_________________________________________
Naramdaman kong tutulo na naman ang mga luha ko pagkatapos ng nangyari sa amin ni Cad sa loob ng kwartong iyon.
Napahawak ako sa bibig kong hinalikan niya.
Mali. Mali ang nangyari sa amin ni Cad. Maling mali ang lahat ng ito. Hindi dapat ito nangyari sa amin. Hindi ko dapat siya hinayaan na gawin 'yun sa akin. Naiinis ako sa sarili ko. Pero mas naiinis ako sa nangyari. Mas naiinis ako sa ginawa niya. Sa nangyari sa amin, parang mas hinayaan ko lang siya na mag isip na meron pa kaming pag asa. Na madali niya uli akong makukuha pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin.
Binilisan ko ang pag takbo palabas ng venue pero mas binibilisan niya ang pagtakbo niya sa akin kaya hindi ko magawang alisin yung tingin ko sa kanya. Palapit siya ng palapit sa akin.
"Jessi! Teka lang!!" sigaw niya habang tumatakbo pero hindi ako nakikinig sa kanya. Patuloy lang ako sa pagtakbo makalabas lang ako ng venue hanggang sa madapa na naman ako dahil sa heels ko. Naramdaman kong may mahapding parte na naman sa kaliwang tuhod ko pero hindi na ako nag abala pang pansinin 'yun.
Nakita ko si kuya Gelo. Itinayo niya ako agad ng may nag aalalang expression sa mukha. Hinawakan ko agad ang kamay niya at inaya siya sa parking lot kung san naka-park ang sasakyan niya.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag aalalang usisa niya. Then he looked at Cad who was quickly running after me.
"Anong ginawa niya sayo? Gago talaga yang lalaking yan!" nag pumilit siyang mag pumiglas sa hawak ng kamay ko sa kanya pero sinubukan ko na lang yung best ko just to please him. Ayoko ng mag away pa sila dito.
"Kuya Gelo, tara na. Dalhin mo na lang ako kahit saan kasi alam niya na yung bago kong tinitirahan." pagmamakaawa ko sa kanya tsaka ko na siya hinila papasok ng sasakyan.
Kinatok at pinalo palo naman ni Cad ang car window at hindi parin nag tigil sa pagsisigaw ng paulit ulit sa pangalan ko. Pero hindi na namin pinansin iyun ni kuya, madali na rin niyang pinatakbo ang sasakyan.
Patuloy pa rin ako sa pag hagulgol habang nag mamaneho si kuya Gelo.
"So, what happened? What have he done this time to you?" inabot niya sa akin ang tissue paper na nasa dash board.
Pinunasan ko lang ang luha kong patuloy na dumadaloy at tsaka ko pinatahan ang sarili ko ng konti upang mag explain sa kanya.
"Kuya, nag halikan kami ni Cad." nauutal utal na pambubunyag ko habang nag iiwas ng tingin sa kanya.
Nanlaki lang ang mata niya sa narinig niyang pambubunyag ko. Nakita ko sa mata niyang may halong lungkot at galit dito pero hindi parin niya ito ipinahalata sakin.
"How?"
"Aksidente nung una kuya. Pero nung pangalawa na kasi--"
"At may pangalawa pa?"
"Kaso hindi ko naman ginusto 'yun kuya." madaling depensa ko. "Siya ang humalik sa akin. Hindi ko rin naman akalain na gagawin niya 'yun."
Halos hindi siya makatingin ng direstyo sa akin. Alam ko 'yun dahil kahit tinatago ko yung mukha ko sa kanya, nakikita ko pa rin siya gamit ang peripheral vision ko. Nasaktan ko na naman si kuya. Nasaktan ko na naman siya sa pag amin ko ng tungkol sa nangyari kanina.
Nanahimik na lang siya at wala ng nasabi pa sa maikling kwento ko tungkol sa nangyari sa aming dalawa ni Cad.
Tutok na tutok lanf siya sa dinadaan ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa 3 storeys niyang mansion.
Nang bababa na ako ng sasakyan, naramdaman kong, kumikirot ang tuhod ko sa sakit dahilan ng pagkadapa ko kanina. Marahil ay nagasgasan na naman ako.
Mabilis pumunta si kuya sa door side ko upang alalayan ako nang makita niyang nahihirapan ako sa pag lakad.
"Let's get inside. Gamutin na natin yang sugat mo. Be careful okay?" inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa pintuan ng mansion niya.
"Ate Flor, please bring out the first aid kit. Ngayon na ate." tarantang utos ni kuya sa katulong nila tsaka naman ito tumango at tumakbo para kunin ang first aid kit.
Bumaba siya ng konti at yumuko para itaas ng hanggang tuhod ang gown ko upang makita ang gasgas ko sa tuhod na natamo ko sa pagkadapa. Nag mantsa kasi ang konting dugo sa gown ko.
"What do you think you're doing?"
Gulantang kaming pareho ni kuya Gelo nang marinig namin ang sumigaw na boses ni Cad sa may pintuan. Hanggang dito ba naman sinundan niya pa rin kami?
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Ikaw! Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" mainit na ulong saad ni kuya sa kanya. Sinubukan niyang tumayo pero madali kong hinawakan ang kamay niya. Natatakot kasi ako na baka may mangyaring gulo dito eh.
Napatawa ng mapakla si Cad.
"Pamamahay mo sigurado ka talaga diyan? Bakit mo ba dinala dito si Jessi?"
Tumingin lang siya sa akin at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
Huminga siya ng malalim bago harapin uli si Cad.
"Dahil nag li-live in na kaming dalawa ni Jessi. Ano ba ang pakialam mo?"
Mas lalo pang napatawa ng mapakla si Cad sa sinabi niya na hindi man lang nabakasan ng gulat sa sinabing kasinungalingan ni kuya Gelo. "Will you stop your show. Cause it's not even convincing. I knew it. Ginagawa niyo lang just to make me feel jealous. Right?"
Nanahimik lang kaming dalawa ni kuya. Siguro narininig niya nung tinawag kong kuya si kuya Gelo kanina.
"Oh ano? Nagulat ba kayo? Tama naman ako 'di ba? Nag papanggap lang kayong dalawa."
Nayuko na lamang kaming dalawa ni kuya at hindi na nakaimik pa sa mga pamimiga niya. Totoo ang lahat ng sinabi niya pero wala ni isa sa amin ni kuya Gelo ang nag lakas loob para i-depensa pa ito.
"Oh bakit hindi kayo makapagsalita?"
"You know what, just get out of my house! Bakit kapa ba buntot ng buntot sa girlfriend ko ng parang aso?" sa wakas ay nakapagsalita na si kuya na kanina pa nag iinit ng ulo at halatang nauubusan na ng ipapalusot sa kanya.
"Gelo, pwede bang tama na nga ang ilusyon mo? At anong sinasabi mong ako ang buntot ng buntot ng parang aso, eh ikaw nga kung makakapit ka sa kanya para kang linta na hindi maalis sa katawan niya!"
Hindi na ako makapagpigil sa takot na kahit na umaaray ako sa natamo kong sugat ay pinili ko nalang sumabat sa nangaapoy nilang sabatan.
"Pwede ba tumigil nanga kayong dalawa! At Cad pwedeng umalis ka na lang! Wala kang mapapala dito!"
"No. I won't go unless you go with me!" pagmamatigas niya.
"Bakit mo pa ba siya sinusuyo?" sabat ni kuya Gelo. "Ginamit mo lang naman siya diba? Niloko mo lang naman talaga si Jessi!"
Nanlilisik ang mata ni Cad na tumingin sa kanya.
"Hindi mo alam ang nangyari sa amin kaya wag kang makialam!" tinulak niya si kuya kaya napaatras siya ng konti. His hands formed into fist. Ayun nalang ang signal sakin na galit na galit na siya kahit na nakatalikod pa siya sa akin hinaharap si Cad.
"Ano ba! Itigil niyo na yan!" halos mangiyakngiyak na pag aawat ko kasi hindi ako makatayo sa sugat kong kanina pa kumikirot.
Gagantihan na sana ni kuya si Cad gamit ang kanyang kamao sa sobrang inis niya nang may dumating na lalaking naka-suit at mukhang may edad tsaka nakasuot ng seryosong expression sa kanyang mukha.
_________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/26878803-288-k427891.jpg)
BINABASA MO ANG
My Motivation 2: Back For Good
Teen FictionAre you motivated enough to change for a better person or for worst? This is My Motivation Part 2. Please read the book 1 first. Tunghayan natin kung ano ba ang maidudulot ng pagbabago kay Jessica Laine Rigell.