Chapter 16

263 12 4
                                    

Yerdi's POV

Isang linggo ang dumaan simula ng mapagdesisyonan namin ni Cad na hanapin siya pero hanggang ngayon, hindi parin namin nahahanap ni Cad ang tirahan ni bessy.

Nag tulungan na rin kami ng buong barkada para mahanap siya pero wala. Ni anino niya nga, hindi namin makita. Kahit na sigurado pa kami na hindi niya pa kami kayang kausapin, ginagawa pa rin namin 'to, baka sakaling mahulog siya sa effort na ginagawa namin para lang makipag-ayos sa kanya.

Tinignan ko si Cad na mukhang problemadong problemado na ang mukha. Panay din siyang mainitin ang ulo niya. Nu'ng isang araw nga lang, nagkasagutan pa sila ni Burn. Apektadong apektado talaga siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Jessi. Sising sisi na talaga siya sa ginawa nilang pustahan ni Burn.

"Eh si Gelo? 'Di ba palagi na silang magkasama?"tanong ni Cad habang magkakunot ang noo niya. Mas lalo pang sumalimuot ang timpla ng mukha niya nang banggitin niya ang pangalang Gelo.

"Malamang panay magkita ang dalawang iyon, palagi kasi ang training sa competition 'di ba?"

"Alam mo ba ang bahay nu'n?"

Nagkibit balikat ako.

Hindi ko pa kasi napuntahan ang bahay ni kuya Gelo. Dati nga, nu'ng nag pa-party siya, walang pumunta sa engrandeng handaan sa mansion nila. Pupuntahan na nga sana siya ni bessu pero nauna na siya sa dorm dati.

"Hindi rin eh. Tsaka balita ko, bago na ang bahay nu'n."

"Ayun, malamang alam nu'n kung saan ang bagong tirahan ni Jessi."sabi niya.

"Sabihin na nga nating alam niya kung nasa'n nakatira si bessy. Pero ang tanong, sabihin niya kaya sa atin?"

Napakamot nalang ng ulo si Cad sa sobrang inis at napa-tsk! Halata sa mukha niya na desididong desidido siyang mahanap bahay ni bessy para lang makausap at makipagbati sa kanya.

Nanatili siyang palakad lakad sa harapan ko at diretsyong nag iisip.

"Anong balak mo?" tanong ko.

"I'll hire a private investigator."seryosong tugon niya.

"Ano? Private Investigator?"napaawang ang bibig ko. Masyadong malaking pera ang gagastusin niya kung gagawin niya iyun."Seryoso ka ba? Ang mahal kaya nun."

"I dont care. Kahit ubusin ko pa ang pera ko, mahanap ko lang 'yung babaeng mahal ko."

~

Hanggang ngayon, ganu'n parin, hinahanap pa rin namin si Jessi. Miss na miss na namin siya ng buong barkada. Ginawa nga talaga ni Cad iyung napag-usapan namin na mag hire ng PI, nag aantay pa rin kami ng update.

Minsan nga uma-absent na kaming dalawa ni Cad sa paghahanap sa kanya. Mas madalas ko na nga siyang kasama, dahil hanggang ngayon, malabo parin kami ni Burn. Nag uusap, pero awkward. Pero hindi naman sa break. Basta, ang labo lang.

"Ang tagal na, pero hindi parin natin nahahanap yung tinutuluyan niya. Gustong guato ko nang makita si bessy. Wala pa bang update yung PI na kinuha mo?"nakabusangot na sabi ko kay Cad.

"Wala pa nga eh. Nag out of town pa kasi 'yung PI na kinuha ko. Gustong gusto ko na siya makita. Gusto kong ipaliwanag ang lahat." malungkot na tugon niya.

Bigla nalang ako naiiyak ngayon. Naalala ko yung mga best memories ko with bessy. Sobrang namimiss ko na siya talaga. Gusto ko ng makasama siya uli at bumalik kami sa dati pero hindi ko naman alam kung paano.

"Yerdi, umiiyak ka ba?"napayuko nalang ako habang niyayakap nita ako.

"Yerdi wag ka ng umiyak. Lahat naman tayo, pare-pareho lang ng nararamdaman. Ako rin naman miss na miss ko na rin si Jessi."bulong niya habang hinahaplos ang likod ko.

My Motivation 2: Back For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon