin, hindi parin ako humihinto sa pag iyak ng sobra. Dahil wala naman akong mapaglabasan e. Nag iisa nalang ako ngayon dito. At ayokong malaman pa ito nila tita.

Pero sa tingin ko, ito lang ang kaya kong gawin ngayong gabi, ang umiyak ng umiyak dahil ako mismo, hindi ko mapahinto ang sarili ko.

______________________________________

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon