Jessi's POV
Kakapasok ko palang ngayong 10:40 na, hindi kasi ako nakabangon ng maaga.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kagabi na buntis si ate Zirri? Alam mo yun, grabeng sobrang di kapanipaniwala eh. Hindi naman sa disappointed ako, pero di ko talaga ineexpect yun sakanya. Somehow, natutuwa parin ako dahil magkakapamangkin na ako.
Isa ring dahilan kung bakit nalate pa ako dahil pinagsabihan ako ni ate Zirri kagabi ng pagkahaba habang banta at words of wisdom niya. Puyat nanaman nga ako. Dinaig niya nga isang nanay eh. Pinaalala niya lang na wag ako mag papaloko kay Cad at sa mga kaibigan ko gayung nakwento ko ang mga nangyari.
Padaan nga pala ako sa canteen ngayon, recess kasi ngayong oras na to eh. Kaya mag babasakali ako kung nandito ang barkada.
Wala na pala sila. Punta nanga lang ako ng classroom baka nandun na sila at tapos na sila kumain.
Teka, dadaan muna ako ng locker ko, andun pa kasi yung project na pahabol sakin nung magaling kong teacher sa Health. Lampayatot talaga yung sir Sakit na laging nag kaaksakit. Ponyets yung teacher namin na yon, leche. 'Di nalang namatay e. Sarap ilibing, lasang burol.
Napasinghap ako sa kawalan nang makarmdam ako ng malamig sa likod ko.
Nabasa ang likod ko ng halo-halo.Nilingon ko ang mga nag tatawanan, tumpak. Mga chaka nga, heto na sila nag babalik. Ang epal sa kabuhayan ko.
"Oops, sorry. Ang laki mo kasing harang animal ka. Hahahahahaha!" halakhak ng leader netong mga chaka. Nakisabay ang dalawa niyang kapwa ka-chaka niya sa paghahalakhak.
"Hoy, ikaw ba nanadya kang malaking sugpo ka! Gago ka pala e! Ako ba hinahamon niyo?" tumayo ako at pinagpag uniform ko. Basang basa ang buong likod ko at napaka lagkit ng buhok ko.
"Girl, sugpo ka daw? Wtf?"
"Hipon daw? Makalait kala mo hindi nag mula sa pagiging baboy!"
"Hahahahahahah Korak!"
"Wow Piglet, lumalaban kana pala ngayon ah. Ano? Matapang kana ngayon? Sino kana ba sa inaakala mo ngayon?" naka-crossed arms pa na sabi ni Sugpo
"Ako pa rin naman si Jessi mga chaka. Ang inaapi niyo dati." prpud na pagpapakilala ko. "Oo, nag iba ako, nagulat ba kayo? Buti nga ako, may nagawang pag babago eh. Kamusta kayo? Ganyan na ba talaga kayo,habang buhay na hipon at walang laman ang utak!"
Nagpakawala ako ng isang matinding halakhak dahil sa mga mukha nilang namumula, I mean nangingitim sa inis sa sinabi ko.
"Ang tapang mo talaga ha. So, magkano ang lyposaction? I wonder kung san mo ninakaw yung pinagpa-lypo mo? Oh eh baka naman pokpok ka?" tumawa siya ng sarkastiko."Well, not surprised, dito pa nga lang sa university, kinalat na naming malandi ka!"
Muli silang nag tawanan, lalo na't may mga ilang estudyante pa dito sa campus at sa canteen.
"Wow. Your guts, so high! Spreading rumors about me? Well, that's good."sarcastic na sabi ko at tsaka ako ngumisi sa kanila. Tinaasan lang nila ako ng kilay dahil mukhang hindi nila gets ang gusto kong ipahiwatig. Mga bobo talaga ever oh. Muli akong nag salita, "Okay, looks like I really couldn't count on your pea sized brains, I mean, atleast you learned to spread something other than spreading your legs."
"Sinasabi mo bang malandi kami?"tanong ng isang hipon
"Hay nako. Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Dahil higit pa pala kayo sa pinakabobong inaakala ko." napa-face palm ako kunyare. "Bahala nanga kayo jan! Mukhang hindi na kakayanin pa ng kataasan ng IQ ko mag explain eh. Mukhang walang kwenta kahit ilang ulit ko itong ipaliwanag."
Nag hair flip na ako at tinalikuran silang tatlo ng maramdaman kong may humila at sumabunot sa buhok ko. Tatlo tatlo silang nanabunot sakin at pinagsasampal nila ako.
Hindi naman ako nag patalo, pinag-untugan ko ang dalawang hipon at tsaka itinaboy malapit sa basurang nabubulok. Nagkaroon sila ng dugo sa ulo at hindi na makatayo. Ang lakas kasi ng impact ng pagkatulak ko sa kanila. Nag untugan panga sila bago bumagsak. Buti nga sa kanila.
Akmang tatakbo na sana ang leader-leader-an nilang hipon, este sugpo sa pagkasama ng mukha neto. Marahil ay natakot siya sa ginawa ko dun sa dalawa niyang hipon prens. Pero hindi ko siya pinalampas. Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko siya. Hinila ko siya sa buhok niya habang nakaupo siyang pinangpupunas ang uniporme niya sa sahig at nag iiyak hanggang sa makarating kami dito sa buong campus. Pinahilatay ko siya at pinagsasampal at sinabunutan hanggang sa nalagas ng paunti unti ang buhok niya. Aba lumalaban parin siya, lakas talaga netong sugpo na to, tingin niya papatalo ako? Neknek niya no.
"Ms. Rigell! Stop that! Both of you! Follow me in the guidance office
---
Matapos ang nangyari kanina. Dalawang oras akong kinausap sa guidance office. Alam na ng guidance counselor na hindi ako ang nag umpisa ng gulo pero dahil nga sa ginawa ko sa kanila at mga natamo nilang sugat dahil sakin, ayun. Suspended ako ngayong araw. Bad trip, sirang sira na ang araw ko. Bwisit talaga. Habang ang nga grupo ng hipon ay tatlong araw namang suspended. Kulang pa nga yun e. Dapat dun sa mga yun kini-kick out na idagdag pa yung mga pang-appi nila sa'kin dati pa.
Nauna na akong lumabas ng guidance counselor dahil tapos ng sabihin ang mga task na dapat kong gawin, I mean, hindi pala task, parusa pala. Leche.
"Bessy, anong nangyari sayo? Ay Jessi pala. Nag alala kami sayo. Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Yerdi
"Jessi, ano ba tong nabalitaan namin? Totoo bang nakipagsabunutan ka sa hipon prens?" sumunod na tanong ni Yassi
"Anong nangyari jan sa bibig mo? May pasa ka oh. Ayos ka lang?" dagdag pang tanong ni Elaine tsaka niya binigay ang ice bag kay Yerdi. Pilit namang idinadampi ng OA na si Yerdi ang ice bag kaya napaatras ako.
"Ayos lang ako, wag niyo nakong intindihin." badtrip at walang gana kong sagot sakanila.
"Eh kamusta? Anong sabi sayo ng guidance counselor?"muling usisa ni Yerdi.
Bwisit naman 'tong mga 'to. Bad trip nanga ako babarahin pa ako ng sunod sunod na tanong. Dumadagdag pa sila sa init ng ulo ko ngayon e. Imbes na i-relax ko ang sarili ko, tatadtarin pa nila ang napakainit kong ulo.
"Eh di malamang suspended ako ng isang araw. Bad trip, bwisit kasi yung mga hipon prens na yon eh. Tuloy! Ugh. Mga leche talaga sila!"inis na inis kong sabi.
Alam kong nag titinginan na sila ngayong tatlo na nasa likod ko sa inaasta kong kademonyohan. Eh syempre., hindi naman ako ganito dati eh. Ni hindi ko nga magawang mag mura dati.
Binilisan ko na ang pag lalakad ko upang makarating nako agad sa classroom. Ayoko ng marinig at sagutin pa ang mga susunod nilang tanong eh. Mainit talaga ulo ko ngayon. Parang umuusok nanga ako eh. Tangina. Lalo pa tong mga estudyante na nadadaanan namin. Nag chichismisan pa mismo sa harapan ko eh. Takte, kung makatingin kala mo naman nakapatay ako ng tao.
"Ano bang tinitingin tingin niyo jan?" mataray kong tanong sa kanila. Nag si-alisan naman silang lahat at hindi na muling sumabat sa akin. Tinaasan ko silang lahat ng kilay at tsaka inirapan. Umalis nalang sila. Tinanggal ko naman ng padabog ang tatlong kamay nila Yerdi na nakapamigil sa akin kung sakali man na aawayin ko yung mga animal na yon.
Pagdating ko ng classroom, may tumutugtog ng gitara. At may naririnig akong isang malamig na tinig ng lalaki.
*Play Muli by: Jay r and Nina in this part*
Muling hinahanap
Ang dating palinggap na mula sayo
Muling umaasa
Sa dating nadaramang laan sayo
Mula ng magwakas
Tapusin ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Pa'no kaya maiibalik
Ang damadamin mong dati. . . . .
. . . . .
. . . . .
________________________________________
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.